Showing posts with label Monthly Celebration. Show all posts
Showing posts with label Monthly Celebration. Show all posts

Saturday, February 15, 2014

Finally! :D

Ilang araw na ang nakakalipas (8 days to be exact) ng finally napalitan na ang facebook relationship status ko! Haha! Yes. From in relationship to Engaged! ❤ At ilang araw na ring flooding ang mga kaartihan sa wall ko. Hindi maitago ang saya, sorry na lang sa mga friends ko kung nauumay na sila. Haha!

Posting here ang mga kaartihan ko na pinost ko sa instagram at facebook! :) #landimoment

Thank you for the gift of today! ❤ ❤

Monday, January 14, 2013

72nd on 2013! ♥

January 6. Maagang umalis ng Manila. Nagpa-fulltank. Saan ang punta namin? Sa Tagaytay!! Kung last time ay solo trip, ngayon 2 na kami. :) Walang reservations. Walang itinerary. Basta ang goal namin, mag-enjoy ng magkasama. ♥

Before 12nn nasa Rotonda na kami. Dala ang maraming listahan ng mga accommodations, inuna naming puntahan ang overlooking the Taal Lake. Kaso wala kaming makitang magandang accommodation na pasok sa budget namin kaya sa Plan B nalang kami. :) Punta kami sa Keni Po, since Sunday na, karamihan sa mga nag-overnight ng weekend, pacheck-out na. May available ng 1PM, P1,200. Lipat sa kabitbahay, 5R . May available room at pwede na magcheck-in. Ang kinuha naming room na nasa 2nd flr for P1,300, with A/C, TV, hot & cold shower, ref , WiFi at malaking balcony.  Pwede na. After mag-ayos ng gamit, sinimulan na namin ang aming paglalakbay sa Tagaytay!

People's Park - Bayad ng entrance fee then lakad na. May jeep na naghahatid sa mga ayaw maglakad, P5/each. Dito sana kami magllunch kaso ang mhl ng bayad sa cottage. Tsaka puno na rin dahil Sunday, family day. Naglakad-lakad kami sa may bandang likod. Hindi ko ito napuntahan nung ako lang mag-isa. At may kakaiba kaming nakita!
Mannequin o totoong tao? :)
Naaliw talaga ako kay kuya! Gagalaw lang siya kapag may naghulog ng barya pera sa may donation box. Dito kami talagang nagtagal kasi hinintay naming mag-Gangnam Style siya na request ng mga batang nandun! Haha! 
Fill in the blanks. Kelan kaya ito mabubuo. :(
First time ninyo Ati at Koya? Hihi.
Picnic Grove - Balak sana naming bumili ng litsong manok at kanin before kami pumunta dito kaso wala kaming nadaanan. Kaya kumain muna kami sa isang kainan sa loob tsaka tumambay at nanood ng mga nagpapalipad ng saranggola. :) Sarap lang tumambay dito.
Paramihan ng mauubos na saging! Haha!
Calaguera Church - Ang layo. Akala nga namin hindi na namin maabutan na bukas eh. At akala namin naliligaw na kami! Hehe! Buti na lang sakto kami dumating, 5:30pm! Bayad ng P30 then pasok na kami.
Pagdating namin sa church, akala namin photo shoot na lang ang ginawa ng mga bagong kasal. kaya hinintay na naming matapos. Kaso pala, hindi pa nag-uumpisa! Haha! Hinintay muna naming makapasok sila bago kami nakapagpicture sa labas. Balik na lang next time para makapasok sa loob. Ang gara lang ni Ateng kinasal, baby pink ang wedding gown. :)

Gabi na kami nakabalik sa city kaya derecho dinner na rin. At dahil Family Day nga, punuan ang mga kainan. Bukas na magbulalo, gutom na eh! :)
January 7. 2am gumising ako para gawin ang dapat kong gawin. :) Buti nalang nagising si neiL pagpasok ko. Sabi ko, hindi kasi ako makatulog kaya nagpahangin ako sa labas! Haha! Brunch sa Mahogany at namili ng 2 kaing na pinya!
Ako na ang ume-effort! ♥
Brunch at Mahogany Market
Bulalo at tawilis! ♥
Foggy, hindi man makita ang Taal Volcano, okay lang.
Hindi naman background ang importante eh,
mas importante kasama kita! :)
Happy 72nd to us! ♥


At dahil sa 3rd anniversary na ni Galanamen, bago ang header! Ayon lang. Hehe!

Friday, December 07, 2012

Pitumpo't isa

Babala: Cheesy post!!! 

Late nagising. Pagcheck ng cellphone, 1 message received. Happy 71st monthsary mahaL kO. Ligo, bihis, alis. Nagtext. Morning. Alis na ko. Reply. Hindi ka pa papasok? Nag-reply. Paalis pa lang. Tinanghali ng gising. May nagrepy . Ingat ka ha. 

Sumakay ng jeep. Pagdating sa pilahan ng shuttle. May naghihintay. Papasok ka pa ba? Ang tanong. Oo. Ang sagot. Sumakay ng shuttle. Nagbiyahe. Dumating ng opisina. Nag log-in. Pagpuntang area. Tadan! May bouquet ng red roses. Walang pangalan kung para kanino. Kanino galing. Pero natuwa. Kinilig. Baka hindi sa akin ito! Ang sabi. Sayo yan! Ang sabi ng mga kaopisina. Nagtext. May roses sa table ko. Sayo galing? May nag-reply. Yep. Hindi makapaniwala. Nangbintang sa kaopisina na kasabwat sa pangyayari. Tumanggi. Nangulit. Ako nagdala niyan, itanong mo pa sa Guard. Ang paliwanag. Kelan mo dinala? Ang tanong. Kaninang 3AM. Ang sagot. Weeeeeh! Sagot ng walang mapaglagyang tuwa. Super duper haba ng hair ko!  ^_______^
mahaL,

Huwag mo nang uulitin ito. Buong araw akong kinakantiyawan sa opisina. Ang hirap iuwi, alam mo namang siksikan sa LRT1! Joke lang. :)) Thank you so much. First time mong pagpadeliver  magdeliever ng ganito sa opisina . Nasurprise ako! Bakit ako maghahangad ng isang Zoren Legaspi kung may neiL na ako! Chos! Haha! Basta maraming salamat. Napasaya mo ako ng bongga. Happy 71st! iloveyousomuch! < 3

Love lots,
Nicole

Monday, January 23, 2012

Last Day in Cebu!

January 9, Monday. Maaga kaming gumising para makipagsapalaran na makita si Haring Araw ngunit bigo pa din. :( Naglakad-lakad na lang kami at tinignan ang mga katabing beach resort ng Kota Beach. 
Budyong



Yooneek

Saturday, January 21, 2012

Bantayan: Sea and Land

January 8,Linggo. Maaga kaming gumising para mag-almusal at bumili ng makakain sa aming island hopping. Gusto din sana naming masilayan ang sunrise pero wala. :( Makulimlim. 
Where are you Mr. Sunshine? :(
Naglakad lang kami papuntang Sta.Fe Market, naghanap ng makakainan. Suman at kape habang nagmamasid sa mga taong nagdadaan galing sa simbahan.

Sunday, January 15, 2012

On our way to Happiness! ♥

Ang gusto sana ni neiL icelebrate ang anniversary namin sa Nagsasa! Instant favorite na niya agad iyon! Sabi ko sa iba naman. Gusto ko talaga sa Bantayan. Kaso dahil sa wala nga kaming sure na plano, hindi ako nagbobooked kapag may sale. Meron pang sa Bataan. Sa Ilocos. Pero after ilang lambing, pumayag din siya sa Cebu. :) Lakas ng convincing powers ko! Haha! 

January 6, Friday. Naka-leave na ako. Siya pumasok pa siya hanggang 2PM tutal gabi pa naman ang flight namin. Nagkita na lang kami sa SM Ayala at doon nagtaxi papuntang airport, first time namin sa Domestic Terminal at sumakay sa ZestAir. 

Sunday, November 13, 2011

First time! :)

Effort ang paggawa nito, ilang araw ko itong tiniyaga! First time ko gumawa ng ganito pero nakakatuwa nung natapos na. Hihi!

--------------------------------------------------------------------------
Dahil sa wala na akong mapopost na travels namin, cheesy moments muna! :P

Tuesday, January 11, 2011

Anniversary Getaway! ♥

Marami kaming pinagpilian kung saan namin icecelebrate ang aming ika-apat na taon. :) Dahil pareho naming gusto ang beach, malapit lang ang biyahe, pasok ang Zambales. Nakapunta na ako sa Anawangin 2 years ago with college friends. Ito pa nga ang kauna-unahan naming gala eh. Pero hindi nakasama si neiL doon dahil sa bawal ang magsama ng boyfriend! Sabi ko nung nakita ko Anawangin, dadalhin ko doon si neiL, dapat makita din niya iyon! :) At dumating na nga ang takdang panahon. :)

Sa tulong ng GT ( for the nth times! Kasama na ito basta travel ang pag uusapan! Hehe! ), nakakuha ako ng contacts. Ang pinili ko syempre iyong recommended para subok na, si Mang Johnny. :)

Wednesday, January 5. Nagpunta akong Victory Liner sa may España para bumili ng tickets. Kaso lumipat na pala sila. Naglakad ako ng malayo-layo. Pero ok lang kasi mas maganda ang bago nilang terminal sa may Legarda. :)

Thursday, January 6. Pareho pa kaming pumasok sa trabaho dahil 11PM pa naman ang kinuha naming sked. Naggrocery pa ako sa SM Manila para sa mga kailangan namin, hotdog at marshmallow! :D Nagdinner muna kami sa Mang Inasal malapit sa terminal before kami pumunta sa Victory Liner. Mas komportable ang maghintay dito kaysa sa luma nila terminal. :)
Unang picture namin ngayong 2011! :)

11PM. Sakto umalis ang bus.:) Bago pa ang bus nila. Sakto lang ang lamig at ang takbo. :) 
Happy 48th! ♥

Wednesday, September 15, 2010

Coron Inland Tour

September 7, pagbangon ko nakita ko agad ito! :) Nakakatuwa naman! Haha!
44th@ Coron! Nice! :)
5AM, naghahanda na kami dahil anytime darating na si Kuya Julius para ihatid kami sa Mt.Tapyas. Infairness, sakto si Kuya! :) Malapit lang ang starting point sa Coron Public Market. Simulan na ang pag akyat! :)



Monday, August 09, 2010

Our Version: Coca-Cola Chicken


Ito na naman kami! hehe! Dahil sa naging successful naman ang aming cooking session, naisip namin na magluto ulit noong saturday*! hehe! Ang nakita kong recipe dito ay chicken wings pero ang binili namin ay isang buong manok! hihi! Ok naman ang kinalabasan.. Medjo matamis lang sa panlasa ko kasi nilagyan ng tagapaluto ng asukal.. Para siyang adobo na nilagyan ng coke, ito ang naging reason kaya siya malapot.. Nilagyan din namin ng siling labuyo para medjo umanghang! sarap! =) 

Wednesday, July 07, 2010

Chicken-all-you-can for 42nd! ^__^

Pancit Canton Small - ₱124.30
chicken-all-you-can - ₱165.00
Sisig Tofu

Monday, June 07, 2010

41st..

^__^

Friday, May 07, 2010

40th..

Life starts at 40! ^___^

Monday, March 08, 2010

38th..


38th months and counting! :)


march 7 2010
antipolo city



Monday, February 08, 2010

sad face on 7th day..

napapadalas na ha! :'(

Friday, January 15, 2010

36 in 2010

congratulations!!! happy birthday!!! yehey! 3 years na kame! :) kasama ang ameng mga anakis, bachengcheng and benok ( happy 3rd birthday benok! ), gumala kame sa antipolo.. :)
nagsimba sa antipolo church.Our Lady of Peace and Good Voyage Binisita ang hinulugang taktak. Nakakalungkot lang dahil hindi na ito maganda. Hindi na maipagmamalaki.. :'(
Hinulugang Taktak National Park
Nagdinner sa Nature's Peak Bar & Grill, overlooking metro manila.. :) Inihaw na Liempo - P160 Chopsuey - P150 Crispy Chicken - P170

Syempre hindi nawawala ang gifts! :) yipee! roses for danda & 2010 calender with our pics, 36 in candies, purpose driven life for yayya
Simple man ang pagdiriwang na ito. :) Ang importante magkasama pa din kame after 36 months! :)
again! happy 3rd anniversary to us!! :)
january 7 2010 
antipolo church 
hinulugang taktak 
nature's peak bar & grill 
antipolo city