Friday, March 15, 2013

2013 Saturdays, February

I know super late post na ito pero hahabol pa rin ako. Sobrang busy lang nitong nakaraang araw sa mga bagay-bagay. :)
02 February 2013
Quezon City
09 February 2013
Eastwood Residence, Rodriguez Rizal
16 February 2013
SM Marikina
23 February 2013
Parang, Marikina
02 February. Bonding time with his family. Birthday ng pinsan ni neiL. Nakakatuwa nga siya, nakipaglaro talaga sa mga bata! Walang inuurungan. :P

09 February. Ito na ang dating for tripping only. :) Ayan ang pinaglalaanan ng sweldo  ni neiL. Hehe! Oo siya ang nagbabayad pero nakapangalan sken! Bwahaha! Gusto ko sanang iblog ang lahat ng mga process na pinagdaanan namin para sa future house na yan, kapag may time. :) Wala pang nakatira pero tinataniman na niya ng mga gulay at halaman para hindi sayang ang space. :) Pero pwede na yang tirahan anytime. Sino gustong umupa? Hehe! Joke.

16 February. Kumuha ako ng NSO Birth Certificate at dahil hindi naman ako nagmamadali, sinubukan kong kumuha sa SM Business Center. Madali lang, pumunta lang ako sa Business Center tapos nagfill-up ng form, nagbayad ( P140 for copy at P20 for service fee ) then binigyan na ako ng resibo at claiming stub. After 7 days nakuha ko na! Pwede rin ninyong itry kung hindi naman kayo nagmamadali, mas mura compare sa online/delivery at less hassle kapag sa main kukuha. :)

23 February. Namiss namin ang kumain ng kwek-kwek!!! :)

Sunday, January 27, 2013

2013 Saturdays, January

Inspired by Riz, ang blogger na halos 5 yrs ko nang sinusubaybayan. :) Oo ganun na katagal. From nung single pa siya, kinasal at ngayon may cute twins na siya! ;)
Sana matapos ko ito! Goodluck to me. ;)
05 January 2013
12 January 2013
Balungao, Pangasinan
19 January 2013
Divisoria
26 January 2013
Baclaran
05 January. Ito ang time na busy ako kakaisip kung anong gagawin ko sa mga pictures na pinaprint ko para sa anniversary namin

12 January. Mahaba-habang roadtrip to Pangasinan para sunduin si Inang, lola ni neiL. Umalis kami ng 7PM sa Trinoma dumating kami before 12 midnight sa bahay ni Inang. Gustong gusto ko talagang pumunta dito tahimik, fresh air, bukid, maraming puno, maraming prutas! Dito ko lang naranasang mamitas ng suha sa puno! At dito ko lang din nalaman na mamamatay na pala ang puno ng saging after kuhain ang bunga nito. Buhay-probinsiya talaga! 

19 January. Divisoria! Feeling ko nalibot na namin ang buong Divisoria nung araw na ito! Sakit ng paa ko after! Haha! Nakabili ako ng P25 na white pang-ulan na shoes, P250 shoes from Mikaela at accessories, P10 na kwintas at 3-for-100 na hikaw. ;)

26 January. First time naming magpunta sa Baclaran. Nakakatuwa at ang mumura ng mga paninda. Murang mura dahil ang minimum 6 pcs! Haha! Halos lahat wholesale ang tinda. Iilan lang nakita naming pumapayag na retail at ang laki talaga ng difference. May natanungan ako, dress, kapag wholesale, P120/each pero kapag isa lang, P250! Bongga db! Kung balak mong magnegosyo ng mga damit, sapatos, tsinelas at bag, dito ang tamang lugar para sayo. :) O kaya naman may reregaluhan kang 6 persons, pwede na rin dito, iyon nga lang, parepareho sila ng design o dapat makuha mo lahat ng sizes ( from s to xxl) para wholesale. Hehe!

Ang bilis ng araw! Ilang tulog na lang tapos na ang unang buwan ng 2013.