Showing posts with label Baguio. Show all posts
Showing posts with label Baguio. Show all posts

Sunday, May 06, 2012

Baguio Accommodation: Ferrionni 2


 
Nung nagpunta kami sa Baguio para sa Panagbenga without any reserved accommodation dito kami napadpad sa tulong ng mga Kuya na nasa labas ng terminal at handang tumulong sa tulad namin. ;) Ok naman ang room, 3 bedrooms, 2 rest room, malaking sala at pwedeng magluto. 

Rooms: Room 1, good for 2 person, double deck. Room 2, 1 queen-size bed with own cr. Room 3, 1 queen-size tsaka 1 single bed, cr connected to kitchen. Hindi ko nakuhaan ng picture ang Room2, hindi ko alam kung bakit! Haha!
Kitchen: Mas tipid kasi kung pwedeng magluto sa accommodation, kaya ok na ok kami rito. Anytime na gusto naming magkape, keri. Kumpleto rin sa gamit. 

Pagbabalik-tanaw: Panagbenga 2012

Matagal ng kantiyawan sa office kung kelan ba kami makakalayas ng sabay-sabay. At dumating na nga ang pinakahihintay. Panagbenga! Wala nang atrasan. Go na ito.  Ni-wala kaming nakabooked na accommodation dahil sa sobrang biglaan. Bahala na si Batman! Lahat naman kami willing mag-take ng risk eh! Haha! Basta may ticket papunta at pabalik, keri na iyon! :D
Thursday night kami umakyat pa-Baguio. Iyong isang team, lahat sila kasama pati Boss! Haha! Walang support. Dala lang ng broadband at laptop, go na! ;)
Pagdating namin sa Baguio, ang lamiiig! Namiss ko ito. Bili agad kami ng ticket pauwi, mahirap na. After namin bumili, nakipag-usap kami sa mga nag-ooffer ng accommodation sa labas ng terminal. Dinala nila kami sa Ferrionni 2.

Friday. Gala muna kami sa Session Road at sa favorite ko sa Baguio, SM Baguio! :D Ang dami ng tao pero keri pa rin namin. Lunch muna kami sa Sizzling Plate Baguio. Anlalaki ng servings nila at ang mura lang.
 
Namili na rin kami ng mga pagkain para sa almusal kinabukasan. Kinahapunan, pumunta naman kami sa Strawberry Farm. ;) P320 ang kilo ng stawberry plus experience . Pero sa labas, P150/kilo lang. For the experience and profile pic sa fb, go! ;)
P320 ang kilo ng stawberry +  experience
Mas gusto ko ang una naming punta rito. Mas maraming strawberry. Syempre, tinikman na rin namin ang offer ni Kuya na stawberry ice cream. Sarap!
Maputik kaya binigyan kami ni Kuya ng plastic para isuot. Mukhang nag-enjoy naman sila sa experience na ito. Ako kasi nakuntento na ako sa pagpipicture at sa ice cream! :D
Team Baguio 2012

Saturday, March 26, 2011

Panagbenga 2011: The Grand Street Parade

***Super duper late post! T_T
Maaga kaming nagising para makahanap ng magandang pwesto. Ang lamiiiig.. Haha! Pagdating namin sa Session Road, ang dami ng tao! Haha! Gusto sana naming pumuwesto malapit sa may Post Office kasi doon daw humihinto ang mga performers. Noong nagpunta kasi kami 2 years ago, sa may malapit sa SM ang pwesto namin. Nakakausap namin ang mga nagsasayaw, ang lapit namin sa kanila pero hindi namin nakikita ang performance nila, naririnig lang namin ang palakpakan! Haha! Kaya sabi ko dapat mapanood na namin. :)
Good morning Session Road! :)

Sunday, March 13, 2011

Food Trip: Cathy's FastFood

Pagkatapos naming makita ang Azkals naghanap na kami ng makakainan. Before kami pumunta dito, naglista ako ng mga pwedeng kainan along Session Road. Ang napili naming itry ay ang Cathy's FastFood. 
Cathy's FastFood
Muntik na nga kaming hindi tumuloy kasi sabi sa likod daw ng Mcdo, eh wala naman. Iyon pala, sa loob pa, sa may isang kalye pa.
Menu
Cathy's Rice - P90.00
Rice, Friend Chicken, Fried Egg and Chopsuey
Buttered Chicken(Half) - P150.00

Grabe! Ang dami ng Cathy's Rice! Kaya pala kami tinitignan ng katabi namin kasi ang inorder namin, 2 Cathy's Rice at half buttered chicken. Napakadami naman pala. Haha! Kaso walang lasa ang chopsuey, madami lang. Ang chicken, pwede na. Ang buttered chicken naman, ang dami din. Halos hindi nga namin nakalahati eh. Ok naman ang lasa. Masarap naman. ;)
Next na pag akyat sa Baguio, sa iba naman! :)

---------------------------
Cathy's FastFood
24 Diego Silang Street
Baguio City

Saturday, March 12, 2011

Meet and Greet: The Azkals

25 February 2011
The Azkals. Friday afternoon, isa ako sa mga babaeng nagtitiyaga sa pagtayo at naghihitay sa pagdating nila sa Activity Center ng SM Baguio. After 2 hrs na paghihintay, dumating din sila. Ang gwapo ni James at Phil Younghusband, un lang! Hahaha! Buti na lang hindi ko napilit si neiL na bumili ng shirt para makapasok sa loob kasi hindi naman sila nakipagMeet and Greet sa mga nasa loob, parang napadaan lang sila. Hehe!
*Photo Taken by Ipong

Tuesday, May 04, 2010

work + gala = fun!

Isa lang akong sabit.. hehe.. Sabit dahil pumunta si neiL sa baguio para magtrabaho.. :) ako naman? sumama para manggulo! haha! sakto pang long weekend! :)

 @dagupan bus terminal
choco pao@Andoks..