Showing posts with label Bohol. Show all posts
Showing posts with label Bohol. Show all posts

Friday, December 03, 2010

Bohol Itinerary and Expense


                        Part 1: Countryside Tour with Mag-Aso Falls
                        Part 2: Bohol Accommodations
                        Part 3: PINR with Smile! :)
                        Part 4: Panglao Tour and Bohol Bee Farm
                        Part 5: Sea Tour


Contact Info:       
Kuya Tatsky - 09223671051
Dumaluan Beach Resort
Bolod, Panglao, Bohol, Philippines
Landline no.: (+63)038-5029092
Fax no.:(+63)038-5029081
Mobile no. +639178834888
e-mail: 
resort@dumaluanbeach.com


---------------------------------------------------------------------------
enjoy Life! ^__^
07danda07@gmail.com | galanamen.blogspot.com

Monday, November 29, 2010

Bohol Sea Tour

5:00AM palang gising na kami. Sabi kasi ni Kuya Tatsky, maaga daw lumalabas ang mag dolphin. Pagkatapos naming magbreakfast, hinanap na namin si Kuya Dodong, ang aming bangkero. :) Madali naman namin siyang nakita. Pumunta na kami sa kanyang bangka at sinimulan na ang aming paglalakbay sa dagat. Akala nga namin ay aabutan kami ng malakas na ulan buti na lang nakisama ang panahon.
Si Mang Dodong at ang kanyang bangka

Sunday, November 28, 2010

Panglao Tour and BBF!

After naming magpakasaya at magkapabusog, tumuloy na kami sa susunod na destinasyon, Hinagdanan Cave. Napakalapit lang, hindi pa kami nakakapagpulbos nakarating na kami agad. Haha! Nagbayad kami ng Entrance Fee tapos go na sa baba. May nagkkwento kung paano ito natuklakasan, kung ano ang mga tawag sa mga bagay na makikita sa loob at may tutorial pa sila kuya ng settings ng camera para kuha ang background kahit madilim. Pero hindi ako nakatagal sa loob, hindi ko gusto ang amoy. Hindi ako makahinga ng maigi kaya umakyat agad ako saka lumanghap ng fresh air!

Panglao Island Nature Resort with smile! :)

Sinundo na kami ni Kuya Melbert sa Dumaluan at hinatid na kami sa Panglao Island Nature Resort and Spa. Malayo siya. Pero sulit naman ang biyahe pagdating doon!

Saturday, November 27, 2010

Bohol Accommodations

Halos 10PM na kami nakarating sa Whites and Greens Beach Resort galing sa aming Countryside Tour. Maulan pa pagdating namin. Hinanap na namin ang rooms namin. Ang nakareserved sa amin ay dalawang Family Cottage with two rooms. Pag pasok pa lang namin sa rooms kakaiba na agad naramdaman namin. Hindi ba nila alam na darating tayo?! Baket ang dumi! Ang gaspang ng sahig. Ang dumi ng restroom! Ang kumot at unan parang hindi nalabhan! Ito ba ang 8K per night?! Sa kabilang room naman wala pang tubig! Kung ikukumpara ang rooms namin, room 7 and room 8, may ok pa sa room 7. May tubig. May sapin ang sahig sa kwarto. Iyong room 8 kasi wala talaga. Naghiram pa kami ng walis para maglinis! Hindi na kami nakatiis, pumunta kami sa Reception para magreklamo. Nakausap namin ang may-ari, alam naman daw nila, dapat lang! one month before nagdeposito na kami! Tinanong niya iyong staff niya kung nilinis ba daw, nilinis naman daw. Sabi namin, kung nalinis iyon manghihiram pa ba kami ng walis sa kanila? Baka daw may pumasok! Ano kuya?! Hays! Pinalipat sa isang room na good for 4 ang nasa walang tubig na room. Nagsiksikan sila doon kaysa naman magstay magdamag sa napaduming room nila! Sabi namin hindi namin gusto ang rooms na iyon, ok lang bang hindi na kami magbayad ng para sa susunod na gabi, lilipat na lang kami. Ang sagot ng may-ari, Ok. Haha! Hindi man lang siya ngsorry sa amin! Hindi man lang kami inoffer-an para magbago isip namin! Tsk tsk! Pero ok na din iyon atleast hindi na kami magtitiyaga sa napakapanget nilang accommodations

Friday, November 26, 2010

Countryside Tour with Mag Aso Falls

Pagdating namin sa Tagbilaran, hinintay na namin ang aming sundo, si Kuya Tatsky. Nagdadasal kami na sana kasya kaming lahat plus gamit namin sa sasakyan niya. Buti na lang kasya! Very good! Wala na kaming inaksayang oras, derecho agad sa Mag Aso Falls! :) Malayo nga siya. Nagbayad ng entrance fee then baba na kami. Ingat na ingat kami sa paglalakad kasi madulas. Pero nakuha pa din naming magpicture malapit sa falls! Wala namang masyadong magawa kundi magpicture. Para kasing hindi naman safe magswimming kasi madulas at parang biglang lalim ng tubig. Biglang umulan kaya hindi na kami nagtagal. Ang sakit sa paa ng pag akyat! Pagdating sa taas basang basa. Pati sasakyan ni kuya puro putik.