Saturday, November 27, 2010

Bohol Accommodations

Halos 10PM na kami nakarating sa Whites and Greens Beach Resort galing sa aming Countryside Tour. Maulan pa pagdating namin. Hinanap na namin ang rooms namin. Ang nakareserved sa amin ay dalawang Family Cottage with two rooms. Pag pasok pa lang namin sa rooms kakaiba na agad naramdaman namin. Hindi ba nila alam na darating tayo?! Baket ang dumi! Ang gaspang ng sahig. Ang dumi ng restroom! Ang kumot at unan parang hindi nalabhan! Ito ba ang 8K per night?! Sa kabilang room naman wala pang tubig! Kung ikukumpara ang rooms namin, room 7 and room 8, may ok pa sa room 7. May tubig. May sapin ang sahig sa kwarto. Iyong room 8 kasi wala talaga. Naghiram pa kami ng walis para maglinis! Hindi na kami nakatiis, pumunta kami sa Reception para magreklamo. Nakausap namin ang may-ari, alam naman daw nila, dapat lang! one month before nagdeposito na kami! Tinanong niya iyong staff niya kung nilinis ba daw, nilinis naman daw. Sabi namin, kung nalinis iyon manghihiram pa ba kami ng walis sa kanila? Baka daw may pumasok! Ano kuya?! Hays! Pinalipat sa isang room na good for 4 ang nasa walang tubig na room. Nagsiksikan sila doon kaysa naman magstay magdamag sa napaduming room nila! Sabi namin hindi namin gusto ang rooms na iyon, ok lang bang hindi na kami magbayad ng para sa susunod na gabi, lilipat na lang kami. Ang sagot ng may-ari, Ok. Haha! Hindi man lang siya ngsorry sa amin! Hindi man lang kami inoffer-an para magbago isip namin! Tsk tsk! Pero ok na din iyon atleast hindi na kami magtitiyaga sa napakapanget nilang accommodations

Kinabukasan, maaga kaming gumising, naglakad-lakad para humanap ng malilipatan. Buti na lang magkakalapit lang sila! At buti rin at may available pa sa Dumaluan Beach Resort na kasya kaming lahat. Kapag katapos naming iavail ang free breakfast sa WAG. Lipat-bahay na kami. Mas mhl dito ng konti pero tignan ninyo naman! Ang ganda! Worth naman ang bayad! Dito na din kami nagpasundo para sa aming Panglao Tour! Kung anuman ang naranasan namin noong nakaraang gabi, kinalimutan na namin at enjoy the beauty of Panglao! :)

4 comments:

chyng said...

kakahighblood no?
after mong magresearch extensively, biglang bad experience makukuha mo sa WAG. iboycott yan!!!

magkano kuha nyo sa DBR?

yayyadanda said...

Haha! Oo nga! Ganda pa naman ng site nila! hmp!

Bale P11,400 ang kuha namin. 4500 per night good for 4 pax plus 3 extra.

growth&DK said...

haha! bad accommodation, bad service! never again in whites and greens.

yayyadanda said...

Tama dex!