I-share na lang ang buong document para madali! ;)
Next time na ang Vigan Hotel and Casa Victoria pictures and review. Check comments na lang muna para sa summary. Haha! Gawaing tamad.
Salamat sa lahat ng tumulong upang maging successful ang trip na ito! :)
*Nakakatuwa talaga ang Google Drive! :)
Showing posts with label Ilocos Norte. Show all posts
Showing posts with label Ilocos Norte. Show all posts
Friday, January 04, 2013
Wednesday, January 02, 2013
Pagudpud o Pagudpod?
kwento ni
Nicole
6:00AM, on the way na kami sa GMW bus station paPagudpud. Pagdating namin, waley na ang bus. :( Kung nakita lang ninyo ang pagkalungkot ko nung sinabi nila iyon. Ang susunod na alis ng bus, 7:30am na! Kailangan naming makarating ng Pagudpud ng 10am dahil may kasabay kami sa tour. Hindi na ako makapag-isip ng mabuti ng mga oras na iyon, bad trip na ako ang aga-aga pa. Hinatid kami ng trike driver sa may hi-way kung saan dumadaan ang mga bus galing Manila. Pwede daw kami doong sumakay. Tinext ko na ang mga kasabay dapat na namin, sabi ko huwag na kaming hintayin dahil hindi pa kami nakakaalis ng Vigan. At pagkasend ko nun, tinanggap ko nang magttrike kami sa Pagudpud tour.
![]() |
| Sad, habang naghihintay ng bus. |
7:45am na kami nakasakay ng bus paPagudpud, ito rin iyong GMW bus. Okay lang. Go with the flow. Tinanong namin sa konduktor kung anong oras kami makakarating sa Pagudpud, sabi niya mga 1pm na daw dahil maghahantay pa sila ng pasahero sa Laoag, 1 hr! Nagdecide kaming bumaba na lang sa Laoag at lumipat ng ibang bus paPagudpud.
Pagdating namin sa Laoag, unting lakad lang nasa terminal na kami ng bus paPagudpud. Makakatuwa ang bus na ito, feel na feel kong nasa probinsiya ako.
Expected namin 2hrs ang biyahe pero ang bilis lang 1 hr i think, before 12nn nasa Pagudpud Market na kami. Hindi kami na bored sa biyahe lalo na noong makita namin ang Windmill! At habang nasa bus kami doon ko talaga narealized na sobrang layo ng mga spots sa isa't isa.
| Welcome to Pagudpud! :D |
Bumili ng tubig at makakain then sakay ng trike at nagpahatid sa Saud Beach. Tulad sa Vigan, wala rin kaming reserved accomodation dito kaya naghanap pa kami. Dinala kami ni kuya sa homestay pero dahil maarte ako gusto kong unting lakad lang beach na, naghanap pa kami. Pinatos na namin ang P2,000/night sa Casa Victoria dahil punuan na rin. Mahal pero maganda naman ang location at malinis ang room. Walang kuryente pagdating namin pero may generator sila. May resto rin ang resort kaso aligaga ang mga tao nung lunch time sa dami ng tao kaya naghanap kami ng ibang makakainan dahil 2PM kami susunduin ni kuya para sa tour. Sakto lang ang pagbalik namin sa room at dumating na rin si kuya.
Friday, December 07, 2012
Amianan nga Ilocos
kwento ni
Nicole
Kwento muna before the gala, nabooked namin ang ticket namin for Manila-Laoag sa seat-sale ng Cebu Pacific na walang surcharge for P900+ one-way, good for 2 pax. Mura pero ang problema lang ang dating namin sa Laoag ay 10PM na! Sayang agad ang isang araw namin. Plano naming magbus nalang pauwi para maexperience rin ang way na ito. Sa haba ng panahon para magplano, naka-ilang versions ako ng itinerary para ma-maximized ang time namin. 2 weeks before our flight, nag-email ang cebupac na may changes sa time ng flight namin, i asked if pwedeng irebook ang flight namin to Laoag-Manila, nagulat ako pumayag! :) Blessing in disguise! Nagpareserved kami ng ticket sa Florida Bus sa tulong ng isang mabait na kaibigan, hindi na ako nagpuntang bus station. ;) So ang final na plano na namin, bus papunta at airplane pauwi.
Tip: 2days prior to the preferred date lang tumatanggap ng reservation ang Florida Bus at kailangan magpunta sa station, hindi pwedeng thru phone lang.
Tip: 2days prior to the preferred date lang tumatanggap ng reservation ang Florida Bus at kailangan magpunta sa station, hindi pwedeng thru phone lang.
November 29. Eight-thirty nasa Florida Bus Station na kami sa may Lacson St. Maraming tao dahil sa long weekend. Nagkakaubusan ng ticket. After naming magbayad, naghanap na kami ng makakainan habang naghihintay. 10:30PM ang alis namin. Naisip kong mag Sleeper Bus kami kaso naisip ko baka mahilo ako so sa Deluxe lang kami.
![]() |
| Sa wakas, makakasakay na rin ako sayo! :)) |
Sakto umalis ang bus namin. Komportable naman ang upuan, maluwag. Ang naging problema namin, ang aircon! Ang lamig sobra! As in. Hindi namin ito napaghandaan. Ang dala namin cotton blazer, jacket, 2 bandana at bonnet, hindi kinaya ang lamig! Nanginginig na talaga kami sa lamig at tinanong ko na rin sa konduktor kung pwedeng hinaan ang aircon pero ang sabi niya, on or off lang daw iyon. Pero nakatulog pa rin ako ng mahimbing, salamat sa power hug ni neiL. < 3
Tip: Magdala ng kumot, oo iyong ginagamit sa pagtulog kung gustong makatulog ng mahimbing sa biyahe. Pwede ring huwag na if may power hug naman! :P
| Nakasarado ka na pero ang lakas pa rin ng buga mo! Hmp! :P |
Isa lang ang stop-over ng bus, iyong malapit na sa Vigan. May nangyari pang may nakisabay sa bus namin dahil naiwan siya ng bus na sinasaktan niya! Tsk tsk. Six-fifteen sumisigaw ang konduktor ng "Bantay! Bantay!". Ayon sa nabasa ko, dito ang babaan kung pupuntang Calle Crisologo. :) Isang trike lang.
![]() |
| Unang sulyap. :) |
Wednesday, December 05, 2012
Subscribe to:
Posts (Atom)




