Sunday, December 30, 2012

Ciudad ti Bigan

Ordinary bus ang sinakyan namin papuntang Vigan from Batac, Laoag. Sa dami ng ginagawang daan, sa dami ng stop-over ( lahat ata ng baranggay hinihintuan ), past 3pm na kami nakarating ng Calle Crisologo. Since wala kaming reserved accommodation, naghanap pa kami. Dinala kami ng trike driver sa mga malayo ng sa Calle Crisologo dahil punuan na daw. Dahil sa maarte  ako gusto kong matry matulog sa lumang bahay pinilit naming makahanap ng matutuluyan na malapit sa Calle Crilosogo. Sakto namang may nagcheck-out sa Vigan Hotel kaya dito na kami nagstay. Dahil sa naghahabol na kami ng oras, iniwan na namin ang mga gamit namin sa reception at tuloy na kami sa tour. 

Syquia Mansion - Inuna na namin ito dahil 5pm ito nagsasara. Maganda ang place. Ang dami pa naming natutunan dahil sa may tour guide. Dito ko lang nalaman na ang design ng mga kama noong panahon na iyon, ay hindi lang basta inukit. Merong simbolo ang bawat isa. Nakakatuwa db! :)

Tanong: Alam ba ninyo kung bakit tinawag na aliping sagigid ang mga kasambahay? 
Sagot: Dahil noong unang panahon, may sariling daanan ang mga kasambahay sa gilid ng bahay, hindi sila pwedeng dumaan sa gitna ng bahay. Ganun kaliit ang tingin ng mga mayayaman noon sa mga alipin/kasambahay.
Bell Tower - Sakto ang dating namin, sunset! :) Nakakatakot lang ang hagdanan bukod sa gawa sa kahoy, may mga parts na mukhang umuuga o naiisip ko lang iyon! Hehe! Kita nga mula rito ang libingan. Kanya-kanyang diskarte lang sa pagpwesto para makakuha ng magandang shots.
After sa Bell Tower, nag-inquire muna kami kung anong oras ang alis ng bus sa may bus station papuntang Pagudpud.  6:30 am daw, derecho na ng Pagudpud. Nagpahatid na kami sa Vigan Hotel, naligo then balik ng Calle Crisologo at maexperience ang photogenic scene sa kilalang kalye.:)

Calle Crisologo - Nakakatuwang maglakad sa kalye na napapalibutan ng mga old structures. Dito makikita na gusto talaga nilang mapreserve ang place. Nilakad namin hanggang sa wala na kaming makitang tindahan at kainan. Bumalik para naman maghanap ng makakainan.

4 comments:

Nicole said...

Babalikan kita Vigan!! Ang dami pa naming hindi napupuntahan. :)

chyngreyes.com said...

seriously? ordinary bus from manila? totoo teh?

Nicole said...

Hahaha! Nasa Laoag na kami niyan teh! Haha! Ilagay ko nga, sa tagal ng pagitan ng blog posts! :P

blissfulguro said...

ang bongga ng bell tower shot mo teh!