Friday, December 07, 2012

Amianan nga Ilocos

Kwento muna before the gala, nabooked namin ang ticket namin for Manila-Laoag sa seat-sale ng Cebu Pacific na walang surcharge for P900+ one-way, good for 2 pax. Mura pero ang problema lang ang dating namin sa Laoag ay 10PM na! Sayang agad ang isang araw namin. Plano naming magbus nalang pauwi para maexperience rin ang way na ito. Sa haba ng panahon para magplano, naka-ilang versions ako ng itinerary para ma-maximized ang time namin. 2 weeks before our flight, nag-email ang cebupac na may changes sa time ng flight namin, i asked if pwedeng irebook ang flight namin to Laoag-Manila, nagulat ako pumayag! :) Blessing in disguise! Nagpareserved kami ng ticket sa Florida Bus sa tulong ng isang mabait na kaibigan, hindi na ako nagpuntang bus station. ;) So ang final na plano na namin, bus papunta at airplane pauwi.

Tip: 2days prior to the preferred date lang tumatanggap ng reservation ang Florida Bus at kailangan magpunta sa station, hindi pwedeng thru phone lang. 

November 29. Eight-thirty nasa Florida Bus Station na kami sa may Lacson St. Maraming tao dahil sa long weekend. Nagkakaubusan ng ticket. After naming magbayad, naghanap na kami ng makakainan habang naghihintay. 10:30PM ang alis namin. Naisip kong mag Sleeper Bus kami kaso naisip ko baka mahilo ako so sa Deluxe lang kami. 
Sa wakas, makakasakay na rin ako sayo! :))
Sakto umalis ang bus namin. Komportable naman ang upuan, maluwag. Ang naging problema namin, ang aircon! Ang lamig sobra! As in. Hindi namin ito napaghandaan. Ang dala namin cotton blazer, jacket, 2 bandana at bonnet, hindi kinaya ang lamig! Nanginginig na talaga kami sa lamig at tinanong ko na rin sa konduktor kung pwedeng hinaan ang aircon pero ang sabi niya, on or off lang daw iyon. Pero nakatulog pa rin ako ng mahimbing, salamat sa power hug ni neiL. < 3

Tip: Magdala ng kumot, oo iyong ginagamit sa pagtulog kung gustong makatulog ng mahimbing sa biyahe. Pwede ring huwag na if may power hug naman! :P
Nakasarado ka na pero ang lakas pa rin ng buga mo!  Hmp! :P
Isa lang ang stop-over ng bus, iyong malapit na sa Vigan. May nangyari pang may nakisabay sa bus namin dahil naiwan siya ng bus na sinasaktan niya! Tsk tsk.  Six-fifteen sumisigaw ang konduktor ng "Bantay! Bantay!". Ayon sa nabasa ko, dito ang babaan kung pupuntang Calle Crisologo. :) Isang trike lang.
Unang sulyap. :)
Unting tulog pa nasa Laoag na kami. :) Pinuntahan muna namin ang bahay ng parent ng kaibigan namin at doon na rin kami naki-breakfast before magstart ang tour. :)

Dragon Fruit! :)
Paoay- Batac Tour 

Malacanang ti Amianan at Paoay Lake- Dito tumira si former President Ferdinand Marcos tuwing nasa Ilocos sila. Natuwa ako dito. Ang daming sala. Antique. Ang luwag. Pero mas maa-appreciate namin ang lugar kung meron tour guide. Mas sulit sana ang bayad na entrance fee na P30.
-
Gusto ko rin ng ganitong bahay may lake sa likod. Nakakarelax lang. Siguro madalas silang nasa veranda noon, nagkakape habang nakatanaw sa Paoay Lake. :)
Paoay Lake
Paoay Church - Isa ito sa top list naming puntahan dito sa Laoag. Bukod sa part ito ng UNESCO World Heritage List, gusto ko talaga ang mga lumang church structures. Sarado ang pinto sa harapan pero open naman sa gilid kaya nakapasok kami. Tirik na tirik ang araw nito kaya uunti ang tao. ;)
Tip: May kainan ( Herencia Cafe ) na must-try daw sa tawid ng church kaso under renovation noong nagpunta kami.  

Marcos Museum and Mausoleum Nasa may Batac ito. Hindi ako tumitingin sa patay kasi napapanaginipan ko. Pero si neiL gusto niyang makita si Marcos. Sabi ko paa lang titignan ko before kami pumasok sa Mausoleum pero kapag pasok, kita agad! Hindi naman tipikal na patay, ang tingin ko mukhang mannequin. Maliit lang ang mausoleum isang ikot lang then exit na. Bawal ang camera sa loob. 

After dito, sa Marcos Museum naman. Dito kami siningil ng entrance fee, P50. Ayoko na nga sanang pumasok kasi ang mahal pero sayang naman, nandito na rin kami. 
Ang ibang shoes diyan Made in Marikina, proud Marikenya! :)
Para sken, mahal ang P50 pesos na entrance fee para sa rito. Bukod sa walang guide to explain or to share something regarding sa mga nandun, maliit lang ang area. Pag-akyat mo ng hagdanan, nandun na lahat.

Pagkatapos namin sa Museum, tinikman namin ang pandan at dragon fruit ice cream na binibenta sa labas. At ang pure buko. :)
Sa kabilang side ng Museum makikita ang Batac Church. Sarado ang simbahan kaya picture na lang sa labas. 
After namin maglunch sa may karenderya sa may likod ng gym ata iyon, nag-abang na kami ng bus papuntang Vigan. :)
Maraming kainan sa likod niyan. :)
Mainit ba? :P
Tip: Maghintay ng bus na papasok sa Vigan para lakad na lang papuntang Calle Crisologo. Meron kasing mga bus na hanggang Bantay lang, need pang magtrike papasok ayon sa nakausap namin.

2 comments:

Nicole said...

ang daming pictures! Hahaha!

Rey Danh said...

I am sure nag enjoy kayo sa Ilocos... Keep it up! Keep traveling and have fun!