Showing posts with label Dapitan. Show all posts
Showing posts with label Dapitan. Show all posts

Sunday, October 09, 2011

Lakbay Jose Rizal @ 150 : Region IX

Nabanggit ko dito na may Pasaporte ako ng Lakbay Rizal. Hindi ko man matapos ang 26 sites, ok lang. Gusto ko lang talagang mag effort! :P Saka nakakatuwa ang pantatak katulad ng litratong nasa pasaporte at makakatuwa ding maging parte ng proyektong ito. :) 
Kaya kasabay ng pagpaplano ng itinerary para sa Dipolog - Dapitan ang pagreresearch kung paano mapupuntahan ang 9 na nasa pasaporte. Ok naman kasi halos iyon din ang mga mapupuntahan namin.

Dipolog-Dapitan Itinerary

Day 1: 16 September 2011 ( Friday )
0900H - NAIA Terminal 3 Check-in
Nakita namin si Drew Arellano and staff ata ng Weekend Getaway. ;)
Feeling ko kami ang Weekend Warriors! :D
1040H – Departure from Manila
1205H – Arrival in Dipolog
Welcome to ZaNorte! :)

Saturday, October 08, 2011

Dipolog-Dapitan Expense

Dipolog - Dapitan Expense

3
Day 1 – 16 September 2011 Group ( 3 pax ) Per Pax
NAIA Terminal Fee PHP 600.00 PHP 200.00
Dipolog City Tour via Tricycle PHP 200.00 PHP 66.67
Bus going to Dapitan PHP 60.00 PHP 20.00
Dapitan Accommodation – Villa Pilar PHP 850.00 PHP 283.33
Late Lunch at Inato Lang PHP 668.00 PHP 222.67
Trike to and from accommodation PHP 114.00 PHP 38.00

PHP 2,492.00 PHP 830.67
Day 2 – 17 September 2011

Breakfast PHP 450.00 PHP 150.00
Lunch at Kamayan ni Manay PHP 450.00 PHP 150.00
Shuttle service of Dakak Free Free
Dakak Overnight* PHP 6,124.00 PHP 1,531.00
Gloria Fantasyland Free Free
Dinner at Kan-Anan PHP 450.00 PHP 150.00
Trike to and from accommodation PHP 84.00 PHP 28.00

PHP 7,474.00 PHP 1,981.00
Day 3 – 18 September 2011

Buffet Breakfast/Free Time Free Free
To Airport Free Free
Dipolog Terminal Fee PHP 60.00 PHP 20.00

PHP 60.00 PHP 20.00
Own Expense

Montaño's Bangus Sardines
PHP 77.00
Montaño's Spanish Sardines
PHP 65.00
Zaragoza's Bagoong
PHP 65.00
Magnet
PHP 25.00
T-Shirt
PHP 200.00
Total Expense ( 3D/2N )** PHP 10,026.00 PHP 2,831.67 
*Shared by 4 pax
** Own Expense not included 

Contacts:
Dakak Park and Beach Resort
09197959416

Dapitan Accommodation
Villa Pilar – 09202708378

Ang Fantasyland at ang Repeater!

Nagpa-massage (P450.00) ang mga kasama ko habang ako nanonood ng tv! Haha! 8PM ang sked papuntang Fantasyland. Biglang umulan ng malakas kaya nagdalawang-isip kami kung pupunta pa ba kami. Hindi kami makatawag sa reception kung tuloy ba o hindi dahil sira pa din ang Chinese telephone namin! Buti na lang tumigil din ang ulan. From reception area pinasakay kami sa van tapos hinatid lang kami sa parking ng bus papuntang Fantasyland! Ang sosyal at yaman nila! Ang dami nilang bus. At puno kami ha. Nasa Dapitan ang Gloria's Fantasyland, halos kalapit lang ng Kainan ni Manay.Sabi ng driver, 11:30PM ang sked pabalik sa Dakak. Ok kuya noted!

Friday, October 07, 2011

Ang Dakak! Bow!

Inuulit ko, kung anuman ang mababasa ninyo mo sa blog na ito ay pawang obserbasyon ko lamang. :P
After naming maglibot at maglunch sa Kainan ni Kamayan ni Manay, dumating na ang isa pa naming kasama from airport at ang sundo papuntang Dakak.
Welcome Lei! ♥
Halos kalahating oras din ang nilakbay namin. At habang palapit kami sa aming pupuntahan, nawawalan na ng signal ang cellphone ko. Pagdating sa Dakak, wala ngang signal ang suncellular. Nice! Walang istorbo habang nandito! Hihi!
Welcome to Dakak!

Friday, September 30, 2011

Good Morning, Dapitan!

Maaga kaming gumising para bumalik sa Rizal Shrine at maglibot. Sa Villa Pilar na kami nag almusal.
Sakay ng tricycle hanggang sa Rizal Shrine. This time, nalibot na namin ang buong lugar.
Merong tulay na daanan para makita at malibot ang buong lugar. Mapuno. At nandito na naman sila. Ang dami talaga nila. O.o Tuloy-tuloy lang kami sa paglilibot.
Natuwa naman ako sa batong ito. :) Lovers' Rock. Hihi!
Habang nasa loob ng museum ang kasama ko, nilibot ko naman ang labas ng Shrine. At pagbalik nila, may kwento na naman sila. Hindi daw mga Rizalista ang mga taong naka-white. Mga volunteers daw sila, uniform nila ang white. Ok! Hihi! Wala palang entrance fee ang pagpasok dito, donations lang. 

Sunday, September 25, 2011

Dapithapon sa Dapitan

Ang mga sumusunod ay observation/comment ko lamang. May kanya-kanya po tayong obserbasyon at paniniwala. Salamat. Hehe!
After naming magpahinga ng sandali, larga na agad kami. Ang una naming pupuntahan, kainan! Dahil hindi pa kami ngtatanghalian. Gutom na talaga kami. Paglabas namin sa gate, may tricycle na agad na naghihintay. Nakakatuwa Nakakainis ang tricycle dito, masyadong naka-slant sa likod. Ang hirap bumaba, dahil ba mabigat ako o dahil sa style ng tricycle!
Sabi namin sa driver dalhin kami sa kainan na nagseserved ng may sabaw. Dinadala niya kami sa DAMPA ( Dapitan Aqua-Marine Park ), dito din sa kanto nito kami binaba ng bus galing sa Dipolog. At dahil hindi na lunch time, kami lang ang tao. Meron silang floating restaurant tulad ng Loboc River sa Bohol, with reservation daw ito. 
Sa Inato Lang kami kumain, matagal ang serving. Gutom na talaga kami! Haha! Pero worth it ang paghihintay dahil ang sarap ng food! 

Dapitan Accommodation: Villa Pilar

Mura ang mga accommodations sa Dapitan, ang pinili namin malapit sa lahat. Dapat along Sunset Blvd. daw, recommended ng friend ang Villa Pilar. Malinis daw at mura pa. So dito na din kami ngpareserved. Nagtext lang ako may reservation na kami agad! Hindi din kami hiningan ng down payment, pagdating na lang daw. 
Nung nasa Dipolog na kami, nagtext ako para icheck kung valid ang reservation namin, valid naman! Hehe!
P850/room, good for 3 pax. Malinis nga. Ok din ang rooms. Malinis ang CR. Wala lang hot water ang nakuha naming room pero ok lang hindi naman ganun kalamig ang tubig eh. Ok din ang aircon. May free wifi sa may lobby.