Sunday, September 25, 2011

Dapitan Accommodation: Villa Pilar

Mura ang mga accommodations sa Dapitan, ang pinili namin malapit sa lahat. Dapat along Sunset Blvd. daw, recommended ng friend ang Villa Pilar. Malinis daw at mura pa. So dito na din kami ngpareserved. Nagtext lang ako may reservation na kami agad! Hindi din kami hiningan ng down payment, pagdating na lang daw. 
Nung nasa Dipolog na kami, nagtext ako para icheck kung valid ang reservation namin, valid naman! Hehe!
P850/room, good for 3 pax. Malinis nga. Ok din ang rooms. Malinis ang CR. Wala lang hot water ang nakuha naming room pero ok lang hindi naman ganun kalamig ang tubig eh. Ok din ang aircon. May free wifi sa may lobby.

Katapat din nito ang dagat. Ang linis ng blvd nila. Sobrang layo sa Blvd dito sa Manila. Isang tricycle lang ang mga tourist spots from Villa Pilar, minimum fare, P7.
Nagseserved din sila ng food. Dito na nga kami kumain ng breakfast eh. Nasa P70-P90 ang mga silog nila with coffee.

3 comments:

Neil ♥ Irish said...

paspasan ito! :D

olga said...

Hi Irish,

Thank you sa post mo. Pwede bang makahingi ng cell no. ng Villa Pilar kasi pupunta din kami dyan sa dapitan by january, magpapa-reserve na sana ako.
Thanks a lot.

Regards,

Olga

Neil ♥ Irish said...

Hi Olga! :)

Nandito na ang contacts info. :)

http://galanamen.blogspot.com/2011/10/dipolog-dapitan-expense.html