Ang mga sumusunod ay observation/comment ko lamang. May kanya-kanya po tayong obserbasyon at paniniwala. Salamat. Hehe!
After naming magpahinga ng sandali, larga na agad kami. Ang una naming pupuntahan, kainan! Dahil hindi pa kami ngtatanghalian. Gutom na talaga kami. Paglabas namin sa gate, may tricycle na agad na naghihintay. Nakakatuwa Nakakainis ang tricycle dito, masyadong naka-slant sa likod. Ang hirap bumaba, dahil ba mabigat ako o dahil sa style ng tricycle!
Sabi namin sa driver dalhin kami sa kainan na nagseserved ng may sabaw. Dinadala niya kami sa DAMPA ( Dapitan Aqua-Marine Park ), dito din sa kanto nito kami binaba ng bus galing sa Dipolog. At dahil hindi na lunch time, kami lang ang tao. Meron silang floating restaurant tulad ng Loboc River sa Bohol, with reservation daw ito.
Sa Inato Lang kami kumain, matagal ang serving. Gutom na talaga kami! Haha! Pero worth it ang paghihintay dahil ang sarap ng food!
Sinigang na Hipon |
Adobong Kangkong |
Seafood Kare-Kare |
Sarap! At ang mura lang. Nasabi ko na bang 3 kaming babae sa lakad na ito! Haha! Oo naubos namin yan. :P After naming mabusog game na ulit! Sumakay ulit kaming tricycle at nagpahatid sa Dapitan Plaza,P7.
Dapitan Plaza - Ang daming tao dito. Plaza talaga. Nabanggit ko na bang meron akong Pilipinas Pasaporte? Oo meron nga ako. Hindi man ako makasali sa mga mananalo, ok lang. Gusto ko lang mag effort at magpatatak. Hehe! Pumunta ako sa DOT ng Dapitan para magpatatak. Pagbalik ko, may kwento ang friend ko. 5PM, flag retreat, nagulat daw sila dahil LAHAT ng tao, huminto, tumayo at nagbigay galang. Ang mga naglalaro, may kausap sa cellphone, naglalakad, tricycle driver, as in lahat. Pati sila, napatayo. Nangilabot daw sila. Hindi kasi nila expected na may lugar pa pala sa Pilipinas na ganito, patriotism talaga. Nakakatuwa db? Sayang nga hindi ko nakita, nasa loob kasi ako at naghihintay sa magtatatak.
Dito din matatagpuan ang Dapitan Church at Relief Map of Mindanao.
Rizal Shrine and Waterworks - Sakay ulit ng tricycle, P7. Medyo madilim na pagdating namin dito. Unting libot lang dahil sa natakot kami. May mga tao kasing nakaputi at parang nagpupulong sila. Ang nasa isip ko talaga, mga Rizalista sila. Mapuno pa kaya iba talaga sa pakiramdam. Kaya sabi namin, balik na lang kami dito bukas ng umaga para malibot ang Rizal Shrine.
Kita ninyo siya! O.o |
7 comments:
woot! woot! 3 na! Haha!
gutom nga kayu,... hehehe!!!
i wanna experience yung activity pag 5pm... will watch out for it pag visit ko ng Dapitan...
thanks for sharing....
dapitan may araw ka din sakin. hehehe!
namiss ko tuloy bigla ang trip namin jan last year... hehehe naexperience nga din namin yung flag retreat... basta nakakatuwa... mafefeel mo talagang proud kang pinoy jan sa lugar na yan... :-)
taray ng disclaimer! hihi
parang alam ko na kung para saan yan.. ^_^
takutin ba ang sarili? hahah! infairness girl mukang masarap nga ang food nyo. kahit ako kaya ko rin makisabay sa kainang mistulang huling hapunan. hahaha! Apir!
passport? anong itinatak? patingin.. =)
Ang sarap naman ng food! I specially like yung seafood karekare! Sa totoo lang malakas ako kumain kaya kayang kaya ubusin yan. hehehe!
Post a Comment