Saturday, March 26, 2011

Panagbenga 2011: The Grand Street Parade

***Super duper late post! T_T
Maaga kaming nagising para makahanap ng magandang pwesto. Ang lamiiiig.. Haha! Pagdating namin sa Session Road, ang dami ng tao! Haha! Gusto sana naming pumuwesto malapit sa may Post Office kasi doon daw humihinto ang mga performers. Noong nagpunta kasi kami 2 years ago, sa may malapit sa SM ang pwesto namin. Nakakausap namin ang mga nagsasayaw, ang lapit namin sa kanila pero hindi namin nakikita ang performance nila, naririnig lang namin ang palakpakan! Haha! Kaya sabi ko dapat mapanood na namin. :)
Good morning Session Road! :)
After ng paghihintay, sa wakas, nakapanood din! :) Medyo nakipag away pa kami sa mga nasa loob,iyong mga may ID na photographer kasi naman halos gusto nila sila na lang ang makapanood! Ang dami-dami nila sa harap ng mga sumasayaw kaya hindi na namin makita! Tsk tsk! Buti na lang pinakinggan ni Crowd Control ang aming hinaing. Haha! Ayon kinausap sila at stay na lang sila sa gitna. Haha! Kayang kaya naman iyon ng mga lente ng kanilang mga camera eh! ;) At isa pang magandang ginawa ng organizer, salitan na ang way ng daan ng mga sumasayaw. Good job guys! So ayon, enjoy ang lahat! :D


Hindi ako masyadong nagandahan compare sa napanood namin noong una. Pero maganda pa din medyo bitin lang. :) Pero ganun pa man, gusto ko ulit bumalik sa susunod na taon.
Hindi na namin napanood ang Float Parade, dalawin pa kasi namin si Inang sa Pangasinan. Hindi bale marami pa namang next time! ;)

6 comments:

yayyadanda said...

Super duper late talaga! Hahahaha!

Chyng said...

wow, at anong pinagkaabalahan mo at ngayn lang ito baiblog? hehe (nahiya ako sa sarili ko, yung cwc di ko pa din nablog) haha

yayyadanda said...

Haha! Hindi ko din alam chyng e! Natabunan na. Haha!
iBlog mo na yan, Huli man daw at magaling, huli pa din! Hahahah!

Pinay Travel Junkie said...

Wow, ganda ng pwesto nyo :) Kami rin pero sa Harrison kami... Ngayon pa lang din ako magba-blog about it! Hehe. My first time here.

yayyadanda said...

^ wow naman! kakatuwa naman! Nagcomment ka dito sa blog blogan ko! Hehe! ;)

Thanks! hehe!

adventurousfeet said...

wow naman sis andito ka din pala, nagpunta din kami dito :) balik tayo next year :)