Sunday, May 06, 2012

Pagbabalik-tanaw: Panagbenga 2012

Matagal ng kantiyawan sa office kung kelan ba kami makakalayas ng sabay-sabay. At dumating na nga ang pinakahihintay. Panagbenga! Wala nang atrasan. Go na ito.  Ni-wala kaming nakabooked na accommodation dahil sa sobrang biglaan. Bahala na si Batman! Lahat naman kami willing mag-take ng risk eh! Haha! Basta may ticket papunta at pabalik, keri na iyon! :D
Thursday night kami umakyat pa-Baguio. Iyong isang team, lahat sila kasama pati Boss! Haha! Walang support. Dala lang ng broadband at laptop, go na! ;)
Pagdating namin sa Baguio, ang lamiiig! Namiss ko ito. Bili agad kami ng ticket pauwi, mahirap na. After namin bumili, nakipag-usap kami sa mga nag-ooffer ng accommodation sa labas ng terminal. Dinala nila kami sa Ferrionni 2.

Friday. Gala muna kami sa Session Road at sa favorite ko sa Baguio, SM Baguio! :D Ang dami ng tao pero keri pa rin namin. Lunch muna kami sa Sizzling Plate Baguio. Anlalaki ng servings nila at ang mura lang.
 
Namili na rin kami ng mga pagkain para sa almusal kinabukasan. Kinahapunan, pumunta naman kami sa Strawberry Farm. ;) P320 ang kilo ng stawberry plus experience . Pero sa labas, P150/kilo lang. For the experience and profile pic sa fb, go! ;)
P320 ang kilo ng stawberry +  experience
Mas gusto ko ang una naming punta rito. Mas maraming strawberry. Syempre, tinikman na rin namin ang offer ni Kuya na stawberry ice cream. Sarap!
Maputik kaya binigyan kami ni Kuya ng plastic para isuot. Mukhang nag-enjoy naman sila sa experience na ito. Ako kasi nakuntento na ako sa pagpipicture at sa ice cream! :D
Team Baguio 2012
Pagbalik namin, dahil mahirap makakuha ng taxi, jeep na lang kami. P11 pesos lang nasa Burnham Park na kami. Ang taxi namin papunta, P150. Next time. ;) Dinner time sa Session ulit, hirap lang makakita ng kakainan dahil punuan na sa dami ng tao. Buti na lang hindi sa Vizco's. ;)
Waley akong masabi kundi ang sarap! :) Hindi namin natikman ang kanilang famous Strawberry Cake, marami pang next time. :)

Saturday. Late man kami nakapunta sa Session Road para sa street dance, ok lang. Daig ng magaling sumingit  pala-kaibigan, ang maaga. :P Smile lang ang katapat, nasa unahan na kami ng pila! Haha!
Ngiti lang! :)
At dahil hindi pa nakuntento sa pwesto dahil sakto sa sikat ng araw, naisipan pang tumawid at umupo. Iba talaga kayo!! 

Presenting Panagbenga 2012: Street Dance
Syempre, after ng mainit pero masayang Street Dance, hanap na ng makakainan. From Session Road, naglakad-lakad kami Burnham Park papuntang Cafe by the Ruins. Malayo-layong lakaran pero nakita naman namin. Hehe! Nakakatuwa ang set-up ng kainan na ito. At ang servings, malalaki. Masarap din. ;)

5 comments:

Nicole said...

Waley price ang mga food, limot na sa tagal! Haha!

Shashi said...

Nag-crave tuloy ako ng steak and sansrival ng Sizzling Plate.

Btw, followed your blog through GFC. Hope you could follow ours as well.

http://relaxandpleaseyourtastebuds.blogspot.com/
http://navyandhunter.blogspot.com/

Straypusiket said...

my first and only trip to the strawberry fields was 5 years ago pa. Hmmm... must go to Baguio soon!

btw, followed you on GFC =)
happy travelling!

Anonymous said...

Napakasarap naman ng mga pagkain nyo! Nakakamiss ang mga lutong ganyan!

Genesis
genesisparedesdawal.com

gelaikuting said...

nakakamiss ang Panagbenga :(
Next year, aattend talaga ako :)