Saturday, February 15, 2014

Finally! :D

Ilang araw na ang nakakalipas (8 days to be exact) ng finally napalitan na ang facebook relationship status ko! Haha! Yes. From in relationship to Engaged! ❤ At ilang araw na ring flooding ang mga kaartihan sa wall ko. Hindi maitago ang saya, sorry na lang sa mga friends ko kung nauumay na sila. Haha!

Posting here ang mga kaartihan ko na pinost ko sa instagram at facebook! :) #landimoment

Thank you for the gift of today! ❤ ❤

[07February2014 23:48] Ilang minuto na lang bago matapos ang monthsary namin ako dumating sa boarding house galing sa stressful na deployment. Nagulat ako at may ilaw sa loob eh wala naman ang kahousemate ko. Pagpasok ko may nakasabit na instructions. Ang sabi, huwag muna magbihis, buksan ang laptop at panoorin ang may "mahaL kO" na file name. Hintayin siya at paakyat na. Noong una okay pa ako pero nung nabasa ko ang title ng video "This is it" kinabahan na ko. At ang effort sa paggawa ng 17mins video from 2006 hanggang ngayon ng mga pictures namin, wagas. Habang pinapanood ko, naiisip ko "Ito na ba un? Ito na ba un?" paulit-ulit. Pero may part sa isip ko ang nagsasabing paano kung hindi. Paano kung part lang yan ng pakulo niya. Gustong gusto ko nang ifast forward para makita ko na ang dulo. Haha. At dahil ayoko namang sirain ang pinaghandaan niya, inaliw ko n lang ang sarili ko sa mga pictures namin. At ayon na nga, natapos na ang 17mins. At lumabas ng ang mahiwagang tanong. Nanlaki ang mata ko, tumingin sa paligid at tumawa. Hinintay kong may pumasok sa pinto ngunit wala. Lumabas sa pinagtataguan na may bulaklak at boom!!! This is it na nga! ^__^ ❤ ❤ ❤

Improvised e-session! Yiii! Thank you so much teh!! :)

Thank you so much Chyng Reyes sa magandang picture!!
Ito ang pangprofile pic.. Hihi!
Pagbigyan na.. Last 2 nalang.. Thank you ulit Chyng!!!
At syempre, ang pagpalit ng relationship status! Haha! 

Happy Hearts Day! ❤

6 comments:

Nicole said...

#landi #kaartihanniNicole

blissfulguro said...

bonggatulationsss! ayiii :)

Nicole said...

Thank you Teacher Carla!! <3

Reydan Duldulao said...

Congratulations! Stay in love :)

ztine07 said...

Congratz :-)

PseudoShrink said...

Congratulations!!!

--A girltalker