Ilang araw na ang nakakalipas (8 days to be exact) ng finally napalitan na ang facebook relationship status ko! Haha! Yes. From in relationship to Engaged! ❤ At ilang araw na ring flooding ang mga kaartihan sa wall ko. Hindi maitago ang saya, sorry na lang sa mga friends ko kung nauumay na sila. Haha!
Posting here ang mga kaartihan ko na pinost ko sa instagram at facebook! :) #landimoment
Thank you for the gift of today! ❤ ❤ |
[07February2014
23:48] Ilang minuto na lang bago matapos ang monthsary namin ako
dumating sa boarding house galing sa stressful na deployment. Nagulat
ako at may ilaw sa loob eh wala naman ang kahousemate ko. Pagpasok ko
may nakasabit na instructions. Ang sabi, huwag muna magbihis, buksan ang
laptop at panoorin ang may "mahaL kO" na file name. Hintayin siya at
paakyat na. Noong una okay pa ako pero nung nabasa ko ang title ng video
"This is it" kinabahan na ko. At ang effort sa paggawa ng 17mins video
from 2006 hanggang ngayon ng mga pictures namin, wagas. Habang
pinapanood ko, naiisip ko "Ito na ba un? Ito na ba un?" paulit-ulit.
Pero may part sa isip ko ang nagsasabing paano kung hindi. Paano kung
part lang yan ng pakulo niya. Gustong gusto ko nang ifast forward para
makita ko na ang dulo. Haha. At dahil ayoko namang sirain ang
pinaghandaan niya, inaliw ko n lang ang sarili ko sa mga pictures namin.
At ayon na nga, natapos na ang 17mins. At lumabas ng ang mahiwagang
tanong. Nanlaki ang mata ko, tumingin sa paligid at tumawa. Hinintay
kong may pumasok sa pinto ngunit wala. Lumabas sa pinagtataguan na may
bulaklak at boom!!! This is it na nga! ^__^ ❤ ❤ ❤
Improvised e-session! Yiii! Thank you so much teh!! :)
Thank you so much Chyng Reyes sa magandang picture!! Ito ang pangprofile pic.. Hihi! |
Pagbigyan na.. Last 2 nalang.. Thank you ulit Chyng!!! |
Happy Hearts Day! ❤ |
6 comments:
#landi #kaartihanniNicole
bonggatulationsss! ayiii :)
Thank you Teacher Carla!! <3
Congratulations! Stay in love :)
Congratz :-)
Congratulations!!!
--A girltalker
Post a Comment