Wednesday, September 15, 2010

Coron Inland Tour

September 7, pagbangon ko nakita ko agad ito! :) Nakakatuwa naman! Haha!
44th@ Coron! Nice! :)
5AM, naghahanda na kami dahil anytime darating na si Kuya Julius para ihatid kami sa Mt.Tapyas. Infairness, sakto si Kuya! :) Malapit lang ang starting point sa Coron Public Market. Simulan na ang pag akyat! :)




Nagsimula kami ng 5:17AM, nakaakyat kami sa taas ng 5:41AM! Pwede! Haha! Expected ko kasi mga 1hr namin siyang aakyatin! Haha! Hindi na ko ngEffort bilangin ang step, hagdan or ang paghinto ko! Haha! Pero ang masasabi ko lang, nakakapagod. Sakit sa binti. Ang akala ko sa mga nabasa at nakita ko sa blog tulad ito sa Grotto sa Baguio. iyong puro hagdan! Hindi naman pala, meron ding part na maglalakad ka. Tapos hagdan ulit. patag, hagdan at paulit-ulit! Haha! Pero fulfilling pagdating sa taas! :)
Pagkatapos namin mgphotoshoot bumaba na kami! :) Photoshoot talaga kasi naman mas matagal pa ang pagpicture-picture sa pag-akyat! Haha! Kami lang kasi ang tao sa taas. :) Hindi maganda ang pagsikat ng araw kaya wala akong nakuhang magandang shoot. 
Coron pose daw yan ni neiL! Haha!
Pagdating namin sa baba, naghihintay na si Kuya Julius. :) Halos kalahating oras din ang nilakbay namin papuntang Maquinit Hotspring. May nabasa ako somewhere na malapit lang daw ang Binalot Tong Daon sa Maquinit, hindi naman pala. Malapit ang Binalot Tong Daon sa Public Market. :) Kaya iyon, hindi muna kami nag almusal, tumuloy na kaming Maquinit. Malubak ang daan. Nadaanan din namin ang Coron Port. Ang daming dilis na nakabilad

Tulad ng mga nauna, kami lang din ang tao! Haha! Wala pa nga iyong naniningil ng entrance fee eh. Si Kuya Guard pa lang ang tao. :) 
Ito ang reaction ng unang tampisaw.. :)
Pero after ilang minuto, ito na! Parang normal na swimming pool na lang! :)
   
Linaw ng tubig! :)
Sobrang init sa una pero pag nasanay na katawan mo, wala na! Haha! Wag ka nga lang aahon kasi pag balik mo sa tubig, back to zero, init ulit! :)

Nakaramdam na kami ng gutom at niyaya na namin si Kuyang umalis. :) Dumaan kami sa Cashew Factory at nagpapicture kay Nanay! :)
Pagkatapos naming bumili ng kasoy nagpahatid na kami sa Binalot Tong Daon. 
                                    
Dito namin nalaman kay Kuya, may-ari ata ng Binalot Tong Daon, P650/pax minimum of 5pax makakapagIsland Tour ka na, ALL-IN! Pero unti ang pupuntahan, iyong mga libre lang at hindi siya picnic lunch! :)
Pagkakuha namin ng order namin bumalik na kami sa bahay. :) Kumain, ayos ng mga gamit at nagpahinga.
Sinundo kami ni Kuya Jayjay ng 1PM. Around 2:30PM, umalis na ang eroplano.
Hanggang sa muli, Coron! :)

2 comments:

Chyng said...

te,
may free time (naks free time talaga) kami ng day3, do you think worth pa puntahan tong tapyas+maquinit? or tulog nalang + relax? 10.30am ang flight namin pauwi..

Nicole said...

te,

Nabasa ko ito somewhere out there.. :)
If you have a 10am departure, all the vans in Coron Town leaves at around 8am. If you have a 2pm-4pm flight, all the vans in Coron leaves at around 12nn. Please take note of that.

Hindi na kaya ang tapyas+maquinit. Suggest ko tulog at relax na lang..:)

Pwede namang 5AM kayo aakyat,6:30AM nasa baba na kayo tapos balik na agad. Pagod lang.

Saka para sken mas ok dayuhin ang maquinit. :) Nakakatuwa kasi iyong experience doon eh.. Pero kasi medyo malayo iyon sa town. Gahol na din.

Relax at paghinga na lang. :)

Para may babalikan pa! :)