Monday, September 20, 2010

Food Trip: AJ and Honey's Panciteria

September 18, pagkatapos namin mapagod kakalibot sa SM Marikina dahil sale,nakakagutom! :) Dito kami kumain sa branch ng Lola Helen's Panciteria. Bukod sa on the way ito,mas malaki ang space dito. Nagulat nga kami dahil bagong renovate ang place! :) Mas malinis tignan kumpara sa dati. Dati kasi lagi lang kaming take-out kasi hindi namin gusto ang ambiance. Madilim tapos daming nag iinuman habang nagvvideoke, parang bar! Haha! Pero noong nagpunta kami kakaiba na! :) Nandun pa din ang nag iinuman at nagvvideoke pero mas maliwanag kaya mas ok na! :) At isa pang napansin namin, nagmahal  ang mga tinda! Haha!

Presenting ang favorite namin! :)

Canton con Litson - ₱110.00
Mas fan ako ng pansit canton. Mas masarap kesa sa bihon. Pag gusto kong kumain ng canton, dito kami pumupunta. Bukod sa masarap, mura pa! :) Ang halo ng pansit ay litson! :) Tapos malapot! Haha! Kakagutom! :) Marami pa ang serving nila. Isang order good for 2-4 persons na. :) ( Ginawa kong 2 persons kasi 2 lang kami pero naubos namin ito! Haha! )
Tokwa't Baboy ( Suka ) - ₱110.00
Sawsawan! :)
Tokwa't baboy! :) Tamang tama ang pagkaluto ng tokwa. Ang baboy, malutong! :) At ang sawsawan, maanghang! Yummy! 


Sarap kumain! ^__^

No comments: