Late nagising. Pagcheck ng cellphone, 1 message received. Happy 71st monthsary mahaL kO. Ligo, bihis, alis. Nagtext. Morning. Alis na ko. Reply. Hindi ka pa papasok? Nag-reply. Paalis pa lang. Tinanghali ng gising. May nagrepy . Ingat ka ha.
Sumakay ng jeep. Pagdating sa pilahan ng shuttle. May naghihintay. Papasok ka pa ba? Ang tanong. Oo. Ang sagot. Sumakay ng shuttle. Nagbiyahe. Dumating ng opisina. Nag log-in. Pagpuntang area. Tadan! May bouquet ng red roses. Walang pangalan kung para kanino. Kanino galing. Pero natuwa. Kinilig. Baka hindi sa akin ito! Ang sabi. Sayo yan! Ang sabi ng mga kaopisina. Nagtext. May roses sa table ko. Sayo galing? May nag-reply. Yep. Hindi makapaniwala. Nangbintang sa kaopisina na kasabwat sa pangyayari. Tumanggi. Nangulit. Ako nagdala niyan, itanong mo pa sa Guard. Ang paliwanag. Kelan mo dinala? Ang tanong. Kaninang 3AM. Ang sagot. Weeeeeh! Sagot ng walang mapaglagyang tuwa. Super duper haba ng hair ko! ^_______^
mahaL,
Huwag mo nang uulitin ito. Buong araw akong kinakantiyawan sa opisina. Ang hirap iuwi, alam mo namang siksikan sa LRT1! Joke lang. :)) Thank you so much. First time mong pagpadeliver magdeliever ng ganito sa opisina . Nasurprise ako! Bakit ako maghahangad ng isang Zoren Legaspi kung may neiL na ako! Chos! Haha! Basta maraming salamat. Napasaya mo ako ng bongga. Happy 71st! iloveyousomuch! < 3
Love lots,
Nicole
5 comments:
Sorry naman, hindi ko mapigilang hindi ito maishare. Masyado akong masaya para palampasin ang pagkakataong ito. :))
hihi tamis ni neil!
ganito nalang, next time ikaw magpadala ng something sa ofis nya. ihatid mo din ha, ng 3am. =)
I can relate sa sinabi ko mong buong araw na kantyawan at ang hirap iuwi haha.. halos matunaw sa hiya..:-) pero in fairness... its one of the sweetest!:)
Haha! Hanlande!
Biro lang. :p
Post a Comment