Maaga kaming gumising para bumalik sa Rizal Shrine at maglibot. Sa Villa Pilar na kami nag almusal.
Sakay ng tricycle hanggang sa Rizal Shrine. This time, nalibot na namin ang buong lugar.
Merong tulay na daanan para makita at malibot ang buong lugar. Mapuno. At nandito na naman sila. Ang dami talaga nila. O.o Tuloy-tuloy lang kami sa paglilibot.
Natuwa naman ako sa batong ito. :) Lovers' Rock. Hihi!
Habang nasa loob ng museum ang kasama ko, nilibot ko naman ang labas ng Shrine. At pagbalik nila, may kwento na naman sila. Hindi daw mga Rizalista ang mga taong naka-white. Mga volunteers daw sila, uniform nila ang white. Ok! Hihi! Wala palang entrance fee ang pagpasok dito, donations lang.
After namin sa Rizal Shrine, nagpahatid na kami sa Dapitan Public Market. Wala kaming makitang kakaibang pwedeng bilhin. Nandito din ang terminal ng bus papuntang Dipolog.
Dumaan din pala kami kahapon sa Punto del Disembarko de Rizal en Dapitan. Along Sunshine Blvd. lang ito kaya madaling mapuntahan.
Nagpahinga lang kaming saglit sa Villa Pilar tapos around 11AM, nagcheck-out na kami at nagpunta sa Kamayan ni Manay para sa early lunch, dito na din namin hinintay ang kasama namin from airport at sundo papuntang Dakak! :D
Pagdating namin, kami lang ang tao! Haha! Aga namin para sa lunch. Pero marami ding dumating na tao habang kumakain kami. Masarap ang food! At mura lang. Ang inorder namin, ang budget meal nila at dessert. Sayang nga at walang buffet! Every sunday lang daw.
Sakto ang dating ng sundo namin papuntang Dakak! :D
3 comments:
masakit dibdib ko sa inggit. ayoko magbrowse! haha bitter!
Sarap ng almusal! Talaga bang nanudn yung teddy bear? hihihi!
wow dakak! Dati rati sa Eat bulaga ko lang siya nakikita. heheh! Sige pa inggitin mo pa kami. I'll wait for your next pose
Post a Comment