Sunday, July 31, 2011

Pearl Farm Beach Resort

Isa ito sa reason kung bakit gusto kong pumunta sa Davao. Ang ganda sa internet. Kaso ang mahal pala! Akala ko katulad lang ng PINR sa Bohol na P450/day tour, consumable pa ang P350 sa food. Sa Pearl Farm ang rate, P1,850 for day tour kapag Monday - Thursday , P2,500 Friday - Sunday. Pang mayaman! Sa tulong ng mabubuting kaibigan, nakahanap kami ng mura para maranasan pa din namin ang Pearl Farm! ;) Salamat sa Agoda. Ang rate na nakuha namin, P4,200 good for 2 person. Kasama na ang airport and boat transfer, breakfast and overnight accommodation. O db! Mas mura pa sa day tour! Haha! 
Welcome to Pearl Farm!
Infinity Pool, Beach and Mandaya Pool -  Maganda ang infinity pool. Mababaw lang, 5 ft lang ata ang pinakamalalim. Gandang magpapicture. Hehe! Ang beach naman, mukhang mabato. Hindi kami ngswimming dito. Tumambay lang. Dito din ginaganap ang Movie Night every night.
Sa Mandaya Pool naman, malayo sa Parola Wharf. Mas malalim ang pool dito. Mas malaki din compare sa Infinity Pool. 
Hilltop/Balay Room - Ito ang kinuha namin.Malapit ito sa lahat, infinity pool, restaurant, Tennis and Basketball Court, Front Office, Parola, Aquasports Center at Gate 1, kung saan pwedeng lumabas para sa Samal Tour.  Dahil hilltop nga, aakyat ka sa hagdan at kitang kita sa taas ang dagat. Nice ang veranda. Sarap umupo habang nagkakape. Gusto ko ang interior ng rooms. Simple pero may dating. (naks!Haha!) Malinis ang restroom. Malakas ang tubig. Malambot ang kama at unan. Sarap huminga. 
Kumpleto ang gamit from toothpick hanggang tsinelas. Ang cute pa ng tsinelas at susi. May telephone, mini ref, coffee maker at hair dryer din. Kaso naman ang mamahal ng pagkain! Haha! 

Restaurant and Foods - Tulad ng sabi ko, ang mahal ng pagkain. Ang kasama lang sa package namin ay breakfast, walang dinner. Kaya pagdating ng dinner, nahirapan kaming magdecide kung ano kakainin kasi ang mhl nga! Haha! Ang buffet nila P750/pax. Nakita ata kami ng waiter na nahihirapan kaya nagoffer siyang lahat na daw kami magbuffet then free ang isa. Haha! Kaya iyon, nagbuffet na kami. Sulit naman ang buffet. Masasarap ang food. Binigyan pa kami ng tempura kasi naubusan ang iba naming kasama ng crabs. Bait! ;)
Maranao Restaurant at Night
Ang kasama sa package namin ay breakfast. Noong nagpapabook palang kami tinanong namin kung buffet ba or plated lang ang kasama. Depende daw sa dami ng tao. If more than 50pax, buffet daw pero kapag hindi palated lang. Buti na lang buffet nung nagpunta kami! ;) Sulit na naman ang bayad!
Other Facilities ( Tennis and Basketball Court, Game Room, Parola Bar )- Nakapaglaro din kami ng Tennis at Basketball, naghiram lang kami ng bola sa Front Office. Sa Game Room naman, billiards. Meron ditong Wii pero may bayad, P100/hour daw. Umakyat ako sa Parola Bar, ok naman. Maganda sa taas kasi kita mo lahat, lalo na kung romantic dinner. ;)
Hotel Staffs - Wala akong reklamo, laging bumabati. Madaling kausap. Magalang. 

For me, ok na ang overnight stay, masyadong mahal kung mag sstay pa ng mas matagal. Sulit ang P4,200 for 2 pax. Kung nagbabalak magday tour, mag overnight stay na lang tapos pabooked sa Agoda. Mas sulit at mas maienjoy pa ang Pearl Farm. Kung babalik kami sa Samal, mag stay na kami sa mas murang accommodation pero kung mayaman na kami, syempre balik Pearl Farm! ;)

7 comments:

Nicole said...

Masyado kang mhl para sa amin, Pearl Farm. Pero hindi bale, naenjoy na naman kita ng bonggang bongga eh! Kapag mayaman na kami, babalikan ka namin! See yah, soon! :P

Chyng said...

teh, panalo yang room rate na yan! tapos 750 lang ang buffet. haay.. kaingget.

Michi said...

i miss peral farm. overnight lang kami dati, feeling ko tumaba ako dahil sa buffet lunch, dinner at breakfast nila.

Karen said...

ganda! gusto ko talaga pumunta dyan! such a good deal you had!

Unknown said...

We did a day tour there before. They have the best fruit juices! So fresh. Maybe next time we could purchase an overnight stay na rin. =)

dahappywife said...

Yayain ko si hubby dito! Ang ganda!

Anonymous said...

hi! paano kayo nag pa book sa Agoda? i tried to check kasi the rate was 3800 but the room accommodation? how u booked ur transfers pls. thanks :) sarahganedah08@yahoo.com