July 10. Maaga kaming nagising para mag almusal at pumunta sa Marina Wharf. 6:30AM siniserved ang breakfast sa hotel. Matagal ang dating ng orders namin kaya mabilisan lang ang kain dahil dapat 30 minutes before 8AM nandun na kami. P130 ang inabot ng taxi fare namin. Looban siya kaya advisable ang taxi. Iccheck ang mga gamit dahil bawal ang magdala ng food sa Pearl Farm. Ang mga pinamili naming mga pasalubong ay iniwan na dito. Binigyan lang kaming claiming stub. Parang baggage counter lang eh! Hehe! After magparegister, mag advise ng details ng boat transfer pauwi ready na kami sugurin ang Pearl Farm! ;)
Ang layo din pala ng Samal sa Marina Wharf. Halos isang oras din ang biyahe namin.
So ito na ang nakikita ko sa internet! ;) |
Sinalubong kami ng staffs ng Pearl Farm at binigyan ng welcome drinks. Ang sarap ng pure pineapple juice nila. Unting orientation then kanya-kanya na. Kami pumunta na kami sa Front Office para magpaalam at magsign ng waiver dahil lalabas kami para sa Samal Tour. Pagkatapos magsign ng waiver tinawagan nila ang guard sa Gate 1. Iniwan namin ang mga gamit namin sa luggage counter tapos lumabas na kami.
Naghihintay na sa amin ang aming mga service! ;) At handa na kaming libutin ang Samal sakay nito. Sabi nga nila, hindi ka daw nakapunta sa Samal kung hindi ka nakasakay sa Habal-habal, so kami, game na game! Sa totoo lang nakakatakot lalo na kapag pataas at lubak-lubak pa! Pero masaya, sabi nga ni Kuya..Ma'am wag po kayong matakot kabisado na po namin ang daan! Ok kuya! Ok! Haha!
Before kami makalabas sa hiway, dadaanan muna sa eskinita, lubak-lubak, pataas, pababang daan. Sakit sa hita. Hindi ko malagay ng ayos ang paa ko kaya nakakangalay. Buti na lang ang bango ni kuya. Kundi baka nasuka na ako. Close na close ba naman kami eh! Haha! Pero ang galing nila. Kabisado na nga nila ang daan. Nakakapagtaka lang kung paanong nagkakasya ang 4 na pasahero sa habal-habal pero may nakasalubong talaga kaming 5 sila. Kung kami nga 2 lang kaming sakay nahihirapan na, sila pa kaya. At ang galing ng balancing nila ha! Hehe!
Bat Cave - Ito ang pinakamalayo.Pagbaba ko nga feeling ko hindi na ako marunong maglakad. Haha! May orientation muna before pumunta sa cave. Trivia, paalala at mga hindi dapat gawin kapag nasa may cave na. Pagkatapos nito, pumunta na kami. Isa lang masasabi ko, sobrang dami nila. May iab't ibang lugar para makita ang loob ng cave. May part din na sobrang mabaho. Ang sakit sa ilong. Nakakasuka. Kaya steady na lang ako sa walang amoy.
Hagimit Falls - Naglunch muna kami sa Samal Market before pumunta dito. Swerte namin kasi hindi nag uulan kaya pwedeng maligo sa falls. Nakakapagod ang pag akyat sa hagdan. Maraming ngsswimming at nagppicnic.
Maxima Aqua Fun - Excited na kami sa giant slide! ;) Ittry muna sana namin ang Canopy walk kaso hindi kami pwede ni neiL dahil basa ang shorts namin. Sila na lang. Kami bumaba na kami at naglibot-libot habang hinintay sila. Ang daming tao. May baong na pagkain. May corkage ang mga drinks pero food wala.
Canopy Walk - Photo taken by Dex |
Dahil sa matagal daw ang nasa unahan nila sa canopy walk, anong petsa na sila natapos. hindi na namin naavail ang 30 mins free para sa kayak. Nagslide na kami tapos unting banlaw at patuyo. Isang beses lang akong ngslide. Nakakatakot at sakit sa ilong ng tubig. Pero ang saya at sarap sa feeling after magslide.Hehe! Pero hindi namin nasulit ang bayad!
Balik na sa Pearl Farm. Ligo, unting pahinga then dinner na. After dinner chillax muna sa tabing-dagat. Palipas oras hanggang sa antukin na.
Good night Pearl Farm, bukas na tayo magkita! ;) |
4 comments:
Island hopping naman sa pagbalik sa Samal! ;)
wow, si Dex pala kasama nyo din? saya! ang ganda ng adventure sa davao! kaingget!
Haha! Oo chyng kasama din namin siya. ;) Makakapunta ka din diyan, im sure! :)
Hi! Ang saya naman! :) Sana makapag Davao din kami soon. :)
Post a Comment