July 11. May buong araw kami para malibot at ienjoy ang facilities ng Pearl Farm. Naglaro muna kami sng tennis at basketball before magswimming. Ang nakakatawa lang, 9AM pa pwedeng gamitin ang infinity pool, eh 8AM palang ata nandito na kami. Wala namang nagbawal sa amin so tuloy ang saya! ;)
Ang mga pasaway! Sabing 9AM pa eh! Hehe! |
After naming mapagod, breakfast muna kami. Buffet breakfast, kasama na sa package sa binayaran namin. Late na kami ngbreakfast kasi balak naming magpakabusog na para sa airport na ulit ang sunod na kain namin! Haha!
Nagpahatid na kami sa Malipano pagkatapos naming mag almusal. Wala namang masyadong makita dito. Medyo madumi din. Photo ops lang, pero inabot kami ng isang oras. Haha!
Davao - Samal Travel Buddies (L-R) Ash, Arman, Gelo, Neil, Me, Cris, Kathleen, Dex |
Bumalik na kami sa accommodation namin para magbanlaw at magcheck-out. Pag check-out namin, dinala namin ang mga gamit namin sa Luggage Counter kasi maglilibot pa kami. 4PM pa ang sakay namin sa boat papuntang Davao. Pumunta naman kasi sa kabilang side, sa mga Samal Houses. Meron pa kasing isang pool doon. Malayo siya. Kailangang sumakay sa service. Nandun din sa side na iyon ang Game Center. Nag billiards ang iba. Ang iba naman, natulog. Kami ni dex, dahil adik kami, naligo ulit kami! Haha!
Sa public shower/restroom na kami nagbanlaw. Dito nagbabanlaw ang mga nagdday tour. Malinis din naman. Malakas din ang tubig. Pipila ka nga lang.
4PM. Sakay na kami ng boat pabalik ng Davao. At inavail na din namin ang free airport transfer, nagpadaan na lang kami sa bilihan ng mga pomelo. P500-P550/box/7pcs.
Hanggang sa muli nating pagkikita, Davao! :) |
Ilang oras na lang, back to reality na. ;( |
Ito ang pinakamalungkot sa paggagala, ang uwian. :( Pero ganun talaga, kailangang bumalik sa trabaho para may pang gala ulit! *wink*
1 comment:
Yehey! Natapos na! Haha! Expense na lang!
Post a Comment