May 20. Happy birthday to me! :) Maraming salamat sa surprise ninyo! O kayo ang nasurprise ko! :P
Kay Kuya Poloy na din kami kumuha ng boat na maghahatid sa amin sa White Island. Unting lakad lang nasa daungan na kami ng mga bangka.
Pagdating namin, ang dami ng tao. Ang dami na ding mga malalaki at makukulay na payong. Sa bandang dulo kami pumuwesto at naglangoy-languyan. Mabato. Nakakatuwa lang na malayo ka na mababaw pa din. Magandang mag picture-picture. Puti ang sand. Ayon. ;)
Kay Kuya Poloy na din kami kumuha ng boat na maghahatid sa amin sa White Island. Unting lakad lang nasa daungan na kami ng mga bangka.
Pagdating namin, ang dami ng tao. Ang dami na ding mga malalaki at makukulay na payong. Sa bandang dulo kami pumuwesto at naglangoy-languyan. Mabato. Nakakatuwa lang na malayo ka na mababaw pa din. Magandang mag picture-picture. Puti ang sand. Ayon. ;)
Boat Rental: P400
7:30AM na kami sinundo. Masakit na sa balat ang init ng araw. Nagsisimula na din tumaas ang tubig. Pagbalik namin sa Pabua Cottage, nandun na si Kuya Robert. Nag ayos lang kami ng gamit then check out na. Hindi na kami ngbanlaw kasi ligo din naman ang next stop eh! ;)
Dumaan kami sa Vjandep Bakeshop para bumili ng pasalubong. Gusto ko sanang matikman ang ibang flavor kaso wala, original lang meron. Bumili din kami dito ng empanada, ang laman ay vegetables, with a piece of meat and egg. Sarap! ;)
Vjandep Pastel dozen: P130; ½ dozen P68
Tumuloy na kami sa Katibawasan Falls. Hindi naman nasayang ang additional bayad namin sa multicab rent para mapuntahan ito. Sulit naman kasi! Ang ganda. Tapos ang lamig ng tubig. Refreshing! Haha!
Next stop, Giant Clams. Ang layo ng nilakbay namin. Nakatulog na ako, paggising ko naglalakbay pa din kami. Haha! Ang daan, rough road. Pataas. Pababa. Pataas. Effort ang pag punta dito. Pero pagdating naman namin dun at makita ang mga malalaking clams! Sulit na naman ang biyahe!;) Mahal lang ang activities at rent ng gear. Bawat isa may bayad. Nanghingi kami ng discount, sabi ko pa, birthday ko naman po, haha! Binigyan naman kami, free na lang ang life vest! Yehey! :D Nakakatuwa na nakakatakot ang malalaking clams! At ang daming nemo! Haha!
Entrance Fee: P25
Clams Viewing Fee with guide: P150
Mask & Snorkel: P100
Googles: P50
Life Vest : P50
Flippers: P100
Dito na din kami nagbihis dahil didiretso na kami sa Pier pabalik ng CDO. Lunch muna kami sa J & A Fishpen with Kuya Robert and his son.Kakaiba ang lasa ng Sinigang na malasugue, pero masarap! ;)
Sinigang na Malasugue, Pansit canton, Grilled Pork and Grilled Chicken |
Pag akyat namin sa ferry, tulog! Haha! Mga 3:30PM na kami nakarating ng Balingoan Port. From port, naglakad kami papuntang bus terminal. Sumakay ng bus papuntang Cagayan at sinabing ibaba kami sa Agora. Akala namin, 30 minutes lang ang biyahe kaya nagulat kami ng sabihing P70 ang pamasahe! 3 hours pala! Haha! Maulan. Mahangin. Mahabang biyahe sakay ng non-aircon bus katabi si neiL. Birthday ko. Nice experience! ;) Dumating kami sa Agora ng mga 6:30PM, umuulan at matraffic. Sumakay kaming jeep,bumaba sa Divisoria. Naglakad ng unti at viola, Victoria Suites na!
Pahinga ng unti tapos dinner sa Night Cafe. It's look like Banchetto sa Ortigas.
Night Cafe Schedule: Every Friday, Saturday and Sunday
After naming magdinner, naglakad lakad kami, bumili ng banana bread sa isang bakery. Ang sarap! ;) Pahinga na para may lakas sa mga susunod na araw dahil magsisimula na ng Extreme Adventure! :D
Again, Happy birthday to me! Kampay!
Again, Happy birthday to me! Kampay!
Ang masasabi ko:
- Kakaibang birthday experience ito. ;)
- Sa White Island, hindi ko lang trip ang idea na may mga nakatusok na mga makukulay na payong sa gitna ng dagat! Mabato. Sakit sa paa. Dapat naka aqua shoes kapag magsswim. At dapat talaga maagang magpunta sa White Island para hindi masyadong mainit.
- Saludo ako sa mga nag aalaga sa mga clams. Nawa'y maparami pa nila ito. Sabi nila, magkakaroon na daw doon ng kainan.
- Nakakatuwa ang Night Cafe, ang daming food! Hihi!
- Ang hirap ng hindi naiintindihan ang pinag uusapan nila.
5 comments:
Nakakatuwang isipin na pagdating ko sa Camiguin, 25 y/o ako pagbalik ko, 26 y/o na ko! Haha! Happy birthday to me! More money and gala to come! Hihi!
Belated happy birthday! =)
Thanks! ;)
hay naku! kami ang nasurprise! hwag mo ng uulitin yon ah. hahah!
Haha! Hindi na! :P
Post a Comment