Tuesday, May 24, 2011

Island Born of Fire

Before May 19. Originally 8 kaming nakabooked for this flight. But sa hindi inaasahang mga pangyayari, 2 ang hindi nakasama. Nalungkot ako noong time na iyon kasi may nagawa na akong itinerary and nakapag inquire na ako ng tour, van rental and accommodation na good for 8 pax. Pero naging ok din ang lahat. ;) 6 pax is good. So game na ito, wala ng atrasan! :D Sumubok din kaming maghanap ng murang matutuluyan na malapit sa NAIA para sabay-sabay na kaming pupuntang airport kaso waley! In the end, sa kanya-kanyang bahay din kami nanggaling. Haha!

May 19. Maaga kaming lahat!Hindi halatang excited kami! Hihi! Plus point na sana ang Airphil kasi hindi delay kaso naman, ilang minuto naman kaming nasa runway! Haha! Nakatulog na ako kapag gising ko, nandun pa din kami. Pero infairness kay Sir Santiago ( Pilot ), ang galing niya, hindi ako nakaramdam ng bara-barang pag take-off at pagbaba. Swabe. 
Welcome to The City of Golden Friendship! ;)

Naghihintay na sa amin si Kuya Roel at simula na ng aming paglalakbay sa Mindanao! :) Diretso kami sa Balingoan Port para sumakay ng RoRo papuntang Camiguin. Drive-thru sa Jollibee at bumili ng 'Birthday Meal'. Malayo ang aming nilakbay. Tulog. Kwentuhan. Tulog. Kwentuhan. Pagkatapos ng mahigit 2 oras, sa wakas nakarating na din kami. Naghintay pa kami ng halos isang oras bago kami makasakay sa ferry. May mga batang nagpapahagis ng barya at sinisisid nila sa dagat. Ang galing nila. First time naming lahat makasakay sa RoRo at iisa ang nasabi namin, ang baaaagaaaal! Ang bagal talaga. Sabi nila mga 20kph daw ang takbo. Haha! Kaya tulog muna kami. Hehe.
 Balingonan Port
Past 3PM na kami nakarating ng Camiguin. Hinihintay na kami ni Kuya Robert at ng kanyang anak. 
Benoni Port
Wala na kaming sinayang na oras kasi sira na ang itinerary namin! Hindi na daw kami pwedeng pumunta sa Mantigue dahil sobra ng late. So skip na namin iyon, tumuloy na kami sa Sto.NiƱo Cold Spring, sakto kasi ang init. Ligo kami.Ang linaw ng tubig. Ang lamig! Nakakatuwa ang ganung pool. Sana merong ganito sa Manila. Hehe! 
Entrance Fee: P20

Table Rental : P50

Salbabida: P20

Mga 30 minutes din kaming nagbabad then next stop na. On our way to Soda Swimming Pool, nakakita kami ng dalawang rainbow! Pinahinto namin si Kuya para magpicture picture sa daan, at take note, basa-basa kami nito! Haha!
Nice! ;)
Soda Swimming Pool. Hindi na kami pumasok dito dahil gusto naming habulin ang sunset sa Sunken Cemetery. Magpipicture na lang sana kami kaso may bayad pa din kahit hindi maliligo, so hindi na din kami pumasok, sayang bayad.
Entrance Fee: P20
Table Rental : P50
Closed every Wednesday, schedule of cleaning the pool.

Hindi naman kami nabigong maabutan ang sunset sa Sunken Cemetery. Photo ops lang.
Emo si Bachengcheng
Binalikan namin ang 16th Century Guiob Church Ruins, Photo ops lang din. Natakot ako sa lugar na ito. Kakaiba kasi. Ang mga puno. Ang old na mga walls. 
Mabilisan lang din kami sa Walkway to the Old Volcano and Stations of the Cross kasi nagdidilim na din.
Kumain muna kami bago kami pumunta sa last stop namin. Gutom na kasi kami. Sa isang karenderia kami kumain.
After kumain, sakto na naman para makapagrelax sa Ardent Hotspring. Madaming tao. Madilim. Maraming puno at bato ang lalakaran. Sa bandang malalim kami pumuwesto, sa 5-ft, oo malalim na yan para sa hindi marunong lumangoy kagaya ko! Haha! Kailangan maingat sa paglalakad kung ayaw madulas. May life guard din. Sarap dito. Kakarelax.
Entrance Fee: P30

9PM na kami umahon at nagpahatid sa Pabua Cottage and end our day with some Tanduay Ice! ;)

Ang masasabi ko/namin:
- Kung taga-Camiguin ka, all-year ang outing ng barkada. Kapag summer, perfect ang Cold Spring. Kapag tag-ulan naman, sakto ang Hot Spring.
- Hassle ang tour kasi from the start basa ka hanggang matapos kung gusto mong maligo sa lahat ng spring. Tapos ang picture mo sa ibang spot, wet look lagi. Hehe.
- Since puro swimming ang walang time to change cloths and malamig ang hangin. Mas ok kung super absorbent ang towel para iwas sakit. Buy na ng Aquazorb! Hihi!
- Ang ibang spot, malalayo sa isa't isa. Kaya dapat planado talaga ang mga spots na gustong puntahan para hindi sayang sa oras at gasolina.

3 comments:

Nicole said...

Ang ganda talaga ng rainbow, welcome daw sa Camiguin! :D

DK said...

Ang ganda nga! Ganda din ng moments sa sunken cemetery. :)

Wait, related ba kayo ni Sir Santiago? Hehe..

Nicole said...

Haha! Kaya nga natandaan ko kasi baka tito ko siya! ;) Makahingi ng discount next time! Haha!