Thursday, May 26, 2011

Asia's Longest 840m Dual Zipline

May 21. Before 6AM nasa baba na si Kuya Roel at hinintay na kami. Aga! At iba na ang sasakyan niya. Hehe! Halos isang oras din ang nilakbay namin papuntang Dahilayan Adventure Park. Dumaan din kami sa malaking pinya at taniman para magpapicture. 

Pagdating namin, unti palang ang taong nandun. Register na kami at pirma ng waiver for 840m ride! After registration, game na! :D

The 320m zipline. Pinayagan akong isama si Bachengcheng. Sarap! Saktong tili lang. 
Akala ko iyong isang zipline, wala lang un, parang hatid lang, iyon na pala ang 150m! Haha! Parang wala lang kasi. Hihi! Sinundo pa kami ni Kuya Roel, bait! Picture muna sa mala-Baguio set-up. 
Hinintay namin ang service paakyat sa starting point for 840m! Ang pagsakay palang dito, kakatakot na. Grabe naman kasi ang mga dinaanan at ang daan, maling kabig lang may kalalagyan kami! Haha! Pagdating sa starting point, change outfit then game na!
Nakakakaba. Nakakatakot. Pero keri pa rin! Haha! Wala pa naman daw nalalalaglag eh! Haha! Dito hindi na ako pinayagang hawakan si Bachengcheng, nilagay na siya sa likod ko. Kinabahan ako noong tinaas na paa ko. Tapos binuksan na ang gate then naririnig ko na si Kuyang ngradyo. Pero after noon, wala na. Wala na akong magawa kundi tumili! Haha! Pero sa sooobrang haba, natapos na tili ko lumilipad pa din ako! Hahaha! Aliwin na lang ang sarili sa magandang tanawin sa baba. ;) Pagdating sa end point, may official photographer ang Zipzone, so ngiti na lang! :D
 
Certificate with Picture: P150
Extra Photo: P50
Nagsisimula palang araw, enjoy na kami! ;)