Sa wakas! After mahaba habang magreresearch, pagtatanong at pagsali sa gTalk! :) Successful ang Coron Tour namin! :)
Salamat sa inyong lahat! :)
September 4, 11am nasa Ayala MRT na kami para doon sumakay nag taxi papuntang NAIA Terminal 3. Ako, neil at gelo lang. Sina Diana Rose at Red ay dederecho na lang daw sa terminal. Then pagdating namin sa Terminal 3, pumila muna kami sa Airphil Customer Service para magpaprint sana ng Itinerary Receipt ni Gelo. Pero noong turn na namin, sabi ng babae, ok na po yan ma'am, id lang po ang ipakita ninyo. Kaya iyon, tumuloy na kami. Hindi din kami hinanapan ng photocopy ng credit card na ginamit.. oi lusot! :)
First time! :) |
Ang hangin!! |
Nice view from the top |
Rainbow o! :) |
Kaya after less than 1 hr, Welcome to Francisco B. Reyes Airport! Pinagmamadali ang mga pasahero kasi aalis na daw agad iyong plane kaya hindi kami masyadong nakapagpicture-picture! hmp! Agaw trip!
Naghihintay na si Kuya Jayjay sa labas kaya mabilis namin siyang nakita.
Welcome to Coron! :) |
Mabilis magdrive si Kuya Jayjay kaya 30 minutes nasa Patrick and Tezz Guesthouse na kami. :)
Naningil na din si Ate Judith, staff ni Owen ng DIYCORON, para sa balanse namin sa tour package. Pinakita na sa amin ni Ate Rishel ang magiging rooms namin. :)
Naningil na din si Ate Judith, staff ni Owen ng DIYCORON, para sa balanse namin sa tour package. Pinakita na sa amin ni Ate Rishel ang magiging rooms namin. :)
Dahil masyado pang mainit, nagpahinga muna kami, nanood ng tv, tumingin tingin sa paligid. :)
Noong medjo malilim na larga na sa Coron Public Market! Namili kami ng ipapaluto namin kay Ate Rishel na agahan.
Photo taken by Angelo Amparo |
Photo taken by Angelo Amparo |
Photo taken by Angelo Amparo |
Bistro Coron ang pinakamalapit na nakita namin sa mga nabasa kong pwedeng kainan sa Coron kaya dito na kami ngDinner. :) Ang specialty nila ay pizza, pero dahil lahat kami ay gutom, rice kami! :)
Sa dinami dami naming gustong tikman ito ang nagwagi! :)
Kilawin! sarap! :) |
Sarap ng weinerschitzel! :)
Word of the day: WEINERSCHITZEL! :)
2 comments:
ah airphil pala kayo, what happend to 7am flights? so lahat na dedelay? omg may kasama kaming airphils. we cant afford madelay kami ng after lunch..
Yap airphil kami. Hindi naman papuntang Busuanga iyong nadelay na 7am flight eh..;) CDO ata sila. ;)
Pero noong pauwi naman kami maaga naman kaming umalis sa Busuanga, kasi parating na iyong ulan noon kaya iyon mga 2:30PM ata umalis na kami, eh dapat 3:10Pm pa kami.. :)
Post a Comment