Wednesday, September 08, 2010

Welcome to Coron! :)

Sa wakas! After mahaba habang magreresearch, pagtatanong at pagsali sa gTalk! :) Successful ang Coron Tour namin! :)
Salamat sa inyong lahat! :)

September 4, 11am nasa Ayala MRT na kami para doon sumakay nag taxi papuntang NAIA Terminal 3. Ako, neil at gelo lang. Sina Diana Rose at Red ay dederecho na lang daw sa terminal. Then pagdating namin sa Terminal 3, pumila muna kami sa Airphil Customer Service para magpaprint sana ng Itinerary Receipt ni Gelo. Pero noong turn na namin, sabi ng babae, ok na po yan ma'am, id lang po ang ipakita ninyo. Kaya iyon, tumuloy na kami. Hindi din kami hinanapan ng photocopy ng credit card na ginamit.. oi lusot! :)
First time! :)
Nadelay pa ang flight namin from 1:40PM naging 2:20PM siya. Ok lang. May mga kasabay nga kaming naghihintay na 7AM pa dapat ang flight papuntang CDO eh! ;) First time naming sasakay sa Airphil kaya nagbibiruan kami noong sasakay na kami ng bus papuntang plane.. hehe! Sabi namin, bus lang pala from Manila to Busuangan. :P
Ang hangin!! 
Medyo natakot ako sa paglipad namin. Malubak. Pero noong nasa taas na kami, mas naging kalmado. 
Nice view from the top
Rainbow o! :)
Kaya after less than 1 hr, Welcome to Francisco B. Reyes Airport! Pinagmamadali ang mga pasahero kasi aalis na daw agad iyong plane kaya hindi kami masyadong nakapagpicture-picture! hmp! Agaw trip!
Welcome to Coron! :)
Naghihintay na si Kuya Jayjay sa labas kaya mabilis namin siyang nakita. 

With Kuya Jayjay
Mabilis magdrive si Kuya Jayjay kaya 30 minutes nasa Patrick and Tezz Guesthouse na kami. :)


Naningil na din si Ate Judith, staff ni Owen ng DIYCORON, para sa balanse namin sa tour package. Pinakita na sa amin ni Ate Rishel ang magiging rooms namin. :)

Dahil masyado pang mainit, nagpahinga muna kami, nanood ng tv, tumingin tingin sa paligid. :)
Noong medjo malilim na larga na sa Coron Public Market! Namili kami ng ipapaluto namin kay Ate Rishel na agahan. 


Photo taken by Angelo Amparo

Photo taken by Angelo Amparo
Photo taken by Angelo Amparo
Pasyal pasyal sa palengke at noong magdidilim na balik na muna kami sa bahay para ihatid ang pinamili bago kami naghanap ng makakainan.  

Bistro Coron ang pinakamalapit na nakita namin sa mga nabasa kong pwedeng kainan sa Coron kaya dito na kami ngDinner. :) Ang specialty nila ay pizza, pero dahil lahat kami ay gutom, rice kami! :) 

Sa dinami dami naming gustong tikman ito ang nagwagi! :)

Kilawin! sarap! :)
Spicy Chicken Wings
weinerschitzel
Sarap ng weinerschitzel! :)

Word of the day: WEINERSCHITZEL! :)

2 comments:

Chyng said...

ah airphil pala kayo, what happend to 7am flights? so lahat na dedelay? omg may kasama kaming airphils. we cant afford madelay kami ng after lunch..

yayyadanda said...

Yap airphil kami. Hindi naman papuntang Busuanga iyong nadelay na 7am flight eh..;) CDO ata sila. ;)

Pero noong pauwi naman kami maaga naman kaming umalis sa Busuanga, kasi parating na iyong ulan noon kaya iyon mga 2:30PM ata umalis na kami, eh dapat 3:10Pm pa kami.. :)