Thursday, September 09, 2010

Coron Island Tour


September 5, 7:00AM dumating na si Ate Rishel dala ang breakfast namin. Nag aalmusal habang nanonood ng tv. Sarap! :)
8:00AM, tinawag na kami ni Kuya Ritchard, asawa ni ate Rishel, para simulan na ang aming Coron Island Tour! :)

First Stop: Siete Pecados
Umpisa palang enjoy na kami! Daming isda at corals! :) 


Second Stop: Kalachuchi Beach 
Nagjellyfishing lang kami! haha!

Third Stop: Kayangan Lake
Naglagay muna kami ng off lotion dahil sasabak kami sa bundok! hehe! Medyo mataas din ang aakyatin at nakakatakot ang aapakan. Madulas kasi kaya doble ingat kami. Syempre picture-picture sa famous spot! hehe!

Pagdating sa kabilang side, freshwater! :) Blue water. Ganda ng mga limestone formation sa ilalim ng tubig. Para siyang castle. :) Si neil nga naadik kakapakuha ng picture underwater. Hindi masakit dumilat sa ilalim ng tubig. ;) 
 After naming mapagod kakaswimming, bumalik na kami kina kuya para maglunch! :) 
Forth Stop: Barracuda Lake
Pagkatapos naming kumain ng masarap na tanghalian! :) Pumunta na kami dito. Sabi ni Kuya, dapat daw hightide pa kapag pumunta doon dahil sasayad na ang bangka kapag lowtide. Malayo na ang lalakarin papunta sa lake. :) Natuwa naman kami ng pagkadating namin kami lang ang tao. :) Pero nabawasan ang katuwaan namin ng pagtingin namin sa ilalim ng tubig, napakalalim! Hindi talaga kinaya ng powers ko. Hindi na ako lumayo. Haha!

Fifth Stop: Twin Lagoon
Haha! Napagod sila Neil kakatulak samin makatawid lang sa kabilang lagoon! :) Hirap ng hindi marunong lumangoy! Hihi. Dahil hightide pa, hindi na kami gumamit ng hagdan papunta sa kabila. Langoy lang. :)
Sixth Stop: Banol Beach
White sand. May mga cottages. Ayon lang. Hehe! Dito na din kami ngmerienda.

Seventh Stop: Skeleton Wreck 
Nakita ko si Nemo!:D Saya ko nakita ko si Nemo. Malaking Nemo. :)
Sa wakas nakakita din ng clownfish! :)
Eighth Stop: CYC - Coron Youth Club
Medyo malayo ang pinaghintuan ng boat kaya lalakad ka papuntang island. Parang wala naman akong nakitang kakaiba bukod sa bakawan. Saka hindi maganda ang amoy. :| Sabi ni Kuya, hindi na daw kasi ito na maintain ng gobyerno kaya naging ganun. Dati daw maganda daw iyon. Sayang naman hindi namin naabutan iyong time na iyon. Mababaw lang ang tubig kaya sarap maglakad lakad. :) Nagpicture lang kami sa kahoy, naisip ko kasi may ganoon din sa Potipot, tapos bumalik na kami sa bangka.
 Habang pabalik kami sa town ito ang ilan sa mga makikita. :)

Unang tour pa lang negra na! :) 

Sharing Time:
~Kung tulad namin kayong ngavail ng package, print the final itinerary galing sa kinuhaan ninyong package, dalhin at ipakita sa boatmen. Kami kasi hindi namin dinala, nag assume kasi kaming alam na ng boatmen namin iyon, ang nangyari tuloy may napuntahan kaming wala sa itinerary kaya nagbayad pa kami. Hindi kasama sa iti namin ang Skeleton Wreck, eh may entrance fee doon kaya iyon noong gabi ngtxt si Ate Judith na kulang nga iyong binayad namin. Pero on the other side, ok lang! Kasi nakita naman namin si Nemo doon! Hehe!

~MUST HAVE ang underwater camera or kahit casing lang! :)

3 comments:

Chyng said...

amazing, nabusog ang mata ko! winner yung 1st pic ni neil sa kayangan, ngayon ko lang nakita yung underwater rock formation!

so skip na ang cyc.. sabagay free entrance naman jan..

Nicole said...

Oo! Sobrang enjoy si neiL sa rock formation sa ilalim.. Siya nga nagsabi samin noon eh.. Kasi kami enjoy na kaming palutang lutang! Haha! Hirap ng hindi marunong lumangoy! Haha!

Papicture din kayo jan! :) Sabi niya para daw castle.. :)

Nicole said...

Iyong sa CYC, puntahan ninyo na din! :) Sarap maglakad lakad kasi babaw ng tubig.. :)