6:00AM, on the way na kami sa GMW bus station paPagudpud. Pagdating namin, waley na ang bus. :( Kung nakita lang ninyo ang pagkalungkot ko nung sinabi nila iyon. Ang susunod na alis ng bus, 7:30am na! Kailangan naming makarating ng Pagudpud ng 10am dahil may kasabay kami sa tour. Hindi na ako makapag-isip ng mabuti ng mga oras na iyon, bad trip na ako ang aga-aga pa. Hinatid kami ng trike driver sa may hi-way kung saan dumadaan ang mga bus galing Manila. Pwede daw kami doong sumakay. Tinext ko na ang mga kasabay dapat na namin, sabi ko huwag na kaming hintayin dahil hindi pa kami nakakaalis ng Vigan. At pagkasend ko nun, tinanggap ko nang magttrike kami sa Pagudpud tour.
Sad, habang naghihintay ng bus. |
7:45am na kami nakasakay ng bus paPagudpud, ito rin iyong GMW bus. Okay lang. Go with the flow. Tinanong namin sa konduktor kung anong oras kami makakarating sa Pagudpud, sabi niya mga 1pm na daw dahil maghahantay pa sila ng pasahero sa Laoag, 1 hr! Nagdecide kaming bumaba na lang sa Laoag at lumipat ng ibang bus paPagudpud.
Pagdating namin sa Laoag, unting lakad lang nasa terminal na kami ng bus paPagudpud. Makakatuwa ang bus na ito, feel na feel kong nasa probinsiya ako.
Expected namin 2hrs ang biyahe pero ang bilis lang 1 hr i think, before 12nn nasa Pagudpud Market na kami. Hindi kami na bored sa biyahe lalo na noong makita namin ang Windmill! At habang nasa bus kami doon ko talaga narealized na sobrang layo ng mga spots sa isa't isa.
Welcome to Pagudpud! :D |
Bumili ng tubig at makakain then sakay ng trike at nagpahatid sa Saud Beach. Tulad sa Vigan, wala rin kaming reserved accomodation dito kaya naghanap pa kami. Dinala kami ni kuya sa homestay pero dahil maarte ako gusto kong unting lakad lang beach na, naghanap pa kami. Pinatos na namin ang P2,000/night sa Casa Victoria dahil punuan na rin. Mahal pero maganda naman ang location at malinis ang room. Walang kuryente pagdating namin pero may generator sila. May resto rin ang resort kaso aligaga ang mga tao nung lunch time sa dami ng tao kaya naghanap kami ng ibang makakainan dahil 2PM kami susunduin ni kuya para sa tour. Sakto lang ang pagbalik namin sa room at dumating na rin si kuya.
Pagudpud North Tour
Kabigan Falls - Malayo-layo rin ito sa Saud. After magbayad at magregister, may lumapit na sa aming magiging tour guide namin. Makwento si Kuya o matanong lang ako! Haha! Sabi niya, 80+ daw silang tour guide, ang dami nila! Kami palang daw ang natotour niya nung araw na iyon. Ang bayad na 100/tour guide ay hindi lahat napupunta sa kanila.
Maglakad, maglakad, maglakad... |
Pagdating namin sa falls, hindi nga pwedeng lagyan ng rafting dito! LOL!Ako: Kuya, ano pa ang magagawa sa falls bukod sa swimming at pictures?Kuya: Wala na po ma'am.Ako: Bakit hindi po ninyo lagyan ng rafting papunta doon sa falls para may extrang kita kayo.Kuya: Hindi po ma'am pwede eh.
Hindi na kami naligo sa falls dahil sobrang lamig at isa pa simula palang ng tour, ang lamig noon kung nagkataon! Hehe!
Patapat Viaduct - Napakahabang tulay. Picture-picture lang.
Paraiso ni Anton - Sabi nila, miracle water daw ang tubig na galing dito kaya uminom din ako! Hehe! Malamig ang tubig. May nakasabay nga kaming mag-asawa na may dalang lalagyan na kumuha ng tubig eh!
Bantay Abot Cave - Dito kami sobrang napagod kakapicture! Hehe! Sakto kasi ang dating namin, sunset! :) At tuwang-tuwa ako sa malakas na alon!
Timangtang Rock - Hindi ko alam kung anong kwento ng batong ito pero wala namang kakaiba. Sa tapat nito ang Walang Hanggang burol. Sayang nga at hindi kami nakapunta dahil pagbalik namin madilim na.
Blue Lagoon Beach - Ayoko na nga sana itong puntahan dahil madilim na tapos pababa pa ang daan pero dinala pa rin kami ni kuya dito. Hindi na nga ako bumaba to check the beach, pagod na ko. Hehe! Pero madaming tao sa beach at may nagba-banana boat pa! At mas malakas ang alon dito compare sa Saud beach na kalmado.
Balik resort. At kami na ang nagstart ng 3PM at napuntahang ito lahat! Hehe! Nakakapagod na biyahe pero masaya. :)
Kapurpurawan Rock Formation - Malayuang lakaran ang pagpunta dito. Okay naman ang lalakaran kasi maganda ang daan. Kailangan lang ng payong lalo na kung katulad namin 11am nandun! Tirik na tirik ang araw! Hehe! Nandun pa ang mga ginamit sa shooting ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako, para sa amin sana tinanggal na kasi parang kalat lang e.
Pagudpud South Tour
7:00 am palang nasa beach na kami! :) Ang ganda ng Saud Beach. Kalmado ang tubig, hindi masakit sa paa ang buhangin, hindi masyadong maaraw, hindi masyadong malamig ang tubig. Enjoy talaga kami! :)
Pagkatapos naming magswimming at magcheck-out sinundo na kami ni Kuya para sa susunod na tour namin. Dahil sa new policy ( effective December 1, 2012 ) na ang Pagudpud trike ay hindi na pwedeng bumiyahe sa may Bangui, nagreklamo daw ang mga driver doon na mga taga-Pagudpud lang ang kumikita, kinontak ni Kuya ang kakilala niya sa Bangui para siya ang mag tour sa amin.
Picture kahit maiinit! ;) |
Pagkalipat namin ng trike, handa na sa mahaba-habang biyahe. Ang layo talaga, nakakatulog talaga ako sa haba ng biyahe! Hehe!
Bangui Windmills - Kung noong nasa bus lang kami ay tanaw lang namin, ngayon nasa harapan na namin ang napakalaking windmills!! Ang ganda. Nakakatuwang pagmasdaan ang pag-ikot nila. Kung titignan sa pictures magkakalapit sila, nagkakamali kayo! Sobrang layo nila sa isa't isa.
Dito na rin kami bumili ng pasalubong na mini-windmills. :) Ingat-ingat pala sa paglapit sa dagat, napakalakas ng alon at ang bilis tumaas ng tubig. Nasa may bandang gitna ang tripod na gamit namin ni neiL tapos nagulat na lang ako nung inaadjust ko biglang nandun na ang tubig sa may tripod! Buti na lang at hindi natumba na at natangay.
Kapurpurawan Rock Formation - Malayuang lakaran ang pagpunta dito. Okay naman ang lalakaran kasi maganda ang daan. Kailangan lang ng payong lalo na kung katulad namin 11am nandun! Tirik na tirik ang araw! Hehe! Nandun pa ang mga ginamit sa shooting ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako, para sa amin sana tinanggal na kasi parang kalat lang e.
May viewing deck then lakad sa likod para mas makalapit sa rock formations. Nakakalungkot lang kasi may ibang part na may vandals. Gusto ko nga sana pumunta sa may malapit sa dagat kasi nakakatuwa! Ang lakas ng hampas mng tubig sa batuhan kaso alam naman nating delikado kaya hanggang tingin na lang ako. Pagbalik namin sa taas, bumili kami ng ice candy sa may tindahan habang nagpapahinga.
Hindi na kami nagpunta sa Burgos Lighthouse dahil ang init na. Nagpahatid na lang kami sa hiway kung saan may dumadaan na bus mapuntang Laoag. Nakarating kami sa Laoag ng 2pm at kumain sa Saramsam. After ng late lunch, puntang palengke para bumili ng pasalubong then pahatid na sa airport.
Laoag Airport |
**End of Ilocos Trip**
Yellow is the new polka dots! Happy 2013!!! :) |
4 comments:
Pinilit kong mahabol sa 2012 kaso hindi umabot! Hehe! Hello 2013! :)
gusto ko talaga yang mga rock formations na yan. never been to ilocos. hopefully this year. happy 2013 nicole and neil!:)
We're planning to go there! Sana matuloy! Happy 2013!
ohhh Ilocos! I really wanna go there! one of my top five dream destinations.. lovely lovelty photos!! Best of 2013 for you guys!!
Post a Comment