January 6. Maagang umalis ng Manila. Nagpa-fulltank. Saan ang punta namin? Sa Tagaytay!! Kung last time ay solo trip, ngayon 2 na kami. :) Walang reservations. Walang itinerary. Basta ang goal namin, mag-enjoy ng magkasama. ♥
Before 12nn nasa Rotonda na kami. Dala ang maraming listahan ng mga accommodations, inuna naming puntahan ang overlooking the Taal Lake. Kaso wala kaming makitang magandang accommodation na pasok sa budget namin kaya sa Plan B nalang kami. :) Punta kami sa Keni Po, since Sunday na, karamihan sa mga nag-overnight ng weekend, pacheck-out na. May available ng 1PM, P1,200. Lipat sa kabitbahay, 5R . May available room at pwede na magcheck-in. Ang kinuha naming room na nasa 2nd flr for P1,300, with A/C, TV, hot & cold shower, ref , WiFi at malaking balcony. Pwede na. After mag-ayos ng gamit, sinimulan na namin ang aming paglalakbay sa Tagaytay!
People's Park - Bayad ng entrance fee then lakad na. May jeep na naghahatid sa mga ayaw maglakad, P5/each. Dito sana kami magllunch kaso ang mhl ng bayad sa cottage. Tsaka puno na rin dahil Sunday, family day. Naglakad-lakad kami sa may bandang likod. Hindi ko ito napuntahan nung ako lang mag-isa. At may kakaiba kaming nakita!
Mannequin o totoong tao? :) |
Naaliw talaga ako kay kuya! Gagalaw lang siya kapag may naghulog ng barya pera sa may donation box. Dito kami talagang nagtagal kasi hinintay naming mag-Gangnam Style siya na request ng mga batang nandun! Haha!
Fill in the blanks. Kelan kaya ito mabubuo. :( |
First time ninyo Ati at Koya? Hihi. |
Picnic Grove - Balak sana naming bumili ng litsong manok at kanin before kami pumunta dito kaso wala kaming nadaanan. Kaya kumain muna kami sa isang kainan sa loob tsaka tumambay at nanood ng mga nagpapalipad ng saranggola. :) Sarap lang tumambay dito.
Paramihan ng mauubos na saging! Haha! |
Calaguera Church - Ang layo. Akala nga namin hindi na namin maabutan na bukas eh. At akala namin naliligaw na kami! Hehe! Buti na lang sakto kami dumating, 5:30pm! Bayad ng P30 then pasok na kami.
Pagdating namin sa church, akala namin photo shoot na lang ang ginawa ng mga bagong kasal. kaya hinintay na naming matapos. Kaso pala, hindi pa nag-uumpisa! Haha! Hinintay muna naming makapasok sila bago kami nakapagpicture sa labas. Balik na lang next time para makapasok sa loob. Ang gara lang ni Ateng kinasal, baby pink ang wedding gown. :)
Gabi na kami nakabalik sa city kaya derecho dinner na rin. At dahil Family Day nga, punuan ang mga kainan. Bukas na magbulalo, gutom na eh! :)
January 7. 2am gumising ako para gawin ang dapat kong gawin. :) Buti nalang nagising si neiL pagpasok ko. Sabi ko, hindi kasi ako makatulog kaya nagpahangin ako sa labas! Haha! Brunch sa Mahogany at namili ng 2 kaing na pinya!
Ako na ang ume-effort! ♥ |
Brunch at Mahogany Market Bulalo at tawilis! ♥ |
Foggy, hindi man makita ang Taal Volcano, okay lang. Hindi naman background ang importante eh, mas importante kasama kita! :) Happy 72nd to us! ♥ |
4 comments:
Simulan na ang paggagala ngayong 2013! <3
I miss Tagaytay and it is sweeter being in the place when you're w/ someone.
Stay inluv and keep traveling!
Ang sweat! haha! Iba talaga tayong mga girls mainlove. Wagi sa ka-effortan. Stay happy!
Sweet naman.. super like ko ung idea ng pictures! :)
Post a Comment