Sunday, January 27, 2013

2013 Saturdays, January

Inspired by Riz, ang blogger na halos 5 yrs ko nang sinusubaybayan. :) Oo ganun na katagal. From nung single pa siya, kinasal at ngayon may cute twins na siya! ;)
Sana matapos ko ito! Goodluck to me. ;)
05 January 2013
12 January 2013
Balungao, Pangasinan
19 January 2013
Divisoria
26 January 2013
Baclaran
05 January. Ito ang time na busy ako kakaisip kung anong gagawin ko sa mga pictures na pinaprint ko para sa anniversary namin

12 January. Mahaba-habang roadtrip to Pangasinan para sunduin si Inang, lola ni neiL. Umalis kami ng 7PM sa Trinoma dumating kami before 12 midnight sa bahay ni Inang. Gustong gusto ko talagang pumunta dito tahimik, fresh air, bukid, maraming puno, maraming prutas! Dito ko lang naranasang mamitas ng suha sa puno! At dito ko lang din nalaman na mamamatay na pala ang puno ng saging after kuhain ang bunga nito. Buhay-probinsiya talaga! 

19 January. Divisoria! Feeling ko nalibot na namin ang buong Divisoria nung araw na ito! Sakit ng paa ko after! Haha! Nakabili ako ng P25 na white pang-ulan na shoes, P250 shoes from Mikaela at accessories, P10 na kwintas at 3-for-100 na hikaw. ;)

26 January. First time naming magpunta sa Baclaran. Nakakatuwa at ang mumura ng mga paninda. Murang mura dahil ang minimum 6 pcs! Haha! Halos lahat wholesale ang tinda. Iilan lang nakita naming pumapayag na retail at ang laki talaga ng difference. May natanungan ako, dress, kapag wholesale, P120/each pero kapag isa lang, P250! Bongga db! Kung balak mong magnegosyo ng mga damit, sapatos, tsinelas at bag, dito ang tamang lugar para sayo. :) O kaya naman may reregaluhan kang 6 persons, pwede na rin dito, iyon nga lang, parepareho sila ng design o dapat makuha mo lahat ng sizes ( from s to xxl) para wholesale. Hehe!

Ang bilis ng araw! Ilang tulog na lang tapos na ang unang buwan ng 2013.

1 comment:

Nicole said...

Walang gala. Gumawa muna ng ibang pagkakaabalaha! Hehe!