Tuesday, November 13, 2012

Sidetrip to Lanao del Norte: Tinago Falls

Ikaw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon masakit pa rin ang mga binti ko, Tinago Falls.

Pagkagaling namin sa Maria Cristina Falls, kumain muna kami ng lunch sa tapat ng Timoga Spring Pools at Mimar's Spring Resort. Since sabi nila masarap ang Iligan Lechon (P380/kilo), itry din natin. Dahil sa namamahalan ako sa puso, kanin na nakabalot sa dahon ng saging,  P8 each sa Divisoria Night Market , regular rice na lang kami. Hehe! Masarap ang lechon at kakaiba ang suka, hindi siya maasim tulad ng nakasanayan ko na.
Ang sarap lang kumain na dagat ang view. :) After kumain at magpahinga larga na papuntang Tinago Falls. Nadaanan din namin ang Macaraeg-Macapagal Ancestral House, isang picture lang then alis na. Hehe!
Dilat na dilat kaming lahat para hindi namin mamiss ang mga signs to Tinago Falls mahirap na maligaw at kung saan mapunta. O.o Medyo mahirap siya if habal-habal ang sasakyan kasi may part na lubak-lubak at malayo siya sa hiway. 

Pagdating namin, may sumalubong agad sa aming tour guide. Nung una, parang tinataboy pa namin siya kasi mukhang tambay lang eh! #judgementalmode Pero nung nagkwento na siya na tourist guide siya dun at baka next month magkaroon na sila ng uniform napanatag na kami. 
Sino ang tinakpan ko sa likod? :P
Sabi ni kuya 434 steps daw ang hagdan pababa. Kung ganun kadaling bumaba siyang hirap paakyat! Kwento pa niya, next year target nilang maglagay ng cable car para mas madali ang pag-akyat at pagbaba sa falls. I'm sure ikakatuwa ito ng mga tamad maglakad! Hehe! 
Naalala ko ang Kayangan Lake sa Coron
Ang ganda, marami lang tao kasi Saturday. Pero okay lang naman kasi malaki naman ang space medyo unahan nga lang sa cottage. Grupo-grupo ang mga nandito, parang mas marami nga ang taga doon kaysa sa mga turista. Meron ding tindahan ng mga pagkain at inumin (alak ), restroom na walang lock at walang ilaw pero may tubig naman na pwedeng pagbanlawan at ihawan.

Kaming tatlong babae lang ang nagswimming, si Rikki at driver taga bantay ng gamit at taga-picture na super duper zoom! Haha! 

Sumakay kami sa bamboo raft para makalapit sa ilalim ng rumaragasang tubig! Ang saya!! As in, natuwa talaga kami. Tsaka ang sarap ng tubig, hindi kasi ganun kalamig. Gusto ko sanang umakyat malapit sa malakas na tubig pero natatakot ako baka matangay ako, kaya okay na ako sa bamboo raft. :)
 
After namin sa bamboo rafting, lumango nagpatulak at naglakad kami papunta sa kabilang side para magpapicture. Ang galing ni Kuya Guide kasi dinala niya ang camera at nagtiwala akong hindi niya mabibitawan. Sa ngalan ng profile pic! Haha!

I'm Here! :)
Kami ang sumuko kaka-pose! Haha! Ingat-ingat lang sa pag-akyat dahil amdulas ang mga bato. Bawal din magstay sa isang place kasi may mga dumadaan! Haha! Pagkatapos naming magsawa at mapagod kakalangoy, nagbihis na then balik na kami sa CDO. Ang hirap umakyat pabalik! Hindi ko nga matandaan kung ilang beses akong huminto eh!

Sooobrang traffic pag-uwi, as in 7PM na kami nakarating ng hotel, 4 hrs! Buti nalang at nagmerienda kami sa may Mantikaw Hiway ng masarap na mainit na puto at kape. Recommended ko ang puto dito. Along the way lang ito at madaling makita dahil kumakaway sila para magtawag ng customer.
4pcs / P20.00
------------------------------------
Parking Rate
Motor - P10.00
Kotse/Van - P20.00

Fees:
Entrance Fee - P5.00
Cottage Rental - P50.00
Lifevest Rental - P20.00
Bamboo Raft - P10.00

6 comments:

Nicole said...

sakit sa binti pero masaya! :D

promding chamimay said...

pupunta kami jan next year!!! pero 5months preggy na ako nun... tingin mo kakayanin ko ang pagbaba at pag-akyat? :-)

Nicole said...

baka may cable car na nun! :D Pero tingin ko kaya mo naman, unti-unting lakad lang. Hehe!

blissfulguro said...

ang yummy nung lechon!!!

KULAPITOT said...

its a famous falls sa lugar tlga at puntahan ng mga filed trips :)

PinkyWinkyIce said...

hi! it's my Mom's hometown Iligan City, will go there next year summer.