Monday, November 12, 2012

Sidetrip to Iligan City: Maria Cristina Falls

Bilang isang empleyado sa isang transportation company, hindi mawawala ang minsanang branch visit. :) Tuesday morning nang may natanggap akong email na pinagpapaalam ako kung pwede akong sumama sa training sa Cagayan de Oro. Buti nalang mabait ang mga boss ko, go daw! :D Wednesday ng gabi ang alis, Sunday morning ang balik ng Manila. Kamusta naman ang mabilisang pagpaalam at magpapacked ng gamit. Pero keribels naman. :)

Thursday hanggang Friday ang training so may time pa kami para gumala ng unti. Since lahat kami nakapag-rafting at Dahilayan na, sa Iligan ( City of Majestic Waterfalls ) ang naisip naming puntahan. 2 hrs away from Cagayan de Oro ang Iligan, pero sabi ng mga taga doon mas matagal na daw since ang daming ginagawang daanan papunta, at madali lang naman magcommute Bus-Jeep-Habal-habal sabi ni Google. :) 

Saturday. Maaga kaming umalis para makarami! Pumara kami ng taxi para magpahatid sa Westbound Terminal, doon kami sasakay ng bus papuntang Iligan.  Tinanong kami ng driver kung saan kami pupunta, sabi namin sa Ma. Cristina Falls at Tinago Falls. Nag-offer si kuya na irent na lang namin ang taxi for P2,500 para hindi na kami mahirapan sa palipat-lipat na sasakyan. Based on our mental computation unti lang ang difference kung mag-commute kami. So go na! 

Ma.Cristina. 7:30AM kami umalis sa hotel, before 10AM nakita ko na ang mahiwagang bridge, ang landmark na nandito na kami. :) 

After magbayad ng entrance fee sumakay ulit kami sa taxi then derecho na sa viewing deck at sinimulan na ang pictorial! :D
Hi Ma. Cristina! :))
(L-R) Elaine, Kristine, Me with Bachengcheng and Rikki
Hindi na kami nakapunta sa Mini Zoo, okay na kami sa nakita namin. :) Naisip ko nga, sarap sigurong mag-rafting dito! Ang lakas ng bagsak ng tubig eh! Kahit na malayo kami, ramdam na ramdam ko ang talsik parang umaambon. Meron din ditong zipline kaso parang ang lapit baka mabitin lang kami. Hehe! At meron ding souvenir shops. -----------------------------------
Park Hour: 9AM-4PM

Entrance Fees:
Regular - P35
Student/Senior - P25
Shuttle Ride Fee - P10
Zipline ( Tree Top Tour ) - P200 ( Closed every Tuesday for maintenance )

Commute 101: How to get to Ma.Cristina Falls
1. Go to Westbound Terminal , take the buses going to Iligan -  P 145.00 
2. Get off Iligan City, take the jeepney going to the public market  - P 7.00
3. From the public market, take the jeepney going to Buru-un (P12.00) and tell the driver you are going to Ma.Cristina Falls.
4. From the highway, (may makikitang bridge tulad ng picture sa taas! Hehe! ) walk towards NPC.

3 comments:

Nicole said...

Paghiwalayin ang gala para may mablog pa! Bwhahahaha!

anney said...

Hi Ma. Cristina! Ang ganda mo naman!

KULAPITOT said...

at amy itinerary pa .... astig ..