Sunday, October 14, 2012

One fine afternoon with jL!

Hello there! :)
Gusto ko lang i-share ang isa sa mga pangarap ko. ^__^ 
Wagas ang ngiti!! ^__^
Sa wakas nakadalaw din sa Bellini's. :) Kung isa ka sa napaiyak ng One More Chance nila jL at Bea alam mo kung saang part ng movie ang resto na ito. 
"Malaki lang ang katawan mo pero hindi mo ko kayang patumbahin!!"
"Mahal na mahal kita kahit ang sakit-sakit na." 
Natutuwa talaga ako kapag napupuntahan/nakikita ko kung saan na-shoot ang mga movies ni jL, fan girl lang peg! Haha! 

Anyways, hindi lang naman ito ang reason ang kung bakit kami nagpunta rito, syempre dahil din sa masarap nilang foods!!  Dahil sa first timer kami, si Gelo ang umorder ng food dahil suki na ata siya rito! Hehe!


Four pasta dishes in one plate! Dahil sa mahirap mamili, sinabi nalang namin na lahat ng best sellers nila. Ang sarap lahat! Ang disadvantage lang dito, kapag hindi ninyo naubos, hindi mattake-out kasi salo-salo na! Hehe! 

Pasta Platter
Umorder kami ng pizza pero waley akong picture! Haha! Masarap din. :) Meron din silang nakakatuwang comlimentary bread sticks.  Kaso wala rin akong picture! 
Grabbed photo from Google.
Aprub din samin ang staffs at may-ari ng resto. Bukod sa attentive silang lahat, Italian-speaking waiters pa!  At talagang nilalapitan ni Mr. Roberto Bellini  ang mga customers. Medyo matagal ang serving time pero worth naman ang paghihintay. After kumain, libre pa ang magphotoshoot sa loob! ^__^

Next time, si neiL naman ang kasama ko dito at pipicturan ko ang buong resto! ^__^

5 comments:

Nicole said...

Nagutom ako habang ginagawa ko ito! hahaha!

Pinay Travel Junkie said...

Droooool on the pasta platter!

anney said...

Nakakapaglaway ang pasta platter! 4 na klase ba yan?

Krisel said...

Kung makangiti parang wala ng bukas, oh!... hehehe! krisel_06 to sis ng gt :)

ang taray... naaalala ko nga yang dining na yan! JL fan din ito. hahaha!

Ann said...

Wow! Ang ganda po ng lugar.. pang mayaman hehehe :)