Haha! Pagbabalik talaga. Akala mo naman nawala at kung saan nagpunta. Anyways, sorry kung puro ang nakaraan ang mga susunod na blog post. Waley paki kahit matagal na, gusto ko lang ishare! Haha! So simulan na ang pagbabalik-tanaw. :P
January 23, Chinese New Year. Napagkasunduan namin na isabay na ang paggala sa Binondo at Marikina sa araw na ito. Binondo sa tanghali, Marikina sa Hapon hanggang gabi. First time ko makapunta sa Binondo sa araw ng Chinese New Year. Syempre expected na namin ang maraming tao pero keri lang. Bago umpisahan ang paglilibot, kain muna para may lakas. :) Dinala kami ng aming tour guide na si Ash sa Waiying Fastfood.
Roasted Duck - P150 |
Patatim Rice |
Hakaw - P70/4 pcs. |
Milk Tea - P60 |
Burp! ;) |
Medyo matagal ang serving time dahil sa dami ng kumakain. Pero sarap lahat ng order namin, halata naman db! Iyong milk tea, hmmm. Nakakagutom! Haha! After naming magpakabusog, pumunta naman kami sa Temple. :)
First time kong maranasan ang ginawa namin sa loob, thanks Ash for the experience. :)
After namin sa Temple, malayo-layong lakaran ang ginawa namin para hanapin ang Dragon Dancers, if ever na meron pa. Hindi naman kami nabigo, nakakita kami! :D
Sorry naman, first timer! ^__^ |
Dinala rin kami ng aming tour guide sa Grocery ng mga Chinese para sa last stop namin sa aming Binondo Tour. :)
Photowalk and Foodtrip: Marikina - From Binondo, LRT1 - LRT2 - Jeep nasa Marikina na kami. :) Ako naman ang tour guide dito! :) First stop, ang malaking orasan.
Discipline - Good Taste - Excellence |
Mabilisang picture lang dahil ang init. Nasa likod ng orasan na iyan ang aming Sports Complex, amin talaga eh! Haha! Dinala ko rin sila sa aming City Hall.
Galing dito, dinala ko rin sila sa bilihan ng mga murang damit sa loob ng Marikina Market.
Tinuro ko rin sa kanila kung saan mabibili ang favorite kong spanish bread. :) Buti nalang merong available nung nagpunta kami kaya natikman din nila. Approved daw! Lakad hanggang makarating sa Our Lady of Abandoned Church kung saan katabi ang school ni jL. :)
Malapit din dito ang Cafe Kapitan. Tambay muna sa River Park before magdecide na pumunta na sa Cafe Lidia for early dinner. :)
Buffalo Wings - P150 |
Pizza Special - P220 |
Salad - P125 |
Nag-order din kami ng coffee. Solb! :)
Next time, si Gelo naman ang tour guide namin, db Gelo? :P
----------------------------------------------------------------------------------
Wai Ying Fastfood
832 Benavides St., Sta Cruz,
Manila, Binondo
Café Lidia
64 Calderon St., Kalumpang,
Marikina City
(632) 647 7606
To follow ang ibang pics, i-grab ko pa kay Gelo, ang official photographer sa lakad na ito. :)
9 comments:
i'm back! :D
Simulan na ang pagbabalik-tanaw. Dito masusubok kung may memory gap na ako! Hahaha!
Sa marikina ko gusto makapunta at di pa ako nakakapunta dyan. Mukhang ang sarap ng pizza ang daming cheese!
we mishu teh! welcome back. home nakauwi na si mommy mo. =)
Gusto ko nung milk tea! :D
Buti ka pa teh na-post mo na mga pictures natin dito.
nice tour. di na kailangang lumayo. pero parang expensive naman ng milk tea...
at asan ang binondo food trip natin!? chos! haha.. welcome back teh!
love your blog and yay to foooods chinese foods! hakay gusto ko ng limang set nyan~ :D following you now
Welcome back Nicole!
musta naman ang pagiging food blogger mo? hehe
sana next na pagsasama natin travel naman ^_^
Post a Comment