Sunday, January 15, 2012

ZestAir, Airphil, PAL!

Gusto ko lang ishare ang naranasan namin sa piling ng 3 airlines na ito; ZestAir, Airphil at PAL. Si CebuPac na lang ang kulang buo na ang team! Haha! 
Paalala: Nobela ito. :P
Ganito kasi iyon:
Bumili kami sa ZestAir ng ticket papuntang Cebu for our 5th Anniversary. Ito ang flight details namin sa ZestAir.
Jan6  19:20      Manila-Cebu
Jan8  19:10      Cebu-Manila

Habang ginagawa namin ang itinerary namin, napagkasunduan namin na mag-extend ng isang araw para masulit ang pag-stay sa Bantayan. So tumawag ako sa ZestAir para sana iparebook ang flight namin. Kaso napakamahal ng rebooking fee, mas makamura pa if bibili kami ng new tickets. So ayon, bili na lang ng new tickets, pero hindi na ako sa ZestAir bumili, sa Airphil na. Ito naman ang sked namin sa Airphil:
Jan9   18:40   Manila-Cebu

January 5. Nagtext si ZestAir na rescheduled ang flight namin ng Cebu-Manila, imbes na 7:10PM, magiging 10PM na. So naisip ko, blessing in disguise na din ang nangyari, pwede na naming iparefund ang ticket namin. :)


January 6. 4:30PM nasa Domestic Terminal na kami. Habang naghihintay sa pag-open ng check-in pumunta muna ako sa ZestAir Outlet para magparefund. Pagdating ko dun, ang daming tao! As in puno sa loob. May binibigay na number ang guard then ayon ang tinatawag ng staff ng ZestAir. 
Habang hinihintay ko na tawagin ang number ko, nakipagtsismisan nakipag-usap ako sa ateng katabi ko. At nalaman ko, ang flight daw nila, from 12NN naging 4PM then nung nasa eroplano na daw sila pinababa ulit sila dahil cancelled na ang flight nila. O.o Hala! Hala talaga. Pinagdasal ko nga na sana huwag naman mangyari flight namin iyon. May nakita pa akong isang ale, may dalang mga maleta tapos chance passenger daw, pinapabalik siya kinabukasan ng mga 6AM para macheck if may pwede siyang masakyan. Grabe iyon! May binibigay na P150 para sa mga pasahero na nakansela ang biyahe. Naisip ko nga, kulang pa iyon sa pamasahe papunta doon eh. Nung number ko na ang tinawag, sabi ko paparefund ko nga ang ticket ko. Sabi niya, hindi pa daw allow na full refund kasi dapat daw 4hrs delayed! Hindi ako pumayag, pinilit ko siyang dapat marefund ang tickets namin! Madali namang kausap si kuya, sinabi ko lang naman na, paano mo masisigurado na hindi kayo nadedelay sa time na yan! Paano kung madelay ulit kayo ng 1 hr, marerefund ko ba yan kasi total of 4hrs na ang delay ninyo. Ayon hindi siya nakasagot. Ipprocess na daw niya for Fully Refund. ;)  Dahil open na ang check-in namin, sinabi ko na babalikan ko na lang ang papel for refund. Nakapila na kami sa check-in ng makita namin na ang nakalagay sa time is 20:20! Delayed flight pala kami! Tinanong ko ang crew:
Me: Miss db po 19:20 ang flight namin? Bakit naging 20:20?
Miss: Delayed flight po.
Me: Kelan pa po?
Miss: Ngayon lang.
Me: Nice ha! 
Wala naman kaming magagawa, so ok na yan! After makapag check-in balik kami sa outlet. Hindi pa din napprocess ang refund ko. Naghintay pa ako ng mga 15 minutes before ako tawagin. Grabe ang tensiyon sa outlet na yun! Nagagalit na ang mga tao, meron na ngang nagsabi na, naghalfday na daw siya pero hanggang ngayon wala pa ding nangyayari sa kanila, mababayaran ba daw nila ang araw niya! Haha! Init talaga ng ulo ni ate. Pagkuha ko ng papel, lumabas na ko, baka mahawa pa ako sa bad vibes e! Haha!
Bayad na kami ng terminal fee then hintay na sa loob. May isang oras pa kaming maghihintay. Tulog muna. 8PM, may nagsalita, ang flight daw namin, madedelay ulit, magiging 9PM na daw! Hala, nagtayuan ang mga tao! Sumugod sa Customer Service! Hinayaan na lang namin sila, wala na eh. Sobrang bad vibes na sila. Ayaw namin mahawa. Nagrereklamo na ang mga tao, naghahanap na ng pangkunswelo. Pero sabi ng staff, ang binibigyan lang ng food ang mga may 4hrs delayed flight! Nice talaga. Ang mga katabi naming may flight na 4PM, binigyan na ng food. Hays. 
Tinext ko na ang accommodation namin na delayed flight kami. At super duper late na kami makakarating. Dumating ang eroplano before 9PM naman. Haha! Ok naman ang takbo ng biyahe namin. Dapat lang, bumawi sila! Sabi ko nga, first and last na sakay na ito. Hindi ko bet ang bad vibes sa paligid before pa magsimula ang bakasyon namin.
January 7. Nagtext naman si Airphil na from 7:10PM magiging 10:40PM ang flight namin. Ang inisip na lang namin, ayos! May time kaming makakain sa Casa Verde before umuwi na dapat sana pagdating namin sa Cebu nakasked.

January 9. 7:30PM nasa airport na kami. Pumunta ako sa Airphil Office para matanong ang flight details na namin. Ok naman ang staff na umasikaso sken. Kinuha niya ang printed itinerary ko, then sabi niya hintay lang daw ako. Pabalik-balik si kuya, so tinanong ko siya if may problema ba sa itinerary namin, wala naman daw. Need lang daw niyang ipull-out ang ticket namin. Naisip ko, pull-out? Hinintay ko na lang. Paglapit ulit ni kuya sken, tadan!!! May PAL tickets na kami! Haha!
Me: Kuya bakit naging PAL?
Kuya: Nilipat ko po kayo Ma'am. Mag check-in na po kayo kasi 8:30PM po ang flight ninyo.
Me: As in kuya?! As in NOW na?
Kuya: Opo Ma'am.
Me: Wait lang kuya, db ang Airphil may 15 kilos free baggage, paano sa PAL?
Kuya: Same lang po Ma'am.
Me: Ok.
So kami naman, pila na sa check-in. Nagtanong pa ako, dito po ba ito? Haha! Parang first time. Hehe! Sabi naman ng staff, oo daw. Tapos may kasunod na, Terminal 2 po kayo pagdating sa Manila ha! Haha! Wala na kaming magawa. 
PAL = Free Snacks! :D
Pagpasok namin, gulong-gulo ako. Ano bang nangyari? At doon ko lang naisip na, parang may mali. Hindi man lang kami tinanong ng Airphil Staff if gusto naming pagpalipat. Ah ewan! Basta ang importante, makauwi ng safe. Kahit anong airline pa yan!
Airlines. More fun in the Philippines.

8 comments:

Nicole said...

oha! oha! Hindi ko maiwasan na hindi maisama sa kwento, e d gawan ng sariling post! Haha!

princess_dyanie said...

Teh! Na confused din ako bakit may paglipat na ganap kagad. Di pa pwedeng magtanung muna sila? Haha! Try mo Cebupac. Mas okay kesa Zest.

Pinoy Adventurista said...

ahahaha! kinabahan tuloy ako sa flight ko with ZestAir, buti nalang 1-way lang cya... Kalibo-Manila... sana lang walang ganyang mangyari sa amin... hehehe!!! thanks for sharing your experience... kahit not so nice yung nangyari, nag enjoy ako basahin... no to negative vibes!!! hehehe!

Chyng said...

never to zest air. nagmamaganda eh ang chaaka naman ng service.

winner ang PAL tickets! =)

blissfulguro said...

marami na nga akong naririnig na ganyang story about zest air kaya never ako nag attempt na mag book sa kanila... lessons learned! thanks for sharing...

Michi said...

once pa lang ko nag zest air and nagdadalawang isip din magpabook ulit because of bad experience. nagcheck-in kami, tapos cancelled na pala flight namin, wala sinasabi kung hindi pa kami nagtanung at boarding na, wala pa airplane. hirap makipagsingitan para lang, masingit kami sa mga next trip.

Kura said...

OMG! OMG talaga girl. Nagpabook ako sa zestair going to coron sa last quarter ng taon. Hayz! Sana naman hindi maging ganito ka disaster ang mangyari sakin. solo pa naman yun. huhuhu!

Calvin said...

ang gulo nila. sobra. hahaha. di pa ako nakatry ng zest air. di ko na siguro susubukan. :P