Birthday ng unang baby ng barkada. Kahit umulan nang malakas, tuloy pa din kami. Hindi ko iniexpect na mas magiging masaya pa ako kaysa sa celebrant! Haha! Bakit? Eh kasi dream come true talaga! Kahit ilang minuto lang, naging magician ako! Tawa nang tawang alalay ng magician!
Ako na ang adik! :P
Hindi ko nakita kung anong trick ang ginawa ni kuya pero kahit na! Masaya pa din ako! :) At nadagdagan pa ang kasiyahan ko dahil sa photobooth! ;)
Happy birthday Justin! :D
Natutuwa ako kay Justin hindi kasi siya umiiyak, kahit sino sinasamahan. At kahit na gigil na gigil na kami sa kacute-tan niya. ;)
Sa kabilang banda, bago kami pumunta sa birthday party at maging masaya, naging emotera muna ako. Araw din kasi ng pag-alis ng aking college-classmate-officemate-for-5-yrs-travel- buddy- close -friend papuntang Singapore. Sa dami na naming pinagsamahan hindi ko maiwasang malungkot at gumawa ng note sa fb para sa kanya.
Simula ng mag countdown tayo para sa last day mo sa office, wala namang kakaiba.Parang hindi naman apektado.Masaya pa nga nating pinag-uusapan ang mga pangarap at planong matutupad.Wala din akong naramdamang lungkot noong despedida mo.Noong hindi ka na pumapasok, ok lang din naman ang lahat.Nasa isip ko naka vl ka lang.Kahapon nung pagpunta mo para kunin ang kahuli-hulihang papeles, ok pa din naman.Nagpaalam ka na. Sabi ko "Oi mag-ingat ka doon ha!"Umuwi ka na.Balik sa trabaho. Walang kakaiba.Hanggang dumating ang uwian,Habang nakasakay ako sa bus pauwi..Bigla kong naisip, malayo pala ang pupuntahan mo.Bigla akong nalungkot.Bigla kong naisip ang mga pinagsamahan natin.Mga kalokohan, mga problema, mga desisyon at kung anu-ano pa.Naaalala mo pa ba iyong gumawa tayo ng eksena sa may National Bookstore sa Cubao?Nilagay ko ang maliit kong bag sa malaki mong bag tapos iniwan natin sa guard.Nung pauwi na tayo, nawawala na ang number natin?Iyak tayo ng iyak noon sa National kasi ayaw ibigay ng guard ang bag natin!Naaalala mo pa din ba iyong natrap tayo sa elevator sa may MWSS nung naghahanap pa tayo ng OJT?Eh iyong naghahanap palang tayo ng work, halos buong Makati nalibot natin pero wala pa din.Tapos tinanggap natin ang work na iyon kahit malayo sa gusto natin!Pero mabait pa din si Bro sa atin, binigyan niya tayo ng trabaho kung saan tayo magiging masaya.Simula nun, lagi na tayong magkasama.Sa MRT, kahit na siksikan nakukuha pa din nating magpapicture, naaalala mo ba iyon?At ang madalas nating gawain, umuwi ng 11PM at magpapicture sa restroom, db?Naaalala mo pa iyong sa Sun Cellular? Excited na tayong magpasa ng requirements tapos sasabihin ni Kuya hindi tayo approved! Sarap sapakin db!Tapos from Makati, magkasama pa din tayo sa Manila.Naaalala mo iyong first Christmas Party natin kasama sila?Dahil tayong dalawa palang ang magkakilala, nahiya tayong sumabay sa kanila.Sabi natin, magtataxi na lang tayo.Pero malas lang, wala tayong nakuhang taxi kaya sumakay na lang tayo sa kuliglig!Simula din nun, naadik na tayo kakabooked ng flight!Naaalala mo ba iyong time na nasa bubong kami dahil sa Ondoy?Katext kita nun at hindi mo alam kung paano mo kami matutulungan.Siguro nga kung nakakalipad ka, malamang sinagip mo na kami.Pagkatapos ng Ondoy, damit mo ang suot ko.Hindi ko na nga sinauli si Garfield eh, remembrance.Siguro naman naaalala mo pa iyong latest?Nung nahold-up ang sinasakyan kong fx!Ikaw ang una kong tinawagan at ilang minuto lang nandun ka na para iconfort ako.Grabe! Ang dami na nating pinagdaanan.Mag-iingat ka don ha!Nagsimula ang lahat sa"Mag-usap na kayo, magkaklase kayo."9 years ago.
Mamiss kita Neng! Sobra. T_T
Ako na ako. Malungkot ngayon, mamaya-maya masaya na! :D
2 comments:
And the handkerchief is whole again!!! Hahahahahah!
may blog post ka pala about sa party. nice! sunod tayo kay diane. wag ka na malungkot. :D
Post a Comment