Sunday, September 04, 2011

Probinsiya Life sa Loooong Weekend

Madami akong naisip kung saan kami sa long weekend. Merong sa Coron at sa Cebu! Pero wala eh, drawing! Haha! Pero ok na din at least mas nakapagpahinga kami. :) Akala ko nga hindi na kami matutuloy dahil nakisabay si Bagyong Mina! Pero bagyo man walang makakapigil sa mga galang tulad namin! :)

Pumunta kami kung saan maagang natutulog ang mga tao. 6PM palang nagdidinner na kami. Niluluto ang masarap na ulam gamit ang uling. Kumakain ng masarap na tinolang manok habang umuulan.
Nanonood sa black and white tv. ;) Classic no! 
Naliligo galing sa poso ang tubig. :) Sa 4 days namin dito, ni isang beses hindi ko ito napagana! Kakainis! Hindi ako marunog! Hindi bale, next time! Hehe!
Ang pinakagusto ko dito, green ang paligid. Malayo sa kabihasnan. P50 ang tricycle papunta dito galing bayan. At take note, dapat hindi ka magpapagabi dahil hanggang around 6PM to 7PM lang bumibiyahe ang mga tricycle. Ang daming puno sa paligid. Bukid sa harap ng bahay. Taniman naman ng saging at suha sa likod.
May nakita kaming namimingwit ng palaka sa bukid, gusto din sana naming manghuli kaso wala kaming pangbingwit! Next time na lang. Hehe!

Saan ito? Sa bahay ni Inang ( Lola ni Neil ) sa Pangasinan. Ang problema lang namin kapag uwi. Ang daming pinapadalang saging at mga gulay! Haha! Sako kung sako! :P
Hanggang sa susunod na loooong weekend Inang! Salamat po sa pag-aasikaso sa amin. ;)

10 comments:

Nicole said...

Sarap ng buhay probinsiya kahit minsan. ;)

Pack up and Drift said...

ow! simpleng pamumuhay.. naalala ko tuloy probinsya namen. ganyang ganyan. ang simple..

Kura said...

ako din. namiss ko ang back to basic na promdi life. Wala na halos gumagamit ng de uling na kalan ngayon e.

Thanks sa pagcomment mo sa Coron entry. nice to see you again (Chyng's outreach remember? hihihi!) let's exchange links ok lang?

dyanie said...

WOW! Province life! Ang saya balikan noh? Ang simple ng buhay!

The Average Jane said...

Unang beses ko rin gumamit ng poso, wa epek! Walang lumabas na tubig. Pero ilang beses na paulit ulit lang e lumabas din. Hehehe! Practice makes perfect ika nga. =D

Chyng said...

old skul, amazing!
maulan everywhere, kaloka!

Nicole said...

oo nga! Napakasimpleng buhay. ;)

@Malditang "Kura" Cha - Naaalala nga kita! Hihi! Ifollow sana kita kaso hindi ko makita! Haha!

anney said...

Sarap lumanghap ng sariwang hangin sa probinsya! I'm a new follower!

Pinoy Adventurista said...

astig! iba pa rin ang buhay sa probinsya... :)

shegothim said...

wow sarap pala ng long weekend trip mo noon sis.

gusto ko ulit makatikim ng suha freshly picked from the tree. sarap kaya lang di ko na magagawa ulit iyon ngayon. wahhh reminiscing mode naman ako. hehe