Tuesday, July 26, 2011

Unang araw sa Lungsod Dabaw

Before July 09. Hassle din minsan ang magpabooked ng maaga. Malaki kasi ang chance na may hindi makakasama or worst hindi matuloy ang lakad. Pero tulad ng dati, kahit mabawasan, tuloy pa din! Kahit kabikabila ang balita sa Davao, nandiyan ang baha, landslide at sapakan issue, ok lang! Walang makakapigil sa mga taong gala. 
July 09. Maulan sa Manila. Dasal namin na sana makisama ang panahon sa pagdating namin sa Davao. Nakitulog kami sa bahay ng friend namin dahil napakaaga ng flight namin. Kaya naman 3AM palang nasa NAIA T3 na kami. Pagdating namin sa Davao, maganda ang panahon. ;)
Good Morning Haring Araw! ;)

Taste of Malaysia - Dahil lahat kami ay gutom na, dinala kami ni Kuya sa buffet breaskfast. Sa halagang P69.95, buffet na. Marami na rin ang pagpipilian na food. May ulam, kanin, tinapay at syempre hotdog at itlog. Pero may kakaibang lasa daw ang avam hotdog! Kitang kita ko kung paano nahirapan ang mga kaibigan kong ubusin ang hotdog na ito. Merong hinati-hati sa maliliit before kainin then inom ng maraming tubig. Meron ding sinabayan ng pagkain ng saging ang hotdog! Ang ibang food, kakaiba din ang lasa. Nasarapan lang kami sa fried chicken at saging! *wink*
Agaw pansin ito. Hehe!
Eden Nature Park - Gusto ko dito. Ang aliwalas, presko at ang sarap ng hangin. Nilibot namin ang parke sakay ng shuttle kasama ang tour guide. Meron lang designated area kung saan pwedeng bumaba at magphoto ops. 
Pagkatapos ng tour, tumuloy na kami sa Zipline. Hindi na ako ngzipline dahil nalalapitan ako, 200M lang. Ang iba sumubok ng naka-upside down. Sobrang naenjoy naming lahat ng Indian Jones! Para kaming mga bata na pinayagang maglaro sa labas! ;)
walang agawan ng trip! hehe!
Nagmapagod na at magutom, merienda muna.
Philippine Eagle Center - Nakakatuwang makita si Pag-asa at iba pang uri ng ibon na pinoprotektuhan at inaalagaan. May bilihan na din dito ng pasalubong tulad ng shirt, candies, pomelo at durian.
Lola Abon's - Bili agad ng pasalubong sa unang araw ng dating. Nakakatuwa ang nagtitinda dito, bibigyan ka ng free taste everytime na itatanong mo kung anong candy iyon. Sarap ng durian ice cream! Masarap din ang durian candy at yema!
Delongte's Seafoods, Grill & Barbecue - Past 2PM na kaya malabo na naming maabutang bukas ang Penong's. Pero pinuntahan pa din namin baka kasi bukas pa. Karamihan dito sa Davao, sarado ang kainan ng 2PM - 5PM. Open ulit sila ng mga 5PM hanggang dinner. So naghanap na lang kaming iba. Buti na lang open ang Delongtes! Ang linis ng place nila. Attentive ang mga staff.  At ang sarap ng pagkain dito. Lahat ng inorder namin masarap.
Crocodile Park - Pagkatapos naming kumain derecho naman kami dito. Sakto ang dating namin dahil kasisimula palang ng show. Una, ang pagpapakain sa napakaraming buwaya. Pangalawa, ang pagtawid sa lubid ng staff habang nag aabnag sa ilalim ang mga gutom na buwayan. Meron ding nakaantabay na may pampatulog if ever na malaglag si kuya. Safety first pa di naman. Hehe!
Hindi na namin tinapos ang show at nilibot na lang namin ang parke. Hindi lang crocodile ang hayop na makikita dito. Ilan sa mga iyon ay ito:
Tribu K'Mindanawan Cultural and Fire Dance - Maganda ang cultural show kaso ang lamok sa venue. Namimigay din sila ng free passes para sa Zorb and Maxima Aqua Fun. Ang galing ng fire dance nila! Ito ang pinakamagandang napanood kong fire dance. :)
Fire dance photos are taken by Angelo Amparo
Jack’s Ridge - Hindi na sana namin ito pupuntahan pero nandito na rin kami, lubusin na. ;) 
Lachi's Sanrivals and Atbp.- Dito ko din namin nameet ang mga katulong sa paggawa ng itinerary. ;) Syempre inorder namin ang most famous na unforgettable pork ribs at breaded tofu. Nahirapan kaming pumili sa napakadaming cakes na nasa ref kaya inorder na namin lahat,tig-iisang slice.Take-out then uwi na sa Royale House para magdinner at magkaroon ng Cake Taste Test Challenge!

3 comments:

Nicole said...

gusto kong bumalik sa Davao at itry ang river tubing. ;(

Chew On This said...

I've never been in Davao but your blog makes me want to go there :(

popoygelo said...

wow naman. na-special mention pa ako dito dahil sa picture. :)