Kaya naman after naming matuwa sa Zipline, hinatid na kami ni Kuya Roel sa SM dahil doon kami susunduin ng Red Raft. Pagkatapos namin kumain ng lunch diretso na kami sa starting point. Change outfit, orientation then ready to go na! :)
Lunch good for 6 person |
Ready to paddle in 20 km river stretch with 21 major rapids!:) |
Cagayan de Oro River |
Game na!
Sarap ng tubig-ilog! Haha! |
Ganyan ang gawain namin sa loob ng mahigit 5 oras! Pero ang saya! Haha! May time naman na walang rapid, kaya picture picture muna.
Syempre, kumpleto ba ang rafting na ito kung hindi namin mararanasang malaglag at nalunod ng ilang segundo? Haha! Presenting our agaw-buhay moment! ;)Ilang beses kaming sinubukang ilaglag ni Kuya Banjo pero hindi siya magawa! Very competitive kasi ang mga kasama namin, oo hindi ako kasama dun! Sila lang! Haha! Kaya naman imbes na kami ang malaglag si Kuya Banjo ang nalaglag. *wink*
Grabe ang saya nito, promise! Hindi nga namin maramdaman na 5 hrs na kaming nagppaddle, nakikinig sa mga jokes at trivia ni Kuya Banjo eh. Kapag walang rapids, boring! Haha! Mas masaya iyong may tubig-ilog na humahampas sa mukha. Nakakatuwa rin kapag may nalampasang rapid ang team! Kampay! ;)
We survived the CDO WWR Advanced Course! |
-----------------------------------------------------------------
Maraming salamat kina Kuya Banjo, hindi nila kami pinabayaan. At soooobrang naenjoy namin ang WWR! ;)
Asha, Gelo, Diana Rose ang Stine, good job guys! Ulitin natin ito! ;)
neiL, salamat sa pag alalay kapag muntik na akong malaglag at sa pagkapit sa kamay ko noong naiwan tayo sa isang bato at sinasabi mong, huwag kang magpanic ha. ok lang yan! ;) ♥
2 comments:
Kapag nakikita ko ang mga pictures namin, natutuwa ako. Haha! Kampay!!!!
ansaya nito!!! sana meron lang na malapit, Rafting sa Cubao lang... ang layo kasi ng CDO ^_^
Post a Comment