Sunday, May 29, 2011

Mapawa Nature Park to the highest level!

Before ang Camiguin-Bukidnon-Cagayan Trip na ito, todo research kami about sa Mapawa. Extreme kung extreme kasi ang dating. Iniisip palang namin ang 20ft na tatalunin, wala na! Haha! Pero dahil nasa CDO na din naman kami, itry na rin namin! Haha!

6AM palang nasa baba na ang sundo namin, at syempre iba na naman ang sasakyan namin. Tinanong ko si Kuya Paris kung gaano kalayo, malapit lang po. Mga 30 mins lang. Haha! Malapit lang daw ang 30mins drive. Ang aga namin. 
Bago ang Mapawa Trek! ;)
Ang sasakyan papuntang starting point. ;)

Orientation then pirma ng waiver and ready na kami! ;)

First: 30-minute tractor ride and 20-minute na paglalakad
Nakakatakot ang pagsakay sa traktora. Tapos ang daan pa, maputik at pataas. Tapos kapag baba namin, mahabang lakarin din. Sakit sa paa. Madulas at pababa pa ang lalakaran.

Second: 20-Ft Water Falls Slide at 11-Ft Body Rappel 
Ok, ito na. Una muna ang mga lalaki. Mukhang madali lang naman. Ilalagay mo lang ang kamay sa may batok, uupo tapos ayon na. Papadulas ka lang. Hehe! Kaso mukhang madali lang pero nakakatakot din lalo na sa tulad kong hindi marunong lumangoy. Kapag dulas ko, pikit lang ako then sa tulong ng life vest, kusa akong lumutang! Haha! Nice! ;)

Ang rappel naman, nadalian lang ako! Haha! Bukod kasi sa may tali naman, nakadepende sayo kung madudulas ka o hindi eh. Kapit lang ng mabuti sa tali then matatapos mo siya! ;)

Third: 8-Ft Water Slide
Madali lang. Unting slide lang eh! Hehe!
Forth: 30-Ft Jump   
Grabe! Unang talon, nakatalon ako. As in ilang segundo lang tumalon na ako. Tapos sabi nila isa pa! So akyat ulit kami. Ng ako na ang tatalon, hala! Bigla akong natakot. Hindi naman ako natatakot sa height. Kung anu-ano na ang tinatanong ko kay kuya, keso baka mali ang bagsak ko, baka tumama ako sa bato at kung anu-ano pa. Naka ilang balik-balik ako. Practice ng pagtalon. Bilang ng 1-2. 1-2. 1-2. Grabe talaga. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko alam kung bakit hindi ako makatalon hanggang sa sumuko na ko. ;( Naisip ko kasi ang tagal ko na dun tapos iyong flight din namin, cause of delay na ko. ;(
Naiyak talaga ako habang pababa. Sabi ni Kuya, bakit daw ako umiiyak. Sabi ko hindi kasi ako nakatalon. sagot niya, anong hindi! Nakatalon ka naman e. Pangalawa lang namn ito. Iyong iba nga hindi talaga nakakatalon, ikaw nakatalon ka naman. So smile na ako. Plus nakita ko na si neiL, nihug na niya ako. Hihi!
So move on na, lunch muna kami before ang huling pagsubok ng lakas ng loob. Kaso lowbat na si jL. Sayang nga ang moment. ;(

Last: 65-Ft Water Fall Rappel 
Ang saya! Nakakatuwa na nakakatakot. Lalo na iyong may tumatama ng tubig sa mukha ko. Pero keri pa din. Fulfilling pagkatapos. ;)
We survived Mapawa Trek! ;)

Ang nakakalungkot sa kwentong ito, noong tinitignan na namin ang mga pictures, wala akong kuha noong tumalon ako. Nice db? Once ko na nga lang ginawa, wala pang picture! Napakasaklap! :( Siguro kung sinabi agad ni Kuya na, "Sige ka! Kung hindi ka tatalon diyan wala kang picture!", malamang nakatalon ulit ako! Sayang talaga pero ok lang, sa pagbabalik na lang namin. *wink*

----------------------------------------------------------------------------
Susubukin talaga dito ang lakas ng loob mo at tiwala sa life vest! Hehe! Masaya. Nakakapagod at nakakatakot lang ang paglalakad sa mga bato at tubig. Nakakatakot madulas. Pero mababait naman at handa ang mga guide na tumulong sa inyo. Plus point sa kanila. Mas ok sana kung may official photographer na kasama sa package to make sure na macapture talaga ang once-in-a-lifetime-moment na ganito. Kaya kung may balak kayong itry ito, make sure na fully charged ang camera ninyo. ;)

10 comments:

Nicole said...

Sa pagbalik namin, sisiguraduhin kong may picture na ako sa pagtalon! ;)

Pinoy Adventurista said...

ay sayang, wala palang official photographer...pero ang galing nyo! congrats! :)

Nicole said...

Haha! Sayang nga eh! Thanks! ;)

adventurousfeet said...

waaah sis feeling ko mahihirapan din akong tumalon haha. 30ft ang taas! pero mukhang sobrang saya nito :)

Nicole said...

kaya mo yan sis! Huwag ka lang papahuli! Una kana agad! Hihi!

Chyng said...

scary.. buti nga nakatalon ka kahit once.. dapat tlga nagpatulak ka nalang.. hehe

Nicole said...

Bwhahaha! Sinabi ko nga un chyng kay kuya, hindi daw pwede, bawal daw sa kanila un! Haha! Ang dami niyang offer sken! Hahah!

shegothim said...

binabasa ko palang blog mo parang kinakabahan na ako, di ko pa nga rin sure kung makakapunta kami dyan. =)

Pinoy Travel Freak said...

hala ang saya nman dito. gusto kong isingit to sa itinerary nmin in 2 weeks. how much ba entrance dito?

Nicole said...

Pinoy Travel Freak - P1000/each. You can check our expense here.

http://galanamen.blogspot.com/2011/05/camiguin-bukidnon-cagayan-de-oro_30.html