Excited akong dumating ang araw na ito kasi ngayon namin gagamitin ang nabili kong voucher sa CashCashPinoy para sa Ace Water Spa! ;) Una ko itong nabasa kay Chyng tapos noong makita ko iyong site nila sabi ko gusto ko ring masubukan. Kaya noong nakita ko sa Cash Cash, P299 for 4/hours, bumili ako agad! :) Ang naging problema ko lang habang papalapit ang araw na ito, ang susuotin ko! Haha! Dahil "Fitted swimwear is a must!". Kaya ko namang magsuot ng ganyan, ang tanong kasi, kaya ba nila akong tignan ng nakaganyan! Haha! Pero dahil gusto ko talaga, keber ko sa kanila. Hindi naman nila ako kilala at hindi din nila ako kilala! Kaya go go! :D
Pagdating namin doon, abala ang mga staff dahil may party na gaganapin sa gabi. Binigay lang namin ang voucher, binigyan na kami ng swim caps at susi sa locker tapos tinanong kung may swimwear, sabi namin meron. May pinaparent kasi sila doon, P100. Akyat na kami sa dressing/shower room para magpalit. Tapos Game na! :D Bawal ang camera sa loob kaya lahat ng picture dito galing sa site nila.
Pagdating namin doon, abala ang mga staff dahil may party na gaganapin sa gabi. Binigay lang namin ang voucher, binigyan na kami ng swim caps at susi sa locker tapos tinanong kung may swimwear, sabi namin meron. May pinaparent kasi sila doon, P100. Akyat na kami sa dressing/shower room para magpalit. Tapos Game na! :D Bawal ang camera sa loob kaya lahat ng picture dito galing sa site nila.
Una kaming nagpunta sa Hot Herbal Pool, may 3 scents at iba't ibang init. Mint 36°C, Jasmin 38°C at Lavander 40°C ang pinakamainit. Hiwalay ang lalaki at babae. Kakarelax dito. Umpisa palang natutuwa na kami. :)
After namin sa herbal pool, sa Cold Pool naman, kaso naman sooooobrang lamig! Hindi pa kaya ng katawang lupa namin kaya iyon shower na lang kami
para sa sinasabing Contrast Therapy Plunge.
Tapos saka kami pumunta sa gitna to try different Hydrotherapy massage.
Bawat isang station may nakasulat kung anong tawag doon, gaano kalakas ang pressure ( soft, moderate and hard ), kung ano ang parts ang minamasahe, health benefits at kung ilang minutes ang recommended. Ang mga gusto ko sa iyong Rainfall Acupuncture, nakahiga habang bumabagsak sa likod mo ang tubig. Feeling ko ang daming nagmamasake saken! Hehe! Head and Shoulder Massage, saktong tama ng tubig sa masakit na balikat. Saka syempre Sauna! ;) Bago kami matapos ngtry ako sa Cold Pool, ang lamiiiig! Pagkalublob ko, ahon agad! Haha!
Head and Shoulder Massage
Lapping Pool
Photo from Our Awesome Planet
After swimming/massage, bihis na kami. Sa dressing room may blower at plastic na lalagyan ng basang damit. ;) May free soup din! :) Pero hindi na namin inavail kasi may eat-all-you-can treat si neiL! :D
Thank you mahaL! ♥
--------------------------------------------
Ace Water Spa
399 Del Monte Avenue (near cor. Banaue St.)
SFDM, Quezon City
399 Del Monte Avenue (near cor. Banaue St.)
SFDM, Quezon City
Customer Hotline Number:
(02) 330-7776
(02) 330-7776
5 comments:
babalik kami dito, promise! :D
my favorites are the hard massages. yungh head and shoulders massage. ewan ko ba, matanda na kasi ako. hehe
meron ka pang voucher? =)
naku love ko din ang Ace Water Spa... pero more than one year ago pa yung last visit namin
ewan ko kung bakit di ako masyado nag-eenjoy sa spa! parang gusto ko yata mas bugbog katawan ko kesa ma-relax pero kakaiba nga yung water spa. ma-try nga! malapit lang yan, sa timog meron eh!
I love spa! =)
Post a Comment