Friday, February 04, 2011

Tara Galera tayo! :)

Masasabi ko bang annual gala namin ito with college friends,gayong pangalawa palang ito after Boracay? Haha! 
5:30 nasa JAC Liner na kami ni neiL, takot malate! :) Kaso pagdating namin at nagtanong kung anong oras ang biyahe papuntang Batangas Pier, wala daw silang paBatangas, Lucena lang daw biyahe nila sa JAM daw meron. Haha! Adik. Buti na lang tawid lang ang JAM. Ayon sa JAM na namin hinitay ang iba pa naming mga kasama.  
8AM. Welcome to Batangas Pier! :)
First time ko dito. Haha! Oo first time ko din sa Galera! :D Iyong isa kong friend ang nagasikaso sa pagpunta namin dito kasi pang limang beses na niya dito! Haha! Pagkatapos naming magbayad tuloy na kami sa bangka. May nagbebenta pala sa amin ng mineral water, P120/each na 4 liter! Ang mhl! mas mhl pa daw pagdating sa Galera. Hindi kami naniwala, sa may grocery na lang kami bumili sa loob, P65 lang! :)
 Ganito pala ang bangkang sasakyan, akala ko katulad ng SuperCat. :)
Halos 2 oras din ang biyahe. Nasa unahan kami kaya naman nasa bangka pala, naliligo na! Haha! Malakas ang alon pero kerir lang kasi malaki naman ang bangka.
Unang tanaw sa Galera! :D
Sinalubong na kami ng staff ng White Beach Resort. Unting lakad lang at nakarating na kami. :) Ok naman ang room. Malinis. May provided towel at sabon din sila. Nag ayos ng gamit at nakipag tawaran para sa island hopping tour. 
At dahil gutom na kami, derecho na kami sa kainan nila sa baba. Ok sana ang food kaso napatagal! As in ang tagal! Picture-picture muna habang naghihintay.

Unti ang tao dahil tanghaling tapat. Dumadagsa daw paghapon na. Maraming nagooffer ng masahe, pabraid ng buhok, henna at kung anu-ano pa. 
After naming maghintay ng matagal, dumating na din ang lunch namin. 
Sarap nito! :)
Salad na sibuyas
puro sibuyas kasi! Haha!
Pagkatapos naming kumain, unting pahinga then lagra na! Simulan na ang paglalakbay! :) Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta ang sabi ni Kuya, magSnorkeling, magBanana Boat kami. Ang tagal ng tinakbo ng bangka namin bago kami makarating sa snorkeling site.
Palakasan ng loob! 
Kahit malakas alon makapagpicture lang! Haha!
Pagdating namin sa snorkeling site, ang daming maliliit na bangka. Sabi ni Kuya, iyong maliliit na bangka daw ang hihila para makita ang corals. Ok na sana eh kaso P200 isa! Ano?! Ang mhl! Nung una kala namin P200 isang bangka, each pala! Hindi na oi! Nagtry kaming pumunta sa may sinasabing coral, wala naman kaming makitang maganda. Napagod lang kami si neil. ( kakatulak! Haha!) Hindi namin na enjoy ang snorkeling na ito. Isa pa, nanghaharang pa iyong mga maliliit na bangka. Tsk tsk! Susuportahan naman namin ang torismo nila eh, huwag lang naman po ganun kamahal.
Nakuntento na lang sa pagkapit! Hehe!
Ayong orange na bangka ang hihila..
Move forward, tumuloy na kami sa isang island kung saan dun kami magbabanana boat! Excited! First time ko din! :D Picture muna habang hinihintay namin na tawagin kami. Maganda ang place. Gandang magpicture taking. :)
Jumpshot
Kahit bato-bato ang babagsakan sa kabila! :)
This is it! Haha! Una kaming sasalang sa banana boat! Sa totoo lang excited ako na takot. Una, first time ko, pangalawa, hindi ako marunong lumangoy at pangatlo, natatakot talaga ako! Pero aja pa din! Haha!
Rule sa Banana Boat: Huwag nganganga!
Kung ayaw matulad sa aking nabusog kakainom ng tubig! Hehe!
NagEnjoy kami! :)
After naming magbanana boat, derecho kami sa isang island. Hindi ko ulit alam ang name. Hehe! Malinaw ang tubig kaso naman sobrang lamig! Haha! Nagpicture-picture lang then balik na.
 Mga bata! Isip-bata! Hehe!
Galera sa hapon
Ang daming tao! Haha! Lakas ng alon.
Pagkatapos magbihis at magpahinga hanap na ng makakainan. Sabi ni Kuya, try daw namin sa FoodTrip. Ayon, hinanap namin at dun na nga kami kumain,mura eh! :) Mabilis pa serving. At unlimited rice pa! Bumili pa kami ng inihaw sa tabi. :)
Pagkatapos kumain, hanap ng maiinuman! Haha!
Galera at night
Fire Dance, Mindoro Sling, Gay Pageant
Kinabukasan, aga kaming nagising para pumunta sa Tamaraw Falls. Breakfast muna, syempre saan pa kundi sa FoodTrip ulit! May pangako kasing kape si kristine on the rocks sa amin! Haha!
 Kristine on the rock
 Good Morning Galera!
Malayo din ang tinakbo ng jeep na sinakyan namin papuntang Tamaraw Falls, feeling ko nga nasa Baguio na kami sa taas! Haha!
Ang lamig! Sobrang lamig! Haha!
Pagbalik namin sa room, ligo then lunch na. 3PM nasa bangka na kami para makapili ng magandang pwesto. Nasa gitna ang napili namin. 4PM na umalis ang bangka sa Galera. Grabe! Sobrang lakas ng alon. Pinagpawisan talaga ako. Feeling ko nga masusuka ako eh! Buti hindi. Sabi ni neiL, wala daw kasing pumapasok na hangin, mali pala pwesto namin! Tsk tsk. Akala ko ako lang nakakaramdam ng ganun, pagbaba namin halos lahat pala kami nakaramdam ng hilo! Haha!
Hanggang sa susunod guys! Muah!

5 comments:

Chyng said...

ansaya! doesnt matter naman kung saang lugar, basta kumpleto barkada, enjoy!

been going to galera when I was young.. hehe hobby lang kasi malapit ^_^

Nicole said...

tamaaaa! Ok na sanang balik-balikan e, katakot lang malakas na alon! Haha!

Chew On This said...

had fun reading your blog... may time na natawa ko ng malakas, muntik na magising baby ko ehehe! Never been to Galera, and because of the boat ride, I don't think I'll have the courage to go there. Naranasan ko na rin kasi ang maalon na boat ride (sa Bora) and sobrang nakakatakot :(

Nicole said...

Haha! napaisip naman ako kung saan ka natawa ng malakas? sa nakasulat ba o sa mga pictures namin? hahaha! ako din parang magdadalawang isip na din akong bumalik sa Galera e! Sana may biyahe na dun airphil! :)

JeffZ said...

Sikat na sikat pa rin ang Puerto Galera.. may falls rin pala dun?.. kala ko puro beach bumming lang..

At isa pang rule sa banana boat, wag pupuwesto sa dulo kung ayaw mong ikaw ang laging titilapon!.. hehe :D

Thanks for post! :D