Monday, January 31, 2011

Food Trip: Roberta Seafood Cantina

Ordinaryong gabi. Naghahanap ng makakainan bago umuwi. Pareho naming naisip ang Maginhawa Street! Wow soulmate! Haha! Dinirecho lang namin ang kahabaan ng Maginhawa Street at tumingin tingin ng pwedeng kainan. Nakita namin ang BRGR:The Burger Project at Pakibalot Panciteria, kaso ang daming tao! Haha! Ang dami ngang kainan! Kaso ang hirap ng parking! Sa daan ang parking. Hanap pa hanggang sa mapansin namin ang kakaibang menu sa isang kainan. Tinolang Manok sa Pakwan. Hmmm.. Pwede! 
The Place at ang bote ng Pandan Water
Maliit lang sa loob. Pero malinis at maayos. May isang grupo ang tapos ng kumain pagpasok namin. Feeling nga namin, suki na sila. Katsikahan na nila iyong may-ari at mga staff eh. Hehe! Pagkatapos naming umorder, inabutan kami ng mga magazine, naisip ko, baka matagal ang serving kaya may ganito! Haha! Pero hindi naman katagalan, sakto lang. ;)
Tinolang Manok sa Pakwan - P120
3-in-1 appetizer - P150
Gambas, Catfish Salad at Tawilis
Iniexpect ko nakalagay talaga ang tinola sa pakwan, tulad ng Tinola sa Buko sa Puerto Princesa. Hehe! Masarap naman kahit na hindi nakalagay sa pakwan!:) Pero wala akong malasahan na pakwan kundi tomato sauce! Pero nasarapan ako! Kakaiba kasi sa karaniwang tinola eh! :)
Sulit din ang order naming appetizer! Madami ang servings. Tapos marami pang pagpipilian. Next time try namin iyong isaw! Sarap! :)

Meron din pala silang inooffer na foot and nail spa using all organic products. Try din namin next time! :)

Expect more foodtrips along Maginhawa Street! *wink*

---------------------------------------------------
Roberta Seafood Cantina
45-B Maginhawa St., UP Village, Quezon City
(02) 394-1505

No comments: