Friday, November 26, 2010

Countryside Tour with Mag Aso Falls

Pagdating namin sa Tagbilaran, hinintay na namin ang aming sundo, si Kuya Tatsky. Nagdadasal kami na sana kasya kaming lahat plus gamit namin sa sasakyan niya. Buti na lang kasya! Very good! Wala na kaming inaksayang oras, derecho agad sa Mag Aso Falls! :) Malayo nga siya. Nagbayad ng entrance fee then baba na kami. Ingat na ingat kami sa paglalakad kasi madulas. Pero nakuha pa din naming magpicture malapit sa falls! Wala namang masyadong magawa kundi magpicture. Para kasing hindi naman safe magswimming kasi madulas at parang biglang lalim ng tubig. Biglang umulan kaya hindi na kami nagtagal. Ang sakit sa paa ng pag akyat! Pagdating sa taas basang basa. Pati sasakyan ni kuya puro putik. 

Dahil sa tanghali na din, nagpahatid na kami kay kuya kung saan pwedeng kainan. Dinala niya kami sa isang mall ( hindi ko matandaan ang pangalan ) at sabi niya sa Payag daw kami kumain. Pagkatapos naming kumain, namili na din kami doon ng pasalubong.
Inabot na din kami ng mga 2PM sa pagstay namin sa mall. Kulang na kami sa oras kaya iilan na lang ang pinuntahan pa namin. Next stop, Baclayon Church. May proper attire ang pagpasok sa loob ng simbahan. Kaya naman binigyan kami ng pagtabing sa aming mga katawan. *wink* Natutuwa ako sa simbahan na ito, napakaluma na pero maganda pa din. Salamat sa mga namamahala para mapanatiling maganda ito.
Ang aming sasakyan.. :)
After namin sa Church, pumasok din kami sa museum. Bawal ang camera sa loob. Makikita sa loob ang mga lumang kagamitan ng simbahan. Ang dami, may mga damit, upuan, dictionary, kapana, at iba pa. 

Niyaya na namin si kuya na pumunta na sa next destination namin. Ang mga tarsier! Ang liliit nila. Ayoko ng buntot nila. Parang buntot ng daga pero mahaba lang. Ang hirap nilang kuhaan ng picture kung hindi nakasiksik sa sanga, tulog! Haha! Pahirapan talagang makahanap ng magandang anggulo. Paalala: Bawal ang flash sa camera!

Mas malaki pa muka ni Bachengcheng! Haha!
Meron din ditong Flying Lemur.

Next Destination: Man-Made ForestDaan ito. As in daanan ng mga mabibilis na sasakyan! Pero hindi pa rin nagpaawat sa pagkuha ng litrato. Alisto lang sa mga dadaan na sasakyan! Haha! Very challenging ang magpose at tumakbo sa gilid kung may sasakyan.

Ayan ang napapala ng adik sa picture! Haha!
Pagkatapos naming mapagod kakatakbo, tumuloy na kami sa susunod na destination dahil nagdidilim na. Haha! Chocolate Hills na! :)

Mahamog pagdating namin. Ang lamig! Parang nasa baguio! :) Hindi naman nakakapagod umakyat sa taas. Saya nga eh! Kakatuwang tignan ang green na paligid.

Sakto lang ang pagdating namin sa Loboc River para sa aming dinner. :) Galing ni kuya, time management! Hehe! Nakakatuwa ang mga ilaw. Iba-iba! Basta ang ganda. Pero iyong food, hindi sulit ang bayad! Ang unti kasi ng putahe tapos ang tagal pang magrefill! Siguro pag lunch mas marami! Hehe! 


Kakapagod ang araw na ito pero saya! Gusto naming gawin pagdating sa hotel, matulog! Pero iba ang aming na datnan! Hindi magandang karanasan.

2 comments:

chyngreyes.com said...

wow, reminds me of my IT. bakit di kayo kay RJ? wala lang...

super photogenic yung man made forest no? ganda ng effect ng fog sa hills =)

Nicole said...

Haha! oo ginaya namin IT mo! Haha! Naalala mo iyong incident na ang kinuha si rJ tapos hung nandun na iba iyong naging driver nila. Tapos parang hindi maganda ang feedback doon sa driver, sa gT iyon. Hehe! Ayon! :)

Oo ang ganda sa man made! nakakatuwang magpapicture tapos tatakbo kasi may sasakyan! Hahaha! Hinahanap namin sa Chocolate Hills iyong may walis tingting. Hindi namain nakita, meron pa ba nun? hehe!