Monday, November 29, 2010

Bohol Sea Tour

5:00AM palang gising na kami. Sabi kasi ni Kuya Tatsky, maaga daw lumalabas ang mag dolphin. Pagkatapos naming magbreakfast, hinanap na namin si Kuya Dodong, ang aming bangkero. :) Madali naman namin siyang nakita. Pumunta na kami sa kanyang bangka at sinimulan na ang aming paglalakbay sa dagat. Akala nga namin ay aabutan kami ng malakas na ulan buti na lang nakisama ang panahon.
Si Mang Dodong at ang kanyang bangka
Malayo-layo din ang aming nilakbay. Nakatulog na nga kami. Hehe! Makikita agad kung saan lumalabas ang dolphin dahil nagkukumpulan ang iba pang mga bangka. Ang dami naming naghihintay sa pagpapakita ng dolphins. Nakakatuwa ang paghabol kung saan lumabas ang dolphins. Buti mabilis ang bangka ni Mang Dodong kaya nakikita namin ang mga dolphins bago pa sila bumalik sa ilalim ng dagat. 
Matagal-tagal din kaming nakipaghabulan sa mga dolphins. Nakakatuwa kasi. :) Pagtapos naming mapagod, inaya na namin si Kuya na tumuloy na sa susunod na pupuntahan, ang Balicasag Island
Ready na kami!!! 
Lumipat kami sa mas maliit na bangka, 4 kami sa isang bangka at may kasama kaming isang guide. Sobrang babaw lang ng pinuntahan namin pero ang dami ng isda. Dapat nakalutang lang kundi makakatapak ka ng coral at masusugatan ka. Ang galing at ang babait ng guide naming lahat. Ang tiyaga nilang magturo sa mga kasama namin first time lang magsnorkeling at sa mga kasama namin na natatakot at nagpapanic. Nasira pa nga ang tsinelas ko eh, pinahiram lang ako ni Kuya para daw hindi masugat paa ko. Bait talaga! Ang nakakatuwa pa, kung gaanu kami kahirap makakita ng Nemo sa Coron, dito ang dami nila! Iba-iba pa ang kulay.

Pagkatapos, masaya kaming lahat! 
Salamat sa aming mababait na guide. :)
After naming magbayad, tumuloy na kami sa next stop, Virgin Island. Mali pala ako sa iniexpect ko dito, akala ko makakapagswimming kami dito, hindi pala. Walang magagawa dito kundi magpicture! Haha! Medyo madumi kasi ang tubig. May nagbebenta dito ng sea urchins, hindi ako tumikim, si neiL lang. Sabi niya, lasang talaba daw. P20 ang isa. 
Malayo ang Virgin Island. Nakatulog na naman kami sa biyahe! Haha! Saktong tanghalian kami nakabalik sa Dumaluan. Nagswimming pa kami sa pool. Pagkatapos magbanlaw, lunch time na! :)
Nagcheck-out na kami. Hinintay ang maghahatid sa amin sa Tagbilaran Port. At hanggang sa muli Bohol na kami! :)
Pumunta din kami ni Taboan Market para bumili ng pasalubong.Buti nga may naabutan pa kaming bukas dahil 8:15PM na din kami nakarating ng Cebu. Noong nasa taxi na kami papuntang airport, sabi ni Manong Driver, buksan na lang natin ang bintana ha, ang baho kasi. Haha! Mabaho ba ang amoy danggit? Hindi naman db? :)
Hanggang sa muli Cebu at Bohol! :)

9 comments:

Nicole said...

Gusto kong bumalik sa Bohol at itry ang EATDanao! :)

princess_dyanie said...

Hallow! Penge naman ng number ni Kuya Dodong please. Thank u soo much! :)

princess_dyanie said...

ay may nagpost na pla sa PEX hehe. ;)

Nicole said...

Hehe! :) Enjoy! :)

Christian | Lakad Pilipinas said...

Uy ayos ang iyong blag ah! Filipinong Filipino!

Napakapresko (refreshing)!

Salamat sa pag dagdag ng aking blag sa listahan mo! =]

hazeyna said...

hi! nakakatuwa ang blog mo very informative..itatanong ko lang sana kung ok naman ba sumakay ng ferry ng hapon na? di ba masyadong maalon yng pabalik nyo ng cebu from tagbilaran? mgttour din kc kami s May 1=3 Cebu-Bohol din. thanks

Nicole said...

@christian - haha! Proud Pinay eh! :)
Salamat din sa pagdalaw. :)

@hazeyna- buti naman may napulot ka sa blog ko! Haha! Hindi naman maalon. Kung maalon man hindi namin naramdaman. Hehe! Ok lang naman ang biyahe. :) Enjoy kayo! :)

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
Unknown said...

We went to Bohol last MAy 2010. We availed of the servie of Kuya Dodong. Super epic! His service was first class. Check this out

http://talkativebrain.blogspot.com/2011/03/bohol-kuya-dodong-affordable-and-super.html

Contact him if you plan to go back to Bohol :))