Friday, December 27, 2013

Marikina Food Tour 2 : Lilac Street

Sa pangalawang pagkakataon, sumama ulit ako with my sister ( Sorry neiL, may pasok ka e! :P Better luck next time. Hehe! ) sa Marikina Food Trip na inorganized ulit ni Roni ng All Over Marikina. This time sa may Lilac Street naman ang dinayo namin. Ang Lilac Street ay ang version ng Maginhawa Street ng Marikina. As in walking distance lang ang pagitan ng mga kainan. Kung puno ang isang place, lakad-lakad lang para maghanap ng ibang makakainan. Ganun kadami. ;)

1st Stop Omonok: Korean-style fried chicken ba ang hanap mo? Tara na! :P Take-out ang peg nila, meron lang silang iilang upuan at tables. After naming umorder, pinadeliver nalang namin sa susunod sa stop namin. ;) Upon delivery, may kasamang plastic gloves ang order namin. Yes. Mas masarap talagang kumain kapag nakakamay! Haha!


2nd Stop Burrito Brothers: Isang hakbang lang ang layo sa Omonok. Haha! At dahil may chicken na kami, taco salad ang inorder namin. Ano masasabi ko? Ang laki ng servings. Good for 2 persons. 


3rd Stop Mogu Tree House: Nakakain na kami dito ni neiL. Masarap at mura! Since busog pa kami, siopao lang ang inorder namin. Ay dumayo pala ako sa katabing Udderly Delicious para tikman ang milkshake nila. :) Babalik kami dito para itry ang lahat ibang pang flavors ng milkshake nila.

Irish Cream, Soft Serve Ice Cream with Baileys for me
and hindi ko na mataandaan ang isa, basta with Banana! Haha! 

Photo c/o Dong Despojo
Last Stop Forget Me Not: Dessert and coffee time!!! Coffee para pangtunaw sa madaming nakain! LOL!! 
Brewed Coffee and Choco Lava
Oreo Cheesecake
Before kami umuwi, may isang bahay na inopen ang bahay nila para sa makulay na mga christmas light para sa mga "turista". Thank you po! :)
Group Picture :)
Hanggang sa susunod na paglafang! :)

1 comment:

Nicole said...

Next stop please!!! :)