Simula nung malaman ko ang blog na ito, ito na ang naging reference namin for Marikina Foodtrip! :D Kaya naman nung nagpost siya na she's planning for food tour sa mga followers niya, todo bantay ako! :)
30 November 2013. Dumating na nga ang takdang panahon para makilala namin si Roni Flores. Sayang hindi kami nakapagpapicture sa kanya! 4:30PM sa may harap ng Kapitan Moy ang meeting place. Unting hello-hi at binigyan niya kami ng Marikina Magazine, ang galing meron pala kami nun, sinimulan na ang food trip! :)
Make it Marikina! |
1st Stop Macky's Goto: Ang inorder namin goto at masarap na kapartner ng goto, tokwa't baboy. Sarap ng goto!! Gusto ko ulit bumalik agad-agad. Haha. First time namin mapadpad dito, lagi lang namin nadadaanan.
Photo c/o All Over Marikina |
2nd stop Mang Frederick's BBQ:
Unting lakad lang ito mula sa Macky's. Side kwento, nung una namin
itong hinahanap, hindi namin nakita. Inassume nalang namin na iyong
nagtitinda ng bbq malapit sa LOA ang hinahanap namin. Kahit na alam kong
hindi naman talaga iyon yon kasi wala iyong signboard! Haha! After one
week, nagtext sken si neiL na may surprise daw siya sken. At tadan!
Hinanap niya ang legit na Mang Frederick's BBQ! Haha! Answeet lang! LOL!
At dito sa foodtrip na ito nalaman ko na branch din pala nila iyong
napuntahan namin nung una! Haha! Anyways, try ninyo ang isaw nila,
sarap! :) Sa halagang P10 pesos may ulam ka na! ;)
Isang side kwento pa, isa ito sa pinuntahan ng KrisTV sa episode nila sa mga kainan sa Marikina.
3rd Stop Mama Chit's : Isa pa ito sa pinuntahan ng KrisTV at after daw nung episode na iyon, nagtraffic within the area! Nakakatuwang pagkaorder namin, dala mo na agad ang inorder mo! Ganun kabilis ang serving nila. Masarap. Juicy ang burger. At first time ko ring makainom ng Coca-Cola Cherry! Lasang cherry! Haha! Naisip ko lang, sa dami ng abubot dito, paano kaya nila nililinis ang mga ito? Pinapalitan kaya nila ang mga latang nakasabit? :D
4th Stop Aling Remy's Puto at Kutsinta : Tawid lang ito from Mama Chit's. P100 pesos ang isang puto na nasa styro, P200 ang nasa bilao. Tamang-tamang pangpasalubong at panghanda sa Pasko.
Last stop Isabelo Garden : Ang sosyal! Pagpasok palang, napa-wow na agad ako. Ang cute lang ng ambiance. Tapos dagdag factor ang music, parang nasa spa! Hehe! Ang lakas lang ni Roni kasi kahit wala kaming reservation, in-accommodate kami. ;) Ang best seller nilang key lime pie ang inorder namin, sarap! Halong tamis at asim. Natatakam ako!!
Hindi uso rito ang walk-in lalo na sa gabi, online ang reservations at nandun na rin ang menu para kapag punta ninyo rito, tadan! Ready na ang orders ninyo. Pwede ring itry ang breakfast dito, Rustic Mornings, pwede walkin. :D
L-R: Perfect date place, frozen brazo, key lime pie and brewed coffee |
Thank you Roni for organizing this food trip tour! :) Hanggang sa susunod. Sana pwede ulit sumama! :) Umpisa palang ito, marami pang masarap na kainan dito sa Marikina! :)
Photo c/o Dong Despojo |
All Over Marikina ( click here )
Dong (click here)
Migs (click here )
3 comments:
ang dami kong gustong iblog!!!
inggit! pa-experience naman minsan! :)
wag kang mawawala sa next food trip ha!
Post a Comment