Monday, September 30, 2013

BDO We Find Ways

Matagal na akong client ng BDO. Fund transfer and bills payment ang talagang useful sken. Less-hassle kasi. Walang pila at walang extra charges. Pati ang pagbili ko online mas referred ko ang may BDO Account para mas madali. Ini-enroll ko muna as Third-party then active thru ATM, after 24 hrs, pwede ka na magfund transfer! :) #GawaingTamad
Ang wish ko lang talaga, pwede na mag-transfer sa ibang bank! Db ang saya nun, isang account lang tapos pwede ka na mag-transfer sa ibang account sa ibang banko! :D Kaya naman natuwa talaga ako nung nabasa ko ito. ^___^


Wish granted talaga! :D At hindi lang remit to other local bank ang pwedeng gawin meron pang iba. 

Send Money for Pick-up
Your beneficiary may claim the remittance at any BDO branch, SM Mall, Palawan Pawnshop, Bayad Center and Rural Bank partners nationwide.

Send Money Door-to-Door
Remittances will be delivered directly to your beneficiary’s delivery address.

Send Money to Another Local Bank
Funds will be credited directly to your beneficiary’s account maintained at another local bank.
Ang saya lang talaga! Hehe! Kaya excited akong malaman kung magkano ang charges (syempre alam naman nating lahat na meron! Hehe! ) per transactions. 

Before ako magtransact, tumawag muna ako para alam ko kung ittry ko na ba o pipila nalang ako! Hehe! At ito ang sabi sa Customer Service.

Nasa Marikina lang ang padadalhan ko, kapatid ko, BPI ang account niya pero gusto kong makuha na niya agad iyong ipapadala ko kaya Cash Pick-Up ang ginawa ko.

1. Log-in sa BDO site.
2. Makikita na ang Remit sa menu. 
3. Pinili ko ang Send Money for PickUp at BDO Branch.
4. Fill-up New Remittance Request. Then SUBMIT.

 5.After SUBMIT, may confirmation na lalabas at dun na rin nakalagay kung magkano ang Service Charge. At mababasa rin sa bandang baba na kung sakaling mali ang details na nilagay, 2-3 banking days mababalik ang amount sa account except sa Service Charge. Kaya ingat sa pagfill-up, idouble check before pindutin ang CONTINUE. :)



6. May reference number na ibibigay. Then may nagtext na rin sa kapatid ko na pwede na niyang iclaim ang perang pinadala sa kahit anong BDO Branch, BDO Remit Counter sa SM Dept Store etc. Magdala lang ng 1 valid ID with picture at ang reference # mula sa remitter.

7.  Pumunta na siya sa pinakamalapit na BDO Branch at tadan!! Nakuha na niya agad! :) 


*Hindi po ako nagtatrabaho sa BDO, natuwa lang talaga ako Remit Online nila! :D

2 comments:

Nicole said...

Walang gala kaya ayan muna! :D

KULAPITOT said...

peor mas madali yung sa bpi hehehhe