Tuesday, July 03, 2012

Hello there!! :)

Haha! Grabe ang tagal ko na namang nawala. Ano ba ang pinagkakaabalahan ko nitong mga nakaraang buwan?? Wala naman. Tamads lang talaga ako. At waley lang talagang gala. Sa bahay lang ang peg kapag weekend. Sad. Pero syempre kailangan pa ring may pagkakaabalahan kahit na walang laboy, share ko lang ilan sa mga ito. ;)

1. Magbasa ng libro. Ang gandang pakinggan no? Hindi ko talaga hilig ang magbasa, pero once na nagustuhan ko, wala ng tayuan. Kailangan matapos ko agad, excited baga. Haha! At ano naman ang binasa ko? Isang makabuluhang aklat na magmumulat sa bawat tao babae ng totoong kahulugan ng pag-ibig! chos! 
Isa ako sa mga na-curious sa binabasa ni Delamar (#themorningrush). At napag-alaman ko sa aking dalawang kaibigan na tapos na pala nilang basahin iyon. Haha! Kayo na! :P At dahil dun, hindi na ako nahirapang maghanap ng ebook. :D Isa lang natext ko sa kanila nang simulan ko na ang pagbabasa, "GRABE!!!". Sagot nila, "Huwag mong sabihing hindi ka namin winarningan!" Haha! Na-curious ka rin? Share ko ang file! :P

2. Magbake. Ng no-bake-cake. Labo! Gustong gusto ko talagang matutong mag-bake kaso naman wala kaming oven. Pero no worries! Ang daming nagkalat na no-bake-cake recipe sa kaharian ni Google. :) 
My blueberry cheesecake bday cake
neiL's banoffee bday cake
3. Manood ng movies. Highly recommended ko ang Proposal Daisakusen. Napuyat talaga ako kaka-isa na lang, hanggang sa 2AM na? Maganda. Nakakaiyak. Nakaka-inlove. 
Ang moral lesson: Huwag maging torpe! :P


Ayan ang mga pinagkaabalahan ko habang waley gala at tag-ulan na. :) Meron pang isa, pero sa susunod na iyon para may makwento lang. :P

Goodnight! Sarap matulog, anlamig! ^___^

6 comments:

Nicole said...

No travel blog? Malay natin. Hehe. Sa ngayon, PBB teens muna ang peg! :P

anney said...

Naiintriga na ako dyan sa Fifty shades of grey! Dami nag ba blog about it! Gusto ko na din basahin. hahaha!

che abagat said...

kala ko isshare mo ung file? san na teh? :p

Mitch said...

OMG, idol ko ang morning rush tandem! Congrats pala to them for winning the best radio station! Maganda ba ang book and how much? kaintriga nga ah... wentohan mko about what the book was about. hehe thanks! Keep bloggin..

Unknown said...

Ako din naiinis na ako sa book na yan na iintriga ako.. haha!

uyy mukhang masarap yang cake mo.. makapag google na nga din.. :D

Kristian S. said...

awesome.. kulang nga lang.. hahaha dapat magbasa din ng Tagalog Love Quotes